Kabanata 17

22 0 0
                                    

Nagsuot lang ako ng simpleng palda na siniguro kong hanggang tuhod ko. Isang sando na may kakapalan naman na naka tuck-in. Tinernuhan ko ito ng light brown flat shoes, at hinayaang nakalaylay ang buhok. Nang maayos na ay saka lang ako nagpasiyang lumabas ng kwarto at isa-isang pinatay ang ilaw. Holiday ngayon kaya walang pasok ang lahat, umuwi sila sa kanilang mga pamilya samantalang ako ay nanatili rito, gustuhin ko mang umuwi sa amin ay hindi rin ako tatagal dahil babalik din naman sa trabaho.

Nagpasya na lang akong maglakad. Pinili kong alas-kwatro mamasyal para naman hindi masyadong mainit at paniguradong kahit gabihin ako sa daan ay marami namang tao. Nang makababa na ako mula sa jeep ay narating ko agad ang Mall na madalas naming puntahan ni Jona noon. Kabisado ko na rin ang pasikot-sikot dito kaya walang problema kung umikot ako.

Balak ko rin kasi bumili ng mga gamit na puwede kong ipadala kina mama sa probinsya, o kaya kakain na lang siguro ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakain ng Jollibee. Gano'n ba ako ka-abala para magpayaman? E, naipapadala ko naman lahat kina mama, balita ko rin, e, malapit nang matapos ang bahay roon na pinapagawa nila.

Mukhang mas maayos na ang lahat kumpara noon, kahit papaano ay medyo nakaraos din kami.

"Hala! Ang ganda! Ay! Teka lang." Kinuha ko agad ang selpon na ibinili ko noon.

Bahagya akong lumapit sa nakita kong fountain na may iba't ibang kulay na inilalabas. Wala naman ito 'yan noon, siguro kasi, e, malapit na ang Christmas kaya gano'n. Paulit-ulit ko iyon kinuhanan ng litrato saka ko napansin ang lang guwardiya na nag-iikot.

"A-Ah, kuya? Puwede ninyo po ba ako kuhanan ng litrato? Kahit sandali lang po," ngiting sabi ko na agad niyang kinuha ang selpon.

Dali-dali akong pumunta sa gilid at saka ngumiti ng at nag finger heart na rin. Malawak ang ngiting lumapit muli ako kay kuya na bahagyang nailing sa akin.

"Mag-isa ka lang ba rito? Mag-iingat ka na lang at ilagay ang selpon sa bag, hawakan din nang mahigpit ang bag para maiwasang manakawan," pag papaalala sa akin ni kuya saka ako napangiti.

"Salamat po," bulong ko at nakangusong tinititigan ang gwardiyang naglakad na rin palayo.

Nasa Maynila ako, alam ko naman na hindi maiiwasan ang gano'ng pagnanakaw lalo na kung hindi alerto sa paligid. Naglakad-lakad na lang ako sa kahabaan ng hallway, damang-dama ko na ang pasko dahil sa mga naggagandahang palamuti sa paligid, idagdag pa ang mga taong nasasagi ko na dahil sa kakamadali nila at ang iba naman ay abala sa pagkukwentuhan. Medyo nalukot ang mukha ko dahil doon. Grabe naman, wala talaga akong kasama ngayon.

Naupo na lang ako sa bakanteng upuan sa mismong lobby area, inilabas ko agad ang selpon para maka-usap sila. Gano'n na lang ang pagngiti ko nang biglang sinagot iyon ay tumambad sa akin ang dalawang kapatid kong maliliit.

[Ate!] Kumaway ito sa akin kaya napakaway na rin ako.

Kita ko ang pagtakbo nilang dalawa papasok siguro sa kwarto at napansin ko si mama na nagtutupi ng mga damit. Nang maayos ang kamera ay doon lang ako nakapagkaway sa kanila.

"Mama!" naiiyak kong saad saka kumaway sa kanila.

Kumpleto sila mismo na tinatawanan pa ako!

[Kadiri, umiiyak ang panganay,] komento ni Adrian habang hawak ang sandok.

Nagluluto na ata 'to.

[Napatawag ka ata ngayon? Walang trabaho?]  tanong ni mama na tinanguan ko agad.

"Opo Ma, e."

[Eh, diba dapat mas kailangan kayong nga saleslady kasi maraming mga namamasyal diyan?]

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon