Kabanata 41

13 0 0
                                    

Halos naging maayos ang natirang araw namin ni Gab sa mismong resort na iyon, gaya nga ng sinabi niya ay hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil hindi ko pa naman kaya at baka maapektuhan lang ang gagawin ko. Nanatili na lang ako sa loob ng condo ni Gab dahil siya naman ang namilit sa akin, gusto ko lang din makalimot sa mga nangyari no'ng umuwi ako.

Pagbalik namin dito sa condo at agad kong nilabhan ang mga pinanggamitan namin dahil kaunti lang din ang damit ko rito kaya tuwing dalawang araw ay nilabhan ko na.

"Let's eat na?" bungad ni Gab sa akin sa banyo at agad akong nailing.

"Hindi pa ako tapos, e. Nagugutom ka na ba? Una ka na," sabi ko pero imbes na umalis at pumasok siya sa loob.

"Dryer na lang ba? Ako na." Kinuha agad nito ang ilan sa mga damit na nasa timba at napatingin pa sa akin nang kunin niya iyon.

Halos mamula ito at saka titig na titig na nilakihan ako ng mata. "This is my brief," bulong niya saka ako napatango.

"O-Oo, bakit?" tanong ko habang pinagpatuloy pag-aalis ng damit sa dryer.

"Y-You don't have to do that Ada," bulong niya kaya ako napatingin.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa pamumula ng mukha nito at ang halos hindi makatingin sa akin.

"Bakit? Marunong naman akong maglaba, may dumi pa ba?"

"Not that. I-I mean... nevermind. Thanks," sabi niya saka hinalikan ang pisngi ko.

"Hindi mo naman kailangang mahiya, naglalaba din ako ng brief ng kapatid ko noon kaya okay lang. At saka nakakahiya rin naman kasi wala akong maibigay na panggastos sa 'yo rito," ngiting sabi ko at saka inayos na ang dryer para matulungan na siya sa pagsasampay.

"Don't worry it's fine. Ako naman ang nag-insists na manatili ka rito, well it's better if you are here for the longest time, but I respect your decision though," ngiting sabi nito at hindi na lang ako sumagot.

Kaya sana kahit makapagtrabaho lang ako kahit half time para naman may mabili ako na kahit na ano, kahit pagkain, hindi rin naman kasi puwedeng nakatunganga lang ako buong araw.

Natapos ang pagsasampay namin at ang pag-kain naman nang tahimik, halos pinag-usapan lang din namin ang mga nangyari sa resort na iyon na halos hindi ako makapagsalita dahil alam kong nang-aasar siya. Habang hinihintay siyang matapos maglinis ng katawan ay nanatili na lang ako sa Salas, mas maganda kung kakausapin ko sila Annie o Jona na hindi muna ako makakauwi.

"Hello? Maylene?"

[Yes baby Ada? Ano 'yon? Musta ang pagbisita?] tanong agad nito kaya pinili ko na lang na ngumiti.

"A-Ahm, okay naman. Sasabihin ko lang sana na nandito ako sa condo ni Gab, dito muna ako pansamantala," bulong ko at narinig ang pananahimik niya.

Pero ang tahimik na iyon ay kabaligtaran pala dahil narinig ko na naman ang boses na sobrang kinakainisan ng lahat.

[Why naman?! Magsasama na ba kayo ni Baby Gab? Babayaran ka naman daw niya? Okay lang na bugbugin ka basta sa kama at hindi panghampasin ng kung ano!] komento agad ni Annie kaya pinilit kong idiin ang selpon sa unan na iyon.

Tarantang napatingin agad ako sa taas dahil baka mamaya bigla siyang bumaba o marinig ang usapan namin.

"Hindi naman sa gano'n, siya kasi ang nagsabi na rito muna ako, choice ko naman kung papayag ako pero okay naman. Okay lang ako rito."

[Lah? Paano kami? May nagawa ba kaming mali? I tried my best naman para mabilhan ka ng magandang panty—]

"Annie? Hindi naman 'yon, nagpapaliwanag na lang siguro ako kapag nagkita tayo, sorry talaga, personal kasi e, pero sasabihin ko talaga in person, basta nandito lang ako kay Gab. Bye na!" pagpapaalam ko at saka binabaan sila.

Napapikit na lang ako habang yakap ang selpon na iyon at lihim na tumingin sa itaas. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin kay Annie dahil ilang beses na kaming napahamak dahil walang kontrol ang bibig niya, buti pa si Maylene ay kontrol ang kaniya gano'n din kay Jona.

"Ada?" umalingawngaw sa buong sala ang boses ni Gab kaya agad akong napatayo at ngumiti.

Nakangiting tinanguan ako nito kaya pumunta na ako sa itaas, inakbayan agad ako nito kaya ramdam ko ang pagiging maliit ko. Nang makapasok kami sa kwarto ay agad akong nahiga dahil medyo masakit na rin ang aking likuran.

"Ada? I have something to tell you," seryosong sabi nito saka tumabi sa akin.

Wala naman akong kaba na nararamdaman pero alam kong seryoso ang pag-uusapan namin, baka tungkol na naman ito sa parents niya o kina Sunny.

"A-Ano 'yon?" puwersahan akong ngumiti nang makatabi ito sa akin.

Kagaya nang nakagawian niya ay nakatagilid ito sa akin at saka sinuklayan ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri.

Mabigat itong napahinga at saka ngumiti. "I need to work at Singapore," ngiting sabi nito kaya ako napangiti. "Ayaw naman kitang iwanan dito," dugtong niya.

"Okay lang. At saka ayaw ko naman na lagi na lang ako kasama sa kung saan ka pumunta, trabaho mo 'yon, unahin mo ang career mo kaysa sa akin," ngiting sabi ko ngunit hindi siya sumagot.

Ako naman ang humimas sa buhok nito kaya dahan-dahan siyang sumubsob sa aking leeg at tinatapik ang aking kabilang balikat. "Puwede naman kitang isama—"

Mabilis akong umiling at saka humalik sa kaniyang noo. "Okay lang ako rito. Habang wala ka, edi rito muna ako, baka bukas kausapin ko si Ate Calli na hindi na ako papasok or ewan, baka waiter na lang o kaya kahit sa counter lang ako," ngiting sabi ko at kitang-kita ko ang pagngiti niya ng pilit at saka ikinagat ang labi.

"Okay. I trust you, Ada. Maiiwan kang mag-isa rito, if you're not comfortable puwede ka naman pumunta muna kina Jona, your friends are there, then I will contact you if Ill go home."

"Kailan ba ang alis mo?"

"Not sure pa, but I'll tell you right away." Tumango lang ako at saka nanatili sa kaniyang dibdib.

Medyo napangiti ako dahil kahit papaano ay naisip niyang isama ako, ayoko namang makaabala sa kaniya at lagi na lang na nakabuntot sa mga ginagawa niya. Mahalaga pa rin naman kasi ang career, hangga't malakas siya dapat pagtuonan niya iyon ng pansin.

Sobra-sobra na 'yong mga naitulong at nagawa niya sa akin, kaya hahayaan ko siya kung gusto man niyang mag focus sa career at ayokong masira iyon dahil sa akin.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now