Kabanata 38

12 0 0
                                    

Matapos kong makapaghugas ay nagpasiya na lang akong maglinis ng bahay, kahit na malinis naman ay pinunasan ko na lang ang bawat bagay na makita ko at ang mga unan ay inayos na rin. Nang matapos sa ibaba ay umakyat agad ako sa taas para naman maayos ang ilan doon, hindi ko na binuksan ang ibang kwarto dahil baka may mawala roon. Pumasok na ulit ako sa kwarto at saka inilagay ang mga damit sa maleta, napansin kong mga damit lang ang natuyo dahil wala pa rito ang shorts ko, kaya kinuha ko na lang ang sinasabi ni Gab na boxer at ako na sa damit.

Naghilamos na lang ulit ako at saka nagsuot ng damit. Matapos no'n ay medyo guminhawa ang aking pakiramdam. Gusto ko sanang lumabas para naman maarawan ako kaso nga lang baka hindi naman ako papasukin na, kaya napirmi na lang ako rito at saka muling bumaba para masilip ang laman ng ref. Kahit papaano naman ay marunong akong magluto at gumawa ng meryenda.

Inilabas ko ang mga kailangan, palitan ko na lang siguro ang mga ito kapag medyo okay na ako. Gagawa na lang ako ng meryenda na puwede ring makain mamayang gabi. Alam ko naman kung paano gamitin ang mga gamit dito dahil ilang beses ko na siyang nakitang magluto.

Sinimulan ko munang pakuluan ang hatdog na gagamitin ko, habang hinihintay na kumilo ay hiniwa ko ka ang mga cheese at nirolyo ang slice bread. Ngayon ko lang ito gagawin dahil wala akong oras noon sa bahay para magluto dahil si Jona ang madalas magluto sa amin.

Agad akong natigil nang may marinig akong naglalakad sa sala. Napangiti pa ako dahil nandiyan na agad siya kaya pinatay ko na muna ang apoy. Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko nang makita ko kung sino iyon.

Tumaas ang kilay nito na para bang nagtataka kung bakit ako nandito. Halos isang taon na rin mula nang makita ko at makausap siya. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o ano, dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtitig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Oh, look who's here," sabi nito sa akin at dahan-dahang lumapit.

"S-Sunny—"

"Don't call me Sunny, we're not even close. You are the mistress of my husband, right Ada?" ngising sabi nito saka naupo sa katapat kong upuan at tiningnan ang mga pagkaing naroon. 

"You know what? Sana naisip mong may pamilya siya bago ka kumabit. Ang lakas pa ng loob mo na manirahan dito sa condo niya, ganiyan ka ba kagaling magpa-awa Ada?" insultong sabi nito dahilan para mapatingin na ako sa kaniya.

"Wala ka namang alam sa mga nangyari, bakit ba lagi na lang ako ang pinag-iinitan mo?" pagtitimpi ko kaya siya napatawa.

"Wow? Sana alam mong mula nang dumating ka sa kumpanyang iyon ay nasira mo kaming dalawa. May anak siya at dahil sa 'yo, nawawalan na siya ng oras kay Lucy. Bakit Ada? Ano bang sinabi ni Gabriel sa 'yo at naniwala ka sa kaniya? Sa lahat ng lalaking nakakasama mo sa kama bakit si Gabriel ang biniktima mo?"

Napatahimik ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit sobrang init ng dugo niya sa akin at wala naman akong ginagawang masama. Si Gabriel ang lumapit sa akin at hindi ako.

"Magaling ba siya sa kama, Ada? Ipapaalala ko lang sa 'yo na ginawa na rin naman 'yan noon, well in fact, I'm his first. We're married and he has a family, we have a child. Ganiyan ka ba kakati at pati may asawa pinapatulan mo—"

"Hindi anak ni Gabriel si Lucy, Sunny. Kaya ka pinakasalan dahil sa negosyo ng magulang ninyong dalawa at hindi ka niya minahal," mariin kong pagpuputol sa mga sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit nakakayanan kong tumayo sa harapan ng babaeng masiyadong mainit ang tingin sa akin. Hangga't maaari ayokong manakit pero lagi na lang niya ginagawa mo iyon. Lagi na lang ako.

"Excuse me, Adaline, but you should ask yourself regarding this. Sigurado ka bang mahal ka ni Gabriel? Hindi mo man lang ba naisip na baka ginagamit ka lang niya para maging parausan, dahil tutal doon ka naman magaling! Don't be so proud of yourself, Ada. Baka umiyak ka lang bandang huli."

Nanatiling nakakuyom ang mga kamao ko na pilit ko pa ring pinipigilang isampal sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o baka talaga sinisiraan niya lang ako tungkol sa Gab.

"Don't worry, hindi ko naman aagawin sa 'yo si Gabriel. He has still responsibility to us. Well, hihintayin ko na lang na ikaw mismo ang lumayo sa kaniya dahil malalaman mong totoo ang sinasabi ko. Have a nice day little whore," ngiting sabi nito saka agad na umalis at tumalikod sa akin.

Pero natigil ito at saka muling humarap. "Oh, pakisabi na kailangan siya ng anak niya bukas," sabi nito saka tumalikod sa akin at narinig ang pagsara ng pinto.

Halos doon ko lang nakita ang sarili kong muling umiyak dahil sa dagdag na isipin. Bakit ba lagi na lang ako nagpapaapekto sa babaeng iyon? Halata namang sinisiraan niya lang si Gab. Hindi naman gano'n si Gab, maraming babae riyan, pinakilala niya ako sa mga kaibigan at magulang niya. Kaya bakit gagawin sa akin iyon ni Gab?

Muli ako bumalik sa aking ginagawa. Pinilit kong alisin iyon dahil mas lalong sumakit ang ulo ko, mas lalo itong kumirot. Medyo naparami ang gawa ko kaya mukhang hindi na ako makakakain mamayang gabi, gumawa na lang din ako ng sauce at puwede namang iinit ito sa oven kung gabi na siya makauwi.

Nagpasiya na lang muna ako matulog para ipagpahinga ang katawan ko, ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil matapos ang isang oras ay narinig ko na ang boses ni Gab at napansin nagpapalit siya ng damit. Doon lang ako bumangon at nakangiting lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking noo.

"Good evening, napagod ka sa pagluto?" natatawang sabi nito na tinawanan ko lang din. "Muntikan ko nang maubos 'yon, tapos naalala kita, baka hindi ko pa kumain no'n."

"Dapat inubos mo na," nakakunot kong sabi saka niya sinipat ang aking leeg.

"Kain na tayo para makainom ka ng gamot, may dala rin akong pagkain," ngiting sabi niya saka kami tumungo sa ibaba.

Hawak nito ang kamay ko at napansin doon ang singsing, nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Sunny na kasal sila. Pero binawi ko ang tingin dahil baka makahalata si Gab at magtanong na naman.

"S-Sinabi pala ni Sunny na puntahan mo raw si Lucy bukas," sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

Nangunot ito. "Nagsabi? Nagkita kayo?" tanong niya.

"Hindi. Dito mismo, pumunta siya. Sabi niya sabihin ko raw sa 'yo na kailangan ka ni Lucy," ngiting sabi ko ngunit hindi pa rin niya inalis ang tingin sa akin.

Tumango ito. "Okay, I'll talk to her later. May iba pa ba siyang sinabi? Hindi ka niya inaway?"

Mabilis akong umiling saka ngumiti. "Hindi naman, mukha kasi siyang nagmamadali din, masama lang tingin niya sa akin," pagsisinungaling ko saka siya tumango.

"Anyway, we have a reservation at resort tomorrow. Okay lang ba sa 'yo? Since ito 'yong plano natin noon remember?"

Natigil ako dahil sa sinabi niya. 'Yong resort na tinutukoy niya noon sa akin na hindi natuloy. Bahagya akong tumango at saka siya ngumiti.

"Sasama ka ba sa akin? It's fun there, for sure magugustuhan mo 'yon."

"Pero kailangan ka ng anak mo."

"Oh, that. Kakausapin ko na lang si Lucy," ngiting sabi nito saka inasikaso ang mga pagkain.

Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinagpalit niya ang anak niya para sa akin. Kahit naman na hindi niya iyon anak ay mas okay kung sila ang magkasama. Ngunit hindi na lang ako nagsalita pa at saka ngumiti lang.

Siguro mas okay na 'yong ganito. Ayoko magtanong dahil baka masaktan lang ako sa magiging sagot. Sa ngayon, mas okay na ang ganito, hindi mas sigurado, at least maayos.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now