Kabanata 11

18 0 0
                                    

Halos magbalat na ang sarili kong mga daliri dahil sa kanina ko pang pagkukurot dito. Kanina pa ako titig na titig kay Ate Calli na lakad nang lakad at ang ibang mga katrabaho kong isa-isang nag-aalis ng make-up sa mukha nila. Ala-singko na sila naka-uwi at mabuti na lang ay nakatulog na ako at nakapag-alarm na rin.

"Nasisiraan ka na ba Ada? Ayokong isugal kita roon dahil hindi kita masubaybayan kapag naroon ka na. Ayokong sisihin mo ako o ng mama mo kapag may nangyaring masama sa iyo," seryosong saad ni Ate sa akin na ikinasandal ko na lang.

Desisyon ko naman iyon, e. Sure na talaga ako, wala na rin naman akong malalapitan at walang-wala na talaga.

Bahagya akong tumango at ngumiti. "Gusto ko po talaga ate, kailangan ko na kasi, e," seryosong sabi ko saka siya tuluyang naupo.

Kitang-kita ko ang pagbuntonghininga ni ate, para bang ayaw niya akong ipasok dahil nga kasi bago pa ako at baka may mapahamak pa. Pero uunahin ko pa ba iyon? Kailangan ko na ng pera.

"Hubarin mo ang damit mo," mabilis na utos nito na ikinatanga ko.

Halos hindi ako makagalaw sa upuan dahil sa sinabi ni ate. Parehas kaming dalawa na nagtititigan habang ang iba ay naririnig ko na ang tawa.

"Nakakabigla ka naman tita, ni hindi mo man lang binagalan. You know naman na she's new with this kind of field," natatawang sabi ni Maylene kaya ako napalunok.

Umirap si Annie. "Napaka-arte talaga."

Natagpuan ko na lang ang sarili kong mga kamay na nakaharang sa aking dibdib na dahan-dahan kong ibinaba at ngumiti nang kaunti. Bakit kasi kailangan?

"Bakit naman ako maghuhubad ate?" naiilang kong sabi na ikinailing niya.

"Titingnan ko ang katawan mo siyempre. Lahat tayo rito ay babae, Ada, hindi mo kailangang mahiya para naman alam namin kung may mai-gaganda pa ba 'yang katawan mo" mahabang salaysay nito na ikinakagat ko ng labi.

Akala ko kasi ay kung ano na ang gagawin ko. Hindi rin naman na ako nahihiya kahit papaano sa kanila dahil minsan ay halos nakapanty lang sila kapag nandito sa bahay, magaganda naman kasi ang katawan nila. Paano naman ako?

Dahan-dahan kong hinubad ang aking damit pang-itaas at nagaalinlangan pang ibaba ang damit na iyon. Tumagilid ang ulo nilang lahat na sinisipat ang aking pang-itaas. Sinunod ko ang aking short at panty na lang ang natira sa akin. Hindi ako masyadong makagalaw dahil hindi ko alam kung ano ba ang tinitingnan nila.

"Okay naman, Ada ang katawan mo ah. Hindi mataba at hindi mapayat, sobrang sakto lang," sabi ni Annie na nginitian ko.

Tumango na si ate kaya sinuot ko muli ang aking mga damit. Naupo ako muli at saka tumingin sa kanila.

"Makinis naman ang balat mo, pero kailangan mo ng mga lotion para maingatan mo 'yan, o kaya ng ibang mga beauty products," sabi pa nila.

Napatingin ako sa aking sarili at sa aking balat, hindi ito sing-lambot ng mga balat nila, wala naman akong kakayahan na bumili ng mga gano'ng bagay, basta hindi lang ako magkasugat.

"Marami ka pang dapat na matutuhan at malaman Ada. Dapat nasa kondisyon lagi ang ang katawan mo at handa ka lagi," maagap na sabi ni Annie sa akin.

Natapos ang diskusyon nila tungkol sa akin, nakatulog na rin ang iba habang ako ay naglinis na lang ng bahay, pati ang mga dapat na ayusin ay inaayos na rin. Halos gabi na rin nang matapos ako sa paglalaba. Hindi na rin ako masyadong kumilos pa dahil medyo sumasakit na naman ang likuran ko.

Napatingin ako kay Jona na may hawak na dalawang damit na parang isinusukat sa akin, ngumiti ito nang idikit niya sa aking katawan ang kulay brown na dress na parang masikip sa akin, hanggang hita ko lang ito at wala man lang manggas.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now