Kabanata 18

20 0 0
                                    

"Please, excuse me," bulong ko sa lalaking kanina pa hinihipu ang aking hita.

Bumitaw naman agad siya kasabay nang paglapag niya ng kaniyang baraha. Muli kong pinagpagan ang aking suot dahil pakiramdam ko ay sa katawan ko natatapon ang mga abo sa kaniyang sigarilyo na kanina ko pa nalalanghap, pero okay na rin iyon dahil binigyan niya ako tip. Sa tip ako umaasa at sa sweldo ko bilang waitress dahil hindi muna ako tumatanggap ng extra services, tumatanggap lang naman ako ng mga gano'n kung kailangan talaga.

Pero agad akong nahinto at lumayo sa entrance nang makita ko ang matandang babae na halos kuminang ang mga suot niyang alahas, galit na galit base sa taas ng kaniyang boses at para bang may hinahanap na kung sino. Alam kong ako iyon. Dahil minsan na niya kaming nahuli ni Rex, noong mga panahong gipit na gipit ako.

"Ilabas ninyo ang babaeng iyon! Alam kong dito siya nagtatrabaho!" bulyaw nito ngunit mas lalo siyang pinagtabuyan ng mga bouncer doon.

Agad akong tumalikod at saka pumunta sa gawi ni Tonet na may isinusulat na kung ano. Agad akong sumenyas na ako na ang magdadala ng mga beer at tinandaan agad ang numero ng mesa kung saan ko iyon ilalagay. Mabuti na lang at may kalayuan iyon sa entrance kaya hindi ko na rin napansin ang babae.

"Here's your order gentleman," mahinang saad ko saka napalingon ang iba sa akin.

Ngunit inabala ko na lang ang aking sarili sa paglalagay ng mga bote sa mesa dahil baka matapon ko pa kung tumingin ako sa paligid. Nang matapos ay umalis na agad ako sa puwesto nila, mas kaunti lang ang mga tao ngayon dahil bukod sa Thursday ngayon ay abala ang lahat sa trabaho, kadalasan kasi ay matao rito tuwing Friday at tuwing weekends.

Nang mapadaan ako malapit sa entrance ay napansin kong wala na roon ang babaeng gumawa ng gulo. Malaki ang naging kasalanan ko pero hindi ko naman alam na may asawa siya at mga anak, dahil paulit-ulit niyang sinasabi na binata pa ito. Nagpasiya na lang akobg tulungan ang iba na ihatid ang mga bote ng beer sa bawat mesa, hindi ko lang maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Ganito ang nararamdaman ko noon mula nang pumasok ako rito, pero dahil unti-unti akong nasanay ay hindi ko na lang ito pinansin.

"Table 17," bulong ni Tonet saka ako iniwan sa bar area.

Agad kong binitbit ang isang lalagyan na may tatlong bote at saka gumawi roon. Napasulyap agad ako sa lalaking nakatalikod mula sa akin at titig na titig sa mga sumasayaw, hindi ko naman masyadong makita ang mukha niya dahil bumababa na ang maskarang suot ko, kaya minarapat kong ibaba sa mesa niya ang mga bote.

"Enjoy these, sir. Thank you," bulong ko ngunit tumango lang siya.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Bakit po sir?"

"Would you mind the additional services?" marahang tanong nito na hindi pa rin ako tinitingnan.

Maagap nitong binuksan ang bote at para bang hinihintay ang isasagot ko.

Papayag ba ako? Pero nangako ako na ayoko muna ngayon, na gagawin ko lang iyon ulit kung kailangan. Ngunit bago pa ako sumagot ay umiling na siya.

"Nevermind. Here's your tip." Inurong niya ang isang libo papunta sa akin at dahan-dahang kong kinuha.

"Thank you, sir."

Agad akong umalis. Napanguso pa ako dahil hindi ko man lang siya nakita, pero pamilyar ang boses niya sa akin, ni hindi na ako lumingon sa gawi ng lalaking iyon dahil naging abala na naman ako. Mas maraming nag-alok sa akin at mabuti na lang ay si Annie ang sumasalo, pati na rin ang iba na bakante na ang oras pero gusto pa ring kumita.

Naibagsak ko ang aking katawan sa sofa, halos kaunti pa lang ang mga nakakabalik, o baka nauna nang umuwi ang iba, pero wala pa rin sila Jona rito kaya hindi pa ako puwedeng umuwi. Dahil na rin sa antok ay nagtimpla na lang ako ng kape, nanahimik ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang buong kwarto. May kalakihan naman ito at may tatlong kama kung saan puwedeng magpahinga. Halos pito lang kami at ang apat ay natutulog, ang dalawa naman ay nasa tabi lang at nakasimangot pa.

Napapitlag pa ako dahil sa biglaan pagtingin ng isa sa akin.

"Grabe, kape ka nang kape, buti nakakatulog ka agad?" tanong nito sa akin na nginitian ko.

"Mamaya pa naman ako matutulog, hintayin ko lang sila Jona."

"Sumasayaw pa 'yon, e. Baka maya-maya nandito na sila." Ngumiti ito saka sumandal sa dingding na nasa kaniyang likuran. Ang mahaba nitong hita ay padabog niyang pinatong sa kama. "Ayoko talagang lumipat doon, ang boring, e. At saka hindi pa ako ready mag bagong buhay," sabi nito na tinawanan ng kaniyang katabi.

Nakinig na lang ako habang inuubos ang kape.

"Kung sabagay, boring naman talaga roon, pero kasi 'di ba, ikaw ang kinukuha ng boss dahil may experience ka na rin sa pagiging waitress sa resto," mahinang sabi no'ng isa na abala sa paglilinis ng kuko.

"Pero ayoko nga. Sino naman kasi ang puwedeng ipalit ko roon? Bawas oras kung hahanap ako ng taga-labas, ano! Nakakairita naman kasi, ganda-ganda ko tapos magpapanggap akong mahinhin doon," sabi nito saka pumikit.

Base sa narinig ko ay ililipat siguro siya bilang waitress sa isang restaurant, mas disente naman iyon kumpara sa ginagawa namin pero malaki ang kita rito, kaya hindi ko siya masisisi.

Muli akong humigop ng kape at tinitigan ang aking selpon, kitang-kita ko ang ngiti ng pamilya ko, kahit papaano ay naging maayos na sila, tuloy-tuloy ang gamutan ni mama at baka makalakad na rin siya. Pinapaayos naman nila ang bahay at sinigurado nilang may ipon sila.

Nag-iipon na rin ako para sa aking sarili.

"Puwede bang ako na lang ang pumalit sa 'yo roon?" usal ko dahilan para mapadilat ang kaharap ko.

Gusto ko lang magpalamig muna, marami na ang naghahanap sa akin lalo na ang mga asawang babae ng mga lalaking sineserbisyuhan ko. Gusto ko lang muna makalimutan iyon kahit papaano. Baka sakaling tantanan nila ako, babalik din naman ako, kapag okay na ang lahat. Ulit.

"Seryoso ka? Paano work mo rito? E, diba nga need mo ng money—"

"Ayos lang, gusto ko rin ng bagong environment, puwede pa naman akong bumalik dito diba?" tanong ko na dahan-dahan niyang ikinatango.

"Oo naman. Kaso ang sweldo doon hindi kalakihan katulad dito, ayos lang ba sa 'yo?"

Tumango ako. Sobrang ayos lang din sa akin. Gusto ko lang munang magpahinga dahil aminado akong nakakapagod ang ginagawa ko rito.

"Kailan ba magsisimula roon?"

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now