Kabanata 19

25 0 0
                                    

Hindi ko alam na naging gano'ng kabilis ang paglipat ko. Biglaan man at naging mahirap no'ng magsimula ako ay hindi ko rin maitatanggi na masaya rito, ako ang pinaka bata kaya gano'n na lang ang pag-alalay sa akin ng iba, nakinig lang talaga ako sa mga iniuutos nila at sa tuwing pinapagalitan ako ay hindi mo iyon dinadamdam, literal na nagpapasalamat pa ako dahil mas lalo akong nag-improve.

Wala namang problema rito, isang food court ang pinapasukan ko at mas malaki ang sakop, marami kaming mga server kaya hindi rin ako nahirapan, all around nga lang ako at sampung libo kada kinsenas ang sweldo ko, okay na rin iyon, at least panatag ako.

Hindi gaya no'ng nasa club ako na madalas paranoid dahil baka biglang may sumabunot sa akin o patayin ako dahil sa mga asawa nilang lalaki na kusang lumalapit sa akin. At least dito, medyo maayos, may pagkakataon lang na pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan dahil sa fitted ang suot ko at may kalakihan ang aking dibdib, lubog ang aking tiyan dahil bihira lang akong kumain.

Kagaya ng mga paulit-ulit na sinasabi sa akin nila Jona, huwag nang pansinin, mas lalo lang daw akong magiging iritado kapag binigyang pansin ang mga gano'n.

"Miss? Matagal ka na ba rito?" tanong sa akin ng isang lalaking dinalhan ko ng kaniyang order.

"Bakit po?" marahang tanong ko at pinilit na gawing normal ang boses.

Pamilyar din siya sa akin, pero alam kung hindi niya ako matatandaan kung sakaling nagkita na kami sa club house na iyon, may maskara ako, pero sa kilos at pananalita ko ay puwede nila akong makilala.

"Wala lang, parang nakita na kita. Anyway, 'yong isang order pala take out ko na lang. Thank you," ngiting sabi nito saka hinawakan ang selpon.

"Okay po, thank you." Umalis agad ako roon at saka lumapit sa isang chef na matamang nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako saka inasikaso ang tinutukoy ng lalaki. Ang chef ay tumabi sa akin at saka matunog na ngumisi.

"Puwede kang magsumbong kung binabastos ka ng mga costumer, walang masama roon, Ada," marahang sabi nito saka nagsimulang igisa ang mga kailangan.

"May tinanong lang po siya sa akin, chef, wala lang po 'yon," ngiting sabi ko rito na ikinailing niya.

Nahuli niya kasi ako noon kasama ang ibang costumer na lalaki na nasundan ako sa pagtapon ng basura. Sinabihan ako ng kung ano-ano na totoo naman, na bayaran ako. Hindi ako nagsumbong dahil ayokong madamay ang food court, baka mabawasan ng costumer.

"Hindi dapat gano'n ang trato sa babae. Puro babae ang mga anak ko, at halos kasing-edad mo lang din sila. Makita at marinig ko lang ang mga sinasabi nila sa 'yo, naiisip ko agad ang mga anak ko, na paano kung gano'n ang gawin sa kanila? Take care of yourself, Ada. Puwedeng huwag mo na lang silang pansinin pero delikado rin iyon, baka isipin nila na okay lang sa 'yo ang ginagawa nila," mahabang litanya ni chef saka ginulo ang aking buhok at tinalikuran na ako.

Buti pa siya, may pakialam sa mga anak niya, samantalang ako, ni kahit tawag wala man lang paramdam ang papa ko. Inanakan niya lang si mama tapos umalis na, tinakasan lang ang responsibilidad.

Nang pumatak ang ala-singko ay nagpaalam na ako sa kanila, hindi naman ako umuwi sa bahay dahil diretso ako sa inuupahan ko. Nagdisisyon na kasi akong mangupahan at kaya ko naman bayaran, matandang babae na nga lang ang landlady na iyon kaya may kasungitan, hanggang alas-dyes lang din ang curfew naming mga nangungupahan. 

Sa mismong Cr pa lang ay nagpalit na ako ng damit, disenteng damit ngunit nilagyan ko ng make-up ang aking mukha. Dahil tinuruan ako nila Maylene kung paano mag make-up ay mas kinapalan ko ang pamumula ng aking ilong. Sinariwa ko muli ang mga malulungkot na karanasan ko at paghihirap noong nasa probinsya ako. Ginawa ko lang ito hanggang sa makababa ako ng tricycle.

Mahigpit ang hawak ko sa aking bag at kahit may kadiliman na ay kita ko ang lalaking t-in-ext ko na magkita kami ngayon sa dating lugar. Nakatayo ito sa poste at hindi alintana ang dami ng taong dumaraan. May kalapitan ito sa club house na pinagtatrabahuan ko noon. Nakasuot ang lalaking iyon ng hoddie at panay ang lingon sa paligid.

Nang maramdaman ko na ang pamamasa ng aking mga mata ay saka lang ako nagpakita sa kaniya. Nagtama ang paningin namin at gulong-gulo na tumingin ito sa akin.

"Ano bang sasabihin mo Mira?" bungad nito sa aking halos pabulong pa.

Mira, iyon ang pakilala ko sa kaniya noon. Mas mabuti na rin na iyon ang nakasanayan niyang tawag sa akin.

Hindi ako nagpahalata. Tinandaan ko ang mga sinabi sa akin ni Eunice na nakilala ko rin sa club house, ito raw ang paraan para kahit papaano ay may makuha ako sa mga lalaking binabayaran ako, buwan-buwan ay puwede nila akong bayaran at puwede silang takasan.

Agad kong inilabas ang pt at saka iyon ibinigay sa kaniya. Kinuha niya iyon at tinitigang mabuti dahil na rin sa dilim ng paligid. Nang makumpirma kung ano iyon ay agad siyang napatitig sa akin.

"Imposible 'to, Mira!" mariing anas nito saka ako hinila papunta sa iskinitang malapit sa amin.

Ramdam ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa akin lalo na nang bitawan niya nang pabalag ang aking kamay.

"Hindi ako ang ama nito, baka nagkakamali ka lang?"

"Ikaw ang ama—"

"Paanong nangyari 'yon? Sa dami ng mga lalaking kinakama ka, ako pa talaga ang ama?" walang prenong sabi nito.

Tuluyang namasa ang mga mata ko at naramdaman na lang ang pagtulo ng luha dahil sa sinabi niya, walang halong arte ito dahil literal na nasaktan ako. Pero bakit? Ginusto ko naman ang lahat ng ito.

Napasabunot na lang siya saka may kinuhang kung ano sa wallet niya. Isang tseke. Agad niyang pinirmahan iyon at saka pwersahang inipit sa aking kamay.

"Pera ang gusto mo 'di ba? Ayan, kunin mo 'yan." Turo niya sa tsekeng nasa kamay ko. "Please, Mira! Huwag ka nang magpakita sa akin, imposibleng sa akin 'yan! Huwag mo na akong tawagan at guluhin, Mira. Kung sakaling manganak ka, dalhin mo sa akin ang bata, we will make a DNA test kung totoong akin 'yan." Walang paalam na umalis ito.

Tinalikuran ako habang paghigpit nang pahigpit ang hawak ko sa tsekeng iyon. Agad kong pinunasan ang aking luha saka napangisi.

Gano'n lang kadali sa kanila iyon? Ang bigyan ng pera ang babaeng na-agrabyado nila. Paano kung buntis talaga ako? Gano'n siguro talaga ang gagawin nila, kaya madalas na ipaalala sa akin na laging mag-ingat. Na huwag magpapadala sa init ng katawan.

Hindi na ako nag-abalang tingnan ang tseke at agad na lumabas sa iskinitang iyon. Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko nang makita ko si Gab na nakasandal sa dingding at bahagyang ngumiti sa akin.

"Hi," bati nito.

Napalunok ako saka ngumiti. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Nakakahiya. Ngayon na lang ulit kami nagkita mula nang takasan ko siya noong gabing iyon.

Umiling ito sa akin. "Nothing, napadaan lang, then nakita kitang kinakausap no'ng lalaki kaya hinintay na lang kita."

"May narinig ka ba?" pasimpleng tanong ko ngunit tinitigan niya lang ako.

Agad akong kinabahan. Nakatitig lang ito sa akin at saka biglang nangunot. "Narinig na alin? At saka medyo malayo kayo sa akin at maingay rito." Turo niya sa mga taong naglalakad.

Naitikom ko ang aking bibig at yumuko. Masyado ba akong halata?

"Tara? Kumain ka na ba? Tinakasan mo ako no'ng nakaraan, e."

"A-Ah, okay sige. Kakain lang ba?" tanong ko na agad ding natigilan.

Parehas kaming nagtitigan at hindi ko alam kung bakit nag-init ang aking pisngi. Natawa ito nang kaunti at saka umiwas ng tingin.

"Yep. May iba ka pa bang gusto?"

"Wala naman," sagot ko saka siya tumango.

"Well, if you want, let's watch the movie after dinner. Hanggang alas-otso lang tayo, tapos ihahatid na rin kita sa inyo. Is that okay with you?"

Ang bait niya. Mukha siyang masungit pero mabait naman pala siya. Maagap akong tumango saka niya hinawakan ang aking kamay at pasimpleng itinago sa bag ang tsekeng nakuha ko sa lalaki kanina.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now