Kabanata 45

15 0 0
                                    

Gaya nga ng aking plano ay tumuloy pa rin ako sa pagiging waitress, gano'n pa rin ang lahat, halos tatlong linggo ako nawala at naging maayos ang pakiramdam. At halos may mangilan-ilang pagbabago sa katawan ko ang napapansin ko. Hindi pa kasi ako dinadatnan, hindi ko alam kung may dapat bang ikabahala dahil iregular ako, kung minsan dalawang buwan bago ako datnan.

Mas dumami ang mga taong katrabaho ko kaya hindi ako masyadong nahirapan, four hours na lang din ang trabaho ni Jona kaya maaga na silang nakakauwi maliban kina Maylene at Annie na puwedeng umabot ng madaling araw. Kapag kasi umuuwi si Jona sumasabay na rin ako sa kaniya dahil napansin kong mabilis na akong mapagod.

Kinuha ko ang trabaho ng kasama ni Tonet kaya nandito lang ako sa counter at taga bigay ng order kina Tonet at tagahanda ng mga ibibigay sa kanila. Maya-maya pa ay napansin ko na si Tonet na nakangiti at ibig sabihin ay tapos na siya sa lahat. Inusog ko na ang upuan na kaniya naman agad na kinuha.

"Grabe, kapagod. Pero at least medyo malaki ang tip ang nakuha ko." Kumindat siya sa akin kaya ako natawa.

"Hindi pa kasi ako masyadong okay, e. Mabilis talaga sumakit katawan ko kaya rito na lang muna ako," sabi ko na nginusuan niya.

"Sinabi mo na kay Gab?"

Umiling ako at saka ngumiti. "Busy pa siya, e. Isang beses na lang kami mag-usap sa isang araw kaya nag-iiwan na lang ako ng message, sinasagot naman niya kapag may time siya."

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong tinamad na kausapin siya at minsan naman ay gustong-gusto kong makita. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung minsan at inaaway ko na si Annie na noon naman ay hindi.

"Okay naman relasyon ninyo?" tanong niya na hindi ko agad nasagot dahil biglang may lumapit sa akin at kinausap siya.

Mukhang okay naman kami. Sa pagkakaalam ko kasi ay sila Sunny at si Lucy ay kasama niya sa Singapore, kaya iniintindi ko na lang kahit wala siyang reply sa akin dahil nahahati ang oras niya at ayaw ko namang magalit siya dahil nagdedemand ako ng oras, kaya binubuhos ko na lang sa pamamahinga ko at sa pag-ta-trabaho. Kung minsan mas pinipili kong hindi sagutin ang mga tawag niya... dahil hindi ko rin alam kung bakit.

"Uy! Ano nga ulit tanong ko sa 'yo? Kumusta na kayo?"

"Okay lang. Busy nga siya, e, gano'n din naman ako. At saka nandoon sila Sunny at Lucy kaya hindi ako masyadong nakikipag-usap kasi baka mahalata ni Lucy," sabi ko na I irapan niya.

"Ayang batang 'yan mukhang mana sa nanay niyan. Napaka maldita, tapos ayan pang Gab na 'yan, e, kakampihan pa ang bata na kesyo hindi nagsisinungaling. Eh, hindi nga niya maamin sa bata na hindi siya ang ama at may relasyon kayo, e," sabi nito na ikinatahimik ko.

Sinabi ko kasi sa kanila 'yong mga nangyari no'ng nasa condo pa ako at mga nangyari doon, halos lahat sila ay iisa lang ang mga reaksyon na sobrang naiinis, maliban kay Jona na walang sinabi, nakinig lang siya at hindi nagbigay ng komento.

"Alam mo Ada? Kung ako sa 'yo, hiwalayan mo 'yang Gab na 'yan. Nagsasayang ka lang ng oras, huwag kang umasa na sasabihin niyan ang totoo sa bata at sa ibang tao. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi sinabi sa 'yo ni Gabriel na naroon pala ang mag-ina niya. So ano ka? Wala lang?"

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay kumukuha ng mga kailangang beer. Minsan iniiisip ko na ayaw nila kay Gab kaya sila ganiyan, minsan naman iniisip ko na masyado lang silang oa. Pero alam kong totoo silang kaibigan, hindi pa sila nag-away away, hindi sila nangungunsinti.

Kaya pakiramdam ko nasa akin na ang mali. Hindi ko lang siguro malaman kung ano 'yon o nagdedeny lang ako na walang may mali. Na okay lahat.

"Hi! Excuse kay Miss Ada?" isang malalim na boses ang nagmula sa harapan namin dahilan para tapikin ako ng isa.

"Here, sir, enjoy your order—"

"I just want to talk her right over there," natatawang turo niya sa isang bakanteng table malapit sa amin.

Umiling na lang ako at sumama sa kaniya. Madalas siyang pumunta rito para makipag-kuwentuhan sa amin, minsan ko na rin siyang nasabi kay Gab pero gaya ng dati, wala naman siyang nirereklamo, alam ko naman ang limitasyon ko.

"So... what happened? Ilang araw ka ng ganiyan, baka hindi ka na nakakatulog," panimula nito dahil lagi lang akong tahimik kapag magkasama kami.

"Hindi naman. Wala lang talaga akong gana," sabi ko na nginitian niya.

"You have to rest, Ada. Alagaan mo naman ang sarili mo kahit minsan dahil walang gagawa niyan bukod sa sarili mo."

"Hmm. Salamat." Ngumiti lang ako at nanahimik.

Kahit may tatlong alak pa sa harapan namin ay hindi niya ako binigyan o inalok man lang dahil umiiwas ako sa alak, hindi rin naman akong sanay uminom kaya okay lang. Magkukwento sana ako nang mag vibrate ang selpon ko kaya kinuha ko agad. Napatingin pa ako kay Rafael na mabilis akong tinanguan kaya nagpaalam na ako.

Naghanap muna ako ng tahimik na lugar bago sinagot ang tawag niya.

"Gab?"

[Nasa Club ka?] tanong niya agad.

"Ah, oo. Bakit?" Sumandal ako sa oader dahil medyo nakakaramdam ako ng pananakit ng ulo.

[Nothing. Anong oras ka makakauwi?] seryosong tanong nito.

"Alas-dose pa siguro."

[Magkasama kayo ng Rafael?]

Natahimik ako. Lahat na lang ng kilos ko nalalaman niya. "Ah, oo, magkausap kami no'ng tumawag ka."

Bumuntonghininga ito saka ko narinig ang boses ni Lucy na agad na tumahimik. [Okay, ibaba ko na. Take care,] paalam niya at saka niya ito ibinaba.

Ngumiti na lang ako, nakuntento na lang sa tawag na iyon at saka muling tinabi ang telepono. Nanahimik na lang ako sa likuran at nagpasiyang umuwi na lang nang mag-isa. Nang makarating sa bahay nila Ate Calli, ay nag-asikaso agad ako at kumain ng kaunti. Inayos ang sarili at saka nahiga sa kama.

Kung hindi ako nagkakamali, sa susunod na araw na ang uwi nila. Sobrang bilis lang pala niya sa Singapore at nalaman ko rin na bakasyon ang pinunta niya roon at hindi trabaho base kay Alora nang magkita kami. Hindi niya sinabi ang totoo. Hindi naman ako tatanggi kung sakaling totoo nga iyon. Hindi naman ako mag-iisip ng kung ano kahit sabihin niya ang totoo.

Maiintindihan ko naman siya. Alam kong galit siya sa mga bagay na hindi ko kasalanan. Alam kong may nagbago na. Ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi niya masabi sa akin. May karapatan din naman akong malaman ang mga gagawin niya, hindi naman ako mangingialam.

Hindi naman ako manggugulo.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon