Kabanata 34

18 0 0
                                    

Ilang araw akong hindi nagpakita sa kaniya. Isang linggo din siguro. Gusto ko lang maliwanagan at ayoko rin sisihin ang sarili ko sa lahat lahat. Ilang beses ko pinakiusapan sila Jona na sabihing wala ako sa bahay at isang linggo din akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi ko alam kay Jona kung bakit galit na galit siya kay Gab dahil wala namang ginagawang masama ang tao. Ako lang naman ang kusang umalis at minasama ang mga sinabi at narinig ko sa magulang niya.

Pero kahit papaano ay may punto din ang mga sinasabi nila sa akin.

"Kung mahal ka no'n, dapat sasabihin niya sa magulang niya na hindi siya ang ama ng batang anak ng basahang Sunny na 'yon. Hindi niya magawa dahil iniisip niya ang negosyo ng magulang niya. So ibig sabihin, mas may pakialam siya sa magulang niya."

"Tama lang na hindi ka magpakita sa lalaking 'yon, hayaan mo siyang mangulit hanggang sa magsawa."

Halos hindi ko pansinin ang mga sinasabi sa akin ni Jona noon sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n katindi ang inis at galit niya sa lalaking iyon una pa lang. Napabuntonghininga na lang ako dahil sa pagtunog ng alarm clock. Agad kong pinatay iyon at saka pumasok ng banyo, wala na sa kama si Jona dahil kanina pa siya nakaalis. Napapadalas ang hindi niya pag-uwi dahil lumalala na ang sitwasyon ng lola niya.

Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay nilinis ko na muna ang kwarto at saka bumaba.

"Good morning, Adaline Sanchez. Tuloy lang ang buhay oki?" ngiting saad nito saka naglagay ng mainit na sopas sa mesa.

Ngumiti lang ako at nagtimpla ng aking kape, nakatitig lang sa akin si Maylene habang si Annie ay tuloy lang sa paglalagay ng sopas. Halos kaming tatlo na lang minsan ang natitira dahil si Ate Calli ay may pinupuntahan pa, ang iba kasi ay umalis na sa trabaho dahil nakahanap na ng matinong trabaho o di naman kaya nagkaroon na ng pamilya.

Ako kaya? Kailan kaya ako rito?

"Papasok ka na sa trabaho?" tanong ni Maylene na tinanguan ko.

Medyo okay naman na ako rito. Mas lalo lang ako nawalan ng gana nang magmukmok ako. Pero kahit papaano ay nawala ang agam-agam ko sa sarili.

"Madalas ko nga pala siya makita roon. Wala siyang kasama, tapos tinanong si Tonet kung pumasok ka ba, araw-araw daw pumupunta, ay! Kahapon ata hindi pumunta, e. Since wala namang say si Tonet," kuwento ni Maylene na tinanguan ko lang.

"Basta, ah, hindi kami mangingialam, pero foul na 'yong marinig namin siya na pagsalitaan ka tungkol sa trabaho mo, kasi choice niya 'yan, huwag ka lang pagbuhatan ng kamay ng lalaking iyon at ihahampas ko sa kaniya ng palad ko—"

"Ito naman, kalmahan mo nga!"

"Sorry na Maymay! Bakit kasi ganiyan si Kupido, mangpapana na nga lang hindi pa puso ko," nakangiting sabi ni Annie at saka siya pinandirian ni Maylene.

"Anong gusto mo? Iyang p*ke mo?"

"G*go ka! Bakit? Puwede rin naman!"

Halos matawa ako dahil sa mga pinagsasabi nila na halos malayo na sa usapan namin. Nag-asikaso na lang kami at kinalimutan ang mga nangyari. Hindi ko naman pinapatagal ang ganito, gusto ko lang mapag-isa dahil ayoko ring marinig na mag sorry si Gab kung wala naman siyang kasalanan.

Halos tumaba ako dahil hindi na nagkasiya sa akin ang pang-ibabang palda ko. Huminga na ako nang malalim at saka inipit ang tiyan. Bibili na lang siguro ako kapag nakasahod na. Ayoko na rin kasing baryahan pa ang mga bills na nasa akin. Marami na agad ang tao nang makarating kami roon. Dumiretso ako sa likuran para makapagpahinga muna. Nagtimpla na muna ako ng kape habang pinagmamasdan ang iba na inaayusan ang sarili hanggang sa lumabas na rin sila.

Nang maubos ang iniinom ko ay lumabas na rin ako at mas dumoble pa ang mga tao, nilapitan ko agad si Tonet na sinenyasan ako kaya tinulungan ko agad siyang binuhat ng tray.

"Daming kliyenteng naghahanap sa 'yo," sabi nito na muntik ko pang hindi maintindihan dahil sa lakas ng tugtog na gumigising sa pagkalatay ng katawan ko.

"Hindi na ata ako tatanggap," bulong ko sa sarili ko na mukhang hindi niya narinig.

Ayoko na rin kasing madagdagan ang kasalanan ko at choice ko naman na hindi na talaga umulit dahil nakakapag-ipon na ako. Siguro ilang buwan na lang puwede na akong umalis dito para naman tanggapin ang trabahong sinasabi sa akin ni Gab.

"Here's your order sir, enjoy!" masiglang anas ni Tonet kaya napangiti sa kaniya ang lalaking tinanggal ang sigarilyo sa bibig at pinagmasdan ang katawan namin.

"As you wish little honey," malalim na sabi nito at bumuga ng usok.

Umalis agad kami at pinuntahan agad namin ang bakanteng mesa na inalis ang mga bote at inilagay sa tray na nasa ilalim. Ako na lang ang naiwan dahil tinawag siya ng isang lalaking mayroong order ata. Bumalik na ako sa mesa at saka sinenyasan sa table 2, malapit lang iyon sa akin kaya mabilis ko lang naibigay ang dalawang beer niya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko papunta sa counter ay napansin ko agad ang isang lalaki na matamang nakatingin sa akin. Ang mga mata nitong halos hindi ko alam kung iiyak ba o nagtataka.

Agad akong niyakap nito ngunit mabilis ko siyang naitulak at napatingin sa maraming tao na walang nakapansin.

"M-May trabaho pa ako Gab. Pasensya na," sabi ko saka siya pinigilan sa paglapit.

"Please? Kahit sandali lang, sandali lang Ada—"

"May trabaho pa ako, e. Bukas na lang Gab." Tinalikuran ko na ito at saka inilagay sa counter ang tray at pumunta agad sa likuran. Halos sobrang lakas ng kalabog ng puso ko dahil sa kaba at konsensiya. Parang hindi pa siya natutulog, gusto ko siyang kausapin pero nasa trabaho ako.

Inaayos kong muli ang sarili ko, ibinaba ang kaninang suot ko, mabuti na lang at nakasuot ako ng medyas, hinawi ko ang buhok papunta sa akong dibdib para naman matakpan iyon dahil sa halata.

Lumabas na agad ako dahil baka biglang magtaka si Tonet. Hinanap ng mata ko ang babaeng iyon pero hindi ko na siya nakita.

"Ada? Room 2—"

"Ma'am pasensya—"

"Room 2!" Halos mapapikit ako dahil sa sigaw niya.

Kung ayaw kong makaltasan, kailangan kong sumunod. Wala pa naman si Ate Calli rito kaya walang magtatanggol sa akin. Karamihan sa mga head dito ay masusungit at hindi makatarungan ang pagkaltas nila ng suweldo namin.

Pikit-matang pumunta ako sa room 2, wala ako sa mood ngayon dahil kung ano-ano na ang naiisip at tumatakbo sa utak ko. Pagkabukas ko pa lang ay isang mahigpit na yakap agad ang naramdaman ko ngunit mabilis ko siyang tinulak.

"Sir—"

"Ada, ako 'to. G-Gabriel." Tinuro niya ang sarili niya at umayos ng tayo.

"G-Gab," tawag ko dahil mukhang nasaktan ko siya sa pagtulak ko.

Ngunit ngumiti lang siya sa akin. Dahan-dahang lumapit at saka ako niyakap. Sobrang gaan lang no'n at hindi ko alam kung anong gawing ko. Humalik ito sa aking noo at hinayaan lamang siya.

"I missed you so much," bulong niya. "I felt crazy this past week. Saan ka ba galing? Hindi mo man lang ako tinawagan," sabi nitong mahinang niyapos ang aking pisngi.

Ngumiti lang ako sa kaniya at saka umiling. "Tingnan mo ang sarili mo Gab, pinapabayaan mo na," usal ko dahil halos ang lalim na ng mga mata niya.

Hindi siya sumagot ngunit masiil niya akong hinalikan sa labi. Iyon lang ang naging sagot niya sa tanong ko, ang halik na halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lalim. Mas lumala pa iyon at napunta sa aking leeg, ngunit agad din iyong natigil dahil sa pagyakap niya sa akin nang mahigpit.

"Huwag mo na akong tatakbuhan, Ada. I'm really sorry for what happened—"

"Sshhhh, okay lang. Kinalimutan ko na 'yon kaya kalimutan mo na lang din okay?" pang-aalo ko sa kaniya at saka siya tumango.

Tumingkayad ako at saka hinalikan ang kaniyang noo. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganoon. Wala ako sa tabi niya sa look ng isang linggo at para bang nagbago siya.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now