Kabanata 26

18 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko. Nakabalik na ulit ako sa trabaho at permanente na ako roon sa club. Marumi man sa paningin nila ay kumportable ako roon lalo na't maayos ang aking kinikita at unti-unting umaayos ang buhay nila mama ayon na rin sa pamilya ni Ate Calli na kapit bahay lang namin.

Hindi rin mapagkakaila na madalas na nga kaming magkita ni Gabriel at halos araw-araw pa ay naisisingit ko siya, imbes na matulog sa umaga ay nakikipagkita ako sa kaniya. Halos lahat ng kasamahan ko ay kilala na si Gab dahil siya mismo ang sumusundo sa akin, wala namang ibang sinasabi si Jona sa akin maliban sa pagtatanong kung nasabi ko na ba ang tungkol sa pag-ta-trabaho ko sa club. Pero isa lang ang aking sinasabi... na hindi pa talaga ako handa.

Napatigil ako sa pag-aayos ng sarili dahil sa pagtunog na naman ng aking selpon. Pangalan agad ni Gab ang bumungad sa akin kaya hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon.

"Hi!" masiglang bati ko saka ngumiti sa harap ng aking repleksyon.

[Good evening, may pupuntahan ka ngayon?]

"Oo, e, Monday to Saturday naman lagi. Linggo lang ako puwede kapag gabi, e," sabi ko at dinig ang pananahimik niya.

[Okay, I'll remember that. Anyway, sa linggo na lang siguro tayo magkita? Or call me if you want to meet me okay?]

Naikagat ko ang aking labi bago tumango. "Okay sige. Bye!"

[Take care. Bye!]

Ibinaba ko na ang telepono. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at nang makuntento ay sinuot ko ang dati kong uniporme. Black skirt at red tube, inilaylay ko lang ang aking buhok at saka sinuot ang sandals na nakasanayan ko na.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa sasakyan at pumunta sa mismong club, sa kalsada palang na kahilera ng club ay marami na akong nakikita kong katrabaho, may iba na abala sa pagsisigarilyo at halos maghubaran na sa mismong iskinita. Nang makarating sa loob ay iyon na naman ang pamilyar na ingay at amoy. Wala si Tonet kaya ako ang naatasang gawin ang trabaho niya, hindi ako puwedeng tumanggap ng mga extra services dahil baka kulangin sa oras.

Dumiretso agad ako sa bar section, may ilan naman doon na nag-aasikaso pero kailangan ng presensya ko.

"Hi Ada! Five hours tayo rito, kaya ba? Bawal muna ang extra services." Pangingindat sa akin ni Valerie, na nginitian ko naman.

"Sige lang. Palitan na lang tayo, ah? Ako muna rito sa counter?" tanong ko kaya kami nagpalit.

Ako ang nag-aasikaso sa order at siya naman ang naghahatid, madali lang naman ang trabaho rito, may kahirapan lang kapag sabay-sabay na ang order, kapag naman ako ang naghahatid ng order, kasama sa trabaho ko ang paglilinis ng mga bakanteng mesa, kaya patas ang lahat.

"Buti bumalik ka rito?" tanong ng katabi ko habang abala sa pag-aayos ng mga beer.

"Ah, oo, mas okay kasi ang suweldo ko rito kaysa roon. At saka medyo nasanay na rin ako," sagot ko saka hinanap ng mata si Valerie na hindi pa tapos sa paghatid ng alak.

"Ang dami ngang matatanda na hinahanap ka, ano bang secret?" ngising sabi nito na kahit nakamaskara ay kitang-kita ko ang pagkindat niya.

Nahinto ako sa pag-aalis ng mga tansan sa bote at saka nanahimik dahil wala na masiyadong order. Napatingin ako sa ginagawa ng katabi kong paghahalo ng mga flavor.

"Ewan ko rin. Sila ang lumalapit sa akin, e."

"Tinatanggap mo lahat?"

"Hindi. Kapag kailangan ko lang siguro ng pera, saka ko lang tatanggapin," sagot ko at saka siya tumango.

"Alam ba ng pamilya mo?" tanong niya na mabilis kong inilingan. "Iyon lang."

Magtrabaho na muli kami. Wala rin naman akong balak sabihin dahil papatapusin ko lang sa kolehiyo si Aldrie at mag-iipon saka ako uuwi sa probinsya at magtatayo ng negosyo. Ayoko rin namang magtagal dito. Sobrang daming problema.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now