Kabanata 15

17 0 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan na naging maayos ang lahat. Sabihin na natin na naging maganda ang takbo ng trabaho ko kahit na nadumihan na ako... kahit na hindi na ako 'yong babaeng mahinhin na iniingatan nila Jona. Ano pa bang iingatan ko kung naibigay ko na sa isang lalaking hindi ko kilala? Na inalukan ako ng pera at saktong kailangan ko dahil sinugod sa hospital si mama... bakit kailangan ko pang tumanggi kung okay lang naman. Kung okay nga lang ba?

Pakiramdam ko ay nag-iba ako sa maikling panahon, maraming buwan na ang lumipas pero pakiramdam ko ay bago pa rin ako rito sa trabaho. Sa tuwing may lalapit o 'di kaya'y hinahawakan ang aking katawan ay agad akong natatakot, na paano kung malaman ito nila mama? Paano kung may mangyaring masama sa akin?

Nang matapos ako sa paglagay ng red lipstick ay muli kong itinaas nang kaunti ang suot ko. Mukhang ako pa rin naman 'yong Ada na iniingatan nila pero kailangan kong magtrabaho, lalo na't nagiging abala na si Adrian sa eskwelahan kaya hangga't maaari ay ayoko na siyang magtrabaho, lahat nang nakukuha kong pera ay diretso sa kanila.

Napatingin sa akin si Jona na abala sa pagkukulot ng kaniyang buhok, ngumuso lang ito pero ngumiti sa akin.

"Sasabay ka ba sa amin, umuwi mamaya?" tanong niya sa akin at saka inayos ang suot kong manipis na pang-itaas at itinaas nang kaunti ang tela sa aking dibdib dahil nakikita na ang pisngi ng mga 'yon.

"Di ko sure, e. Kapag wala pa ako mamayang alas-kwatro, mauna na siguro kayo," sabi ko na kaniyang tinanguan.

"Basta enjoy ka lang girl, huwag kalimutang uminom ng pills naku lang, at isa pa, kailangan mong galingan para mas malaki ang tip." Kumindat sa akin si Annie at saka siya hinampas ni Annie.

"Kung ayaw mo, puwedeng mag-no. Huwag maglalasing, baka magising sa damuhan," huling sinabi ni Maylene saka ako nagpaalam sa kanila.

Hindi na rin kasi ako masiyadong nakakasabay sa kanila umuwi dahil nga sa trabaho ko... na choice ko rin naman. At isa pa, ayoko talagang umiinom lalo na kung alam kong may magyayaya sa akin dahil baka nga mangyari ang sinasabi ni Maylene. Agad akong nahinto nang makita ko ang isang may edad na rin na nakatayo sa gilid ng poste sa bandang dulo, kung saan una ko siyang nakita.

Agad akong pumunta sa maraming tao para hindi niya ako masundan, hangga't maaari ay ayoko nang maulit iyon, kahit ginagawa ko sa iba. Kung nalaman ko lang na may pamilyado na pala siya ay umiwas na ako, pero nasilaw ako sa pera dahil sa pangangailangan.

Sa kasamaang palad ay may humigit ng aking braso at saka ako kinaladkad, naramdaman ko na lang ang pagsandal ko sa dingding at ang isang pamilyar na amoy ng isang lalaki. Ang mga kamay nito ay nasa aking hita agad at hindi man lang napagod na hipuin iyon.

"Rex, itigil mo na 'to," mahina kong saad habang pinipilit na itulak siya palayo sa akin.

"Sshhh, ayaw mo ba, Ada? Magsasaya ulit tayo—"

"Hindi mo sinabing may pamilya ka!" lakas loob kong sabi dito at saka siya napahinto sa kaniyang ginagawa.

Alam ko ang pakiramdam na hindi buo ang pamilya. Nawala ako ng ama na piniling sumama sa iba. At ayokong mangyari iyon sa pamilya niya lalong-lalo na sa kaniyang mga anak.

"Hindi na mahalaga kung may pamilya ako o wala, Ada." Panghihigit nito sa kamay ko saka ako pinasok sa isang kwartong nasa gilid namin.

"Gusto kitang maramdaman... alam kong gusto mo rin," ngising sabi nito sa akin habang inaalis ang kaniyang sinturon.

"Rex, hindi mo ako naiintindihan! N-Nakita ko ang asawa mo—" hindi ko na muli pang nasabi ang sasabihin ko nang halikan na niya ang aking leeg.

Naitikom ko agad ang aking bibig dahil doon at pinigilang gumawa ng ingay o ano, gusto kong magsalita ngunit pinapakiramdaman ko ang mga ginagawa niyang pag-aalis sa suot ko, ang pagsakop ng kaniyang bibig sa aking dibdib at ang daliri nitong naging dahilan kung bakit uminit ang aking ibaba.

An Innocent Courtesan | CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu