Kabanata 31

12 0 0
                                    

Maaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi ako sanay na gumising ng maaga ay pinilit ko pa rin dahil nakakahiya kay Gab. Ayoko rin naman kasing matanghali dahil siguradong paghihinalaan ako ng mga tao sa bahay, puwede ko naman sabihin na may parokyano ako. Kaso, nakita nga pala ako ni Tonet, madaldal siya lalo na't nagtatanong sa kaniya si Jona minsan.

Naglinis agad ako ng aking katawan at nilinis ang kwarto niya. Inilagay ko na lang sa plastik ang sinuot ko kagabi para naman hindi pakalat-kalat. Nagpasiya na akong umalis sa kwarto at bumaba na lang, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dingding na nakasabit, puro mga paint lang ang mga naroon at napaka-simple lang. Wala masiyadong picture ng pamilya niya pero sapat na sa akin ang nakita ko kagabi para matakot. Itsura palang napaka strikto na nila. Kaya ba umalis sa kanila si Gab?

"Good morning." Nahinto ako sa paglalakad dahil sa mainit na labing humagkan sa aking noo. "Kakatok sana ako, pero nakita na kita. Let's breakfast?" tanong niya at ngumiti lang ako.

Hindi ko pa rin magawang magsalita. Sobrang bilis ng lahat. Halos manlamig ang kamay ko dahil hawak niya iyon na mahina niya pang hinihimas. Nang makarating kami sa kusina at katamtamang dami lang ang almusal, may kape na rin na mukhang bagong timpla.

"Kumain ka ng marami para naman may lakas ka pag-uwi, at least hindi ka makakaramdam ng gutom kapag nagalit si Jona, your step mom," natatawang sabi niya na tinawanan ko rin.

Hindi ko alam na marunong pala siya mag-joke, ang sungit kasi ng vibes niya kaya minsan nagdadalawang-isip ako kung paniniwalaan ko ba siya.

"Marunong ka pala magluto?" tanong ko dahil ang iba roon ay hindi naman prito.

"Yap. Since wala na akong maasahan dahil umalis ako, kailangan kong matuto," ngiting sagot niya. "Here, tikman mo." Naglagay ito sa plato ko, halos lahat ng putahe ay nasa malaking plato ko na.

"Mauubos ko ba 'to?"

"Oo naman, para mamaya hindi ka na kumain. Kung hindi naman, ipadala na lang natin ito sa ibang kasamahan mo."

Tumango lang ako. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti dahil nakakatuwa lang at inisip niya pa ang mga kasamahan ko. Naging tahimik lang ang pag-kain namin, ninamnamn ko talaga ang bawat putahe dahil minsan lang naman mangyari ito, busy kasi siya madalas at ayoko naman na pumunta rito sa condo niya. Agad akong nahinto dahil nakita ko siyang nakatitig sa akin habang dahan-dahang ngumunguya.

"B-Bakit?" tanong ko.

Umiling siya. "Ang ganda mo lang," sagot nito dahilan para literal na manlaki ang mata ko.

"A-Ah, salamat," mahinang sabi ko saka nag-iwas ng tingin.

Nakita ko pa sa gilid ng paningin ko ang pag-iling niya at ang pag-inom nito ng tubig. Saka siya tumikhim. "May balak ka bang umalis sa trabahong 'yon?" tanong niya kaya ako natigilan.

Napatingin ako sa kaniya at saka tumango. "Oo, pero hindi muna ngayon," diretsong sagot ko.

Tumango siya. "I see, what if i-refer kita sa kakilala ko sa mall as saleslady?" tanong niya ulit habang hawak niya sa magkabilaan ang mga kubyertos.

Parehas kaming nagtitigan at ako na ang kusang nag-iwas ng tingin. "Hindi ko pa rin alam, e. Kailangan kong patapusin si Adrian at ipagamot si mama," sagot ko ulit saka uminom na ng tubig dahil tapos na ako.

Ngumiti lang siya saka inipon ang kaniyang pagkain. "Kung magbago ang isip mo sabihin mo lang sa akin, I'm willing to help you."

Gustong-gusto ko tanggapin kung alam niya lang. Pero kung laki ng sweldo ang pinag-usapan, pipiliin ko pa rin ang pag-ta-trabaho sa club.

An Innocent Courtesan | CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin