Kabanata 53

22 1 0
                                    

"Anong pakiramdam?"

Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako.

"Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin."

"Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap.

May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila.

Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang pagsipa ng bata kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi ako masyadong kumilos dahil baka mas lalo lang sumakit. Pero gusto ko nang bumaba dahil maingay sa ibaba, baka mamaya may kung sino-sinong pumasok.

"Annie?" tawag ko at maingat na humawak sa kama para makatayo.

Kumuha agad ako ng aking damit at saka nag-asikaso ng sarili, dahan-dahan lang akong kumilos para naman hindi ako madulas, sandali lang ako sa banyo at saka lumabas na rin, ngunit doon ko nakita si Annie na may dalang gatas na agad na ibinigay sa akin at inalalayan ako sa pag-upo.

"Happy birthday Adaline namin," masayang bati nito saka ako hinalikan sa pisngi.

Tinititigan ko lang siya at saka nangunot. Nakangiti lang ito at saka kinuha ang suklay at maingat na sinuklayan ang buhok ko.

"Birthday ko pala?" tanong ko at saka natawa nang kaunti.

"Baliw ka talaga, oo naman. May regalo kami sa 'yo," bulong niya at saka tumayo sa aking harapan. "Kaya bilisan mo riyan, kasi naghihintay na sila at gutom na kami."

Napangiti ako dahil doon, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero gustong-gusto ko nang bumaba, kaya mabilis kong inubos ang gatas at tinandaan ang mga sermon ni Annie na huwag daw ako masyadong maggagagalaw lalo na't kabuwanan ko na.

Naunang naglakad si Annie habang ako ay nakasunod lang sa kaniya, panay pa ang kaniyang kanta habang ang ingay sa ibaba ay hindi pa rin nababawasan, habang palapit kami nang palapit ay mas lalo namang lumalakas. Napangiti na lang ako nang bumungad sa akin ang mga kakilala ko na nagtatawanan, at may ilan pang mga handaan sa mesa.

"Ate!"

Napalingon agad ako sa aking gilid nang makita ko kung sino ang sumigaw. Halos matahimik ang lahat at nakatitig lang sa akin habang ako naman ay maka-ilang beses na tinititigan ang dalawang batang babae na palapit sa akin at nakatitig sa aking tiyan.

"Bunso," ngiting bulong ko at sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.

Hindi alintana na malaki na ang aking tiyan dahil sobra ko silang namiss, halos ilang taon ko silang hindi nakita at naka-usap. Ngunit kusang hinanap ng mga mata ko ang mga taong huli kong naka-usap nang umuwi ako sa amin. Napangiti na lang ako dahil nakita ko ang isa kong kapatid na kumaway at si mama na maluha-luhang lumapit sa akin at marahan akong hinagkan.

Ni hindi ko maipaliwanag ang saya ko, ito lang ang gusto kong mangyari noon, ang mapatawad ako ni mama, halos manlamig ang aking kamay na hinawakan ni mama at ilang beses na hinalikan ang aking pisngi.

"Magiging lola na ako," natatawang sabi nito habang pinupunasan ang kaniyang luha.

Napatango na lang ako at napangiti sa kaniya. "Mama, sorry po," usal ko ngunit mabilis siyang umiling.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now