Kabanata 32

15 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at hindi ako nakapagpadala kina mama, sabi kasi nila ipunin ko na lang muna at hindi naman masiyadong magastos ang semester ni Adrian, nagtitinda na rin sila kaya nakakakuha na sila ng panggastos. Kaya nakapag-ipon na rin ako kahit papaano.

Dahil sabado ngayon maaga akong nagising dahil sa sinabi ni Gab sa akin na may pupuntahan daw kami, ako raw ang gusto niyang isama kaya hindi na ako tumanggi. Tinitigan ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin habang nakakulot ang buhok ko, si Annie kasi ang nag-aasikaso sa akin at sinabi niyang siya na ang bahala.

"Keri na kaya 'to? Medyo manipis pero maganda naman. At saka sayang kutis mo kung hindi mo ipapakita sa kaniya," sabi nitong pinakita ang hawak niyang red dress na mukhang kita ang likuran.

"Okay na siguro 'yan. Magdadala na lang ako ng jacket."

Sinamaan ako ng tingin. "Yuck! Huwag na! Hayaan mo siyang bigyan ka, basta ito na lang, oh dali, magbihis ka na," utos nito.

Mabilis ko lang nasuot iyon dahil may zipper naman sa likuran, fitted din sa akin dahil sa kaniya iyon, mas maganda naman kasi at may hubog ang katawan niya na hindi gaya sa akin ay unti-unti na akong tumataba. Nang lumabas ako ay napangiti siya sa akin, inalis niya agad ang kulot sa buhok ko at mabuti na lang ay manipis lang ang aking make-up.

"Smile ka lang lagi, tapos dapat maka-score ka—"

"Annie!" saway ko na tinawanan niya.

"Joke lang na sana totoo. Sulitin mo na ano! First date ninyo 'to kahit na halos araw-araw kayong lumalabas. Anyway, okay naman na lahat. Almost perfect, kaya gora ka na," ngiting sabi nito saka niya ako hinila palabas ng kwarto.

Kung nandito lang si Jona siguradong simisigaw na iyon dahil sa inis kay Annie. Pagbaba namin ay nakangiting bumungad sa akin si Maylene.

"Okay lang ba? Hindi ba nakakahiya?" tanong ko kay Maylene habang lumalakad palapit sa kaniya sa sofa.

Nakasuot ako ng sandal na kulay itim na terno sa aking kwintas na hiram lang din kay Annie. Nagkibit-balikat lang si Maylene na ikinanguso ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ito o magdahilan kay Gab na masama ang  pakiramdam ko.

"Nope. It's fine, you look great." Isang boses na nanggagaling sa aking gilid nang tuluyan akong makalakad papunta sa sala.

Narinig ko ang impit ng tili ng dalawa sa likuran ko saka ko sila binalingan at sinamaan ng tingin.

"Mas maganda kung umalis na kayo ngayon. Okay lang kung bukas mo na siya i-uwi, o kaya kahit huwag na basta huwag lang saktan—"

"Annie!"

"Kasi reresbakan ka namin nila Jona once na pinaiyak mo 'yan," sabi pa nito at pinakita ni Maylene ang kaniyang kamao.

Rinig ko ang pagtawa ni Gab kaya ako napabaling at napanguso. Hindi naman sagot ang dalawa, e. Bakit ba nila ako pinapahiya?

"Sure. I'll take care of her, don't worry. Hindi lang ako mangangako kung mamaya ko siya mauwi—"

"Take your time lang! Keri 'yan!"

Tuluyan akong napanguso nang pagtulakan kaming lumabas ng bahay. Halos mamula na ako hindi dahil sa presensya ni Gab, kundi dahil sa ginagawa nila sa akin. Nang makasakay kami sa kotse ay pansin ko pa rin ang panay titig niya sa akin, napatingin na lang ako sa kaniya nang may inabot siya sa likuran at saka inabot sa akin.

"Which do you prefer? Shoulder or legs?" mahinang tanong niya na agad ko na lang kinuha.

"D-Dito na lang siguro, nakakahiya," bulong ko na tinawanan niya.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon