Kabanata 10

17 0 0
                                    

Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang liwanag. Una pang bumungad sa akin ay si Jona, na titig na titig sa akong mukha kaya ako mas napaurong. Medyo masakit ang likuran ko kaya hindi ako masyadong makagalaw.

"Ada? Naririnig mo kami?" mahinang sabi nito ngunit hindi ako sumagot.

Naririnig ko naman sila. Pero ayoko lang na kumilos dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko. Sinabunutan ba naman ako at kinaladkad na halos umalis na ang kaluluwa ko. Hindi rin ako sanay sa gano'n. Ayoko talaga ng gulo.

Nanatili akong tikom at napansing nasa kwarto na ako, sa bahay mismo. Kitang-kita ko ang mukha ni Jona na alalang-alang at hinahawakan pa ang aking kamay. Bigla namang bumukas ang pinto at si Ate Calli ang bumungad doon.

"Ano na? Maayos na ba siya? Kilala mo pa ba kami Ada?" tanong ni Ate Calli na nginitian ko nang kaunti.

Nahilo lang naman ako kanina. Dala na rin kasi ng init ng panahon kaya siguro gano'n.

"O-Okay lang po ako," sagot ko saka sila nakahinga nang maluwag.

Napasapo pa sa noo si Ate Calli, habang si Jona naman ay napasandal sa dingding. Ngumiti na lang ako at nanatiling nakahiga. Nagtanong-tanong lang sila sa akin ng kung ano-ano tungkol sa kalagayan ko at nang makuntento at tumigil na rin. Napansin kong madilim na ang labas ng bintana. Kitang-kita ko ang mga bituin at ang ibang mga ulap na hindi naman makakapal, sapat na para maaninag ang buwang nakakubli rito.

Dahan-dahan akong naupo para naman maiunat ko ang aking katawan. Hindi ko pa rin maiwasang balikan ang mga nangyari kanina. Sobrang daming taong nakasaksi at mukhang naniwala na magnanakaw nga ako, ni hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag at basta na lang iyon ginawa.

Mayroon pang naiwang galos sa iniingatan kong katawan, mabuti na lang at hindi masyadong malalim at puwede pang mawala. Napadako ang tingin ko sa mga gamit kong nasa tabi ng mesang maliit kung nasaan ang picture frame ng pamilya ko. Sila mama at ang mga kapatid ko. Kumusta na kaya sila? Wala pa pala akong sagot sa text ng kapatid ko. Pati iyon ay kailangan ko pa palang isipin.

Imbes na magmukmok ay dahan-dahan ako g tumayo at naglakad, maayos naman na pala ang pakiramdam ko, nakakain at nakainom na rin ako ng gamot kaya kailangan na lang na maglakad para masanay muli ako. Baka kasi mas lalo akong tamarin kung sakaling hindi ako kumilos-kilos.

Ngunit gano'n na lang ang paglaki ng mata ko nang mapansin ko ang aking suot, iba na ito at mukhang may nagpalit sa akin. Hindi kaya si Jona? Ibig sabihin ay nakita niya ang katawan ko?

"J-Jona?" tawag ko habang nasa hagdanan ako.

Pero si Annie ang nagpakita sa akin at nakangiting lumapit pa. "Okay ka na raw? Akala namin kung ano ng nangyari sa 'yo." Pagngunguso niya na inilingan ko lang.

"Ayos na ako Annie, pasensya sa abala, ah?"

"Sus! Nu ka ba! wala 'yon! Si Jona lang talaga 'yong may lakas na loob sa amin sa ganyan saka si Maylene, pabebe kasi ako, ehe. At saka ako nga pala nagpalit ng damit mo, kailangan ka kasing punasan since mainit ang katawan mo, at saka babae ako ano, pure na pure, naiinggit nga ako kasi ang ganda ng katawan mo," mahabang salaysay nito kaya ako natigil sa hagdanan.

Si Annie pa naman ang pinakamadaldal dito, kaya hindi ko alam kung sinabi na niya sa iba. At isa pa, babae nga kami rito, kaso nakakahiya at nakakailang.

"Hala!"

"Ano ka ba Ada! Secret lang naman 'yon, ito talaga! At saka ginamot ni Jona 'yong mga sugat mo kaya rin hinubad. Wala namang malisya 'yon hmp! Tara na nga," pang-aalok nito kaya sinabayan ko na siya sa pagbaba.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now