Kabanata 48

18 2 0
                                    

Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako.

"Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto.

Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay.

"A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko.

Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya kay Jona, binalaan na niya ako noon at ngayong nangyari ito ay wala akong narinig sa kaniya, panay pagtatanggol ang ginagawa nila sa akin.

Ang perang ibinigay sa akin ni Gab ay si Jona mismo ang nagbato kay Gab, pinagbataan pa si Jona na ipapakulong siya pero hindi niya iyon pinansin, mas inuna niya ako kaysa sa sarili niya... gaya ng ginawa niya sa akin noong ipahiya ako ni Sunny.

"S-Sumama ka na lang kaya sa akin, sa may La Union, uuwi kasi ako, kontaminado na kasi ang hangin dito sa Maynila," nakangiting sambit ni Annie kaya napalingon kaming lahat sa kaniya.

Ang tingin ni Ate Calli ay halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Annie, dahil sigurado akong nagsisinungaling siya. Wala namang nasabing ganito si Annie.

"Oo tama! Sumama ka na lang sa akin Ada! Tutal, uuwi na ako mamaya, at saka baka pass muna ako sa mga ganiyan tita, alam mo na, bet ko rin magpahinga 'no. Kaya mag-impake ka na agad Ada ah? Tulungan mo Jona," nakangiting sabi pa rin nito habang ako ay naguguluhan.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o papayag na lang basta-basta, dahil minsan na rin nasabi sa akin ni Annie na wala na siyang pamilya, ayaw niya sa bahay nila kaya siya nandito. Kaya paanong may mapupuntahan siya sa La Union?

Natigil ako sa pag-iisip nang lumabas ng kwarto si Ate Calli, ngumiti lang sa akin si Annie saka siya sumunod doon, alam kong mag-uusap sila, alam kong magagalit si Ate Calli sa kaniya.

"Mag-impake na tayo," mahinang anas ni Jona sa akin habang si Maylene ay napatayo.

"Sumama ka na lang muna siguro kay Annie, Ada, mas safe ka roon. Mas maganda kung ipagbubuntis mo nang maayos ang bata na malayo rito," ngiting sabi niya.

At hindi ko na naman napigilang mapaluha, halos tanungin ko ang sarili ko kung buntis ba talaga ako, dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ako nakapaghanda masyado at sobrang aga pa. Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi at saka pinilit na ngumiti.

"B-Bakit sinabi ni Annie iyon?" tanong ko dahil halatang biglaan siya.

Kita ko ang paglapag ng malaking bag ni Jona sa harapan ko at binuksan ang aking aparador. "Matagal na niyang balak na umuwi sa La Union, hindi lang matuloy dahil hindi niya alam kung paano magtrabaho roon, kaya sabi niya mag-iipon muna siya, e, ang mga pera naman pinapadala niya sa pamilya niya rito," paliwanag ni Jona habang pinagmamasdan ko siyang ilagay ang mga damit ko sa bag.

"May bahay doon si Annie, 'yong tatay niya kasi may lahi, nakuwento ko 'yon 'di ba?" nakangiting sabi nito na pilit pinapagaan ang sitwasyon. "Binili 'yong lupa at bahay doon para kay Annie kaya safe ka roon, probinsya naman iyon at maraming mabait doon, marami ring matanda na puwede lang tulungan. At saka dadalaw naman kami ng madalas," dagdag pa ni Maylene.

Gusto kong matuwa dahil sa mga sinabi nila pero pakiramdam ko ay para akong pabigat. Na sila lagi ang nag-a-adjust para sa akin. Wala na rin naman akong maaasahan sa probinsya namin dahil pinalayas na ako. Masyado nang magulo para dagdagan ko pa.

"S-Seryoso ba kayo? Puwede naman na umalis na lang ako rito, tapos hindi umuwi si Annie sa kanila."

"Kung hindi kami seryoso, hindi sana namin pinigilan si tita na ipalaglag ang batang 'yan, baka nga pwersahin ka pa no'n, e. At isa pa, ayaw lang namin na magawa mo 'yong kasalanang nagawa ng iba naming kasamahan, sa mismong harapan namin pinapatay ang bata, nilalabas ang dugo. At si Annie, hindi 'yon gagawa ng askyon kung hindi siya seryoso, kaya mag-asikaso ka na ng sarili mo dahil kailangan niyang umalis ngayong araw." Seryosong sabi ni Maylene sa akin.

Kahit na mabigat sa akin ay pinilit kong kumilos, aligaga sila sa pagligpit ng gamit ko at hindi ko kayang tingnan iyon, hindi ko kayang sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para lang sa akin.

Kahit na lutang sa mga nangyayari ay nag-asikaso agad ako ng aking sarili sa banyo, nagmadali na ako dahil base sa mga kilos nila Jona at usapan nila Maylene ay kailangan na nilang magmadali at umalis bago mag alas-dose, hindi ko alam kung anong nangyari at bakit sila natataranta. Nang makabihis ako ay malinis na ang bulong kwarto, tanging gamit na lang ni Jona ang naroon sa kwarto namin.

"Ada? Tara na? Sa kotse ka na lang mag-almusal, wala na tayong oras e," ngiting sabi ni Annie at saka ako tumango.

"A-Ano bang nangyayari? Bakit kayo nagmamadali?" tanong ko dahil iba na ang kilos nila.

Bumuntonghininga ito at saka hinimas ang aking kamay at huminto sa hagdanan. "Naalala mo no'ng sinugod ni Jona si Gabriel? Naroon din pala parents niya kaya narinig ang usapan nila tungkol sa pagbubuntis mo, tapos sinabi na kapag napatunayang sa iyo, kukunin sa 'yo ang bata," mabilis nitong paliwanag saka hinimas ang pisngi ko.

"Kaya kailangan na nating umalis dito at sumama ka sa akin dahil baka dumating ang mga demonyong iyon," dagdag nito saka hinila ako.

Literal na nagsama ang takot at kaba sa akin, ang dami kong tanong na hindi ko na masasagot pa. Kaya ba gano'n na lang ang pagmamadali ni Jona na umalis kami kanina? Kaya ba sa ibang sasakyan ako pinasakay?

Pagkarating namin sa ibaba ay napansin ko agad si Rafael, bahagya itong ngumiti at saka kumaway sa akin. Sila Jona at Maylene ay nasa isang tabi lang habang si Ate Calli ay nasa gilid ko.

"Ikaw ng bahala sa kanila. At walang magsasabi kung saan sila dadalhin, mag-iingat kayo," malumanay na sambit ni Ate Calli at dismayado akong tiningnan.

"S-Sorry ate," bulong ko ngunit umiling siya.

"Nandiyan na 'yan. Alagaan mo sarili mo, dadalaw kami kapag okay na rito," ngiting sabi niya saka tumango kay Annie.

Walang salitang inilabas ang iba at agad akong sinakay sa kotse, sa likuran kami at katabi ko si Annie, si Rafael naman ay panay ang tingin sa akin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Lahat ng sinasabi ni Annie ay sinusunod ko, kumain ako nang kumain kagaya ng sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay natatakot na akong magdesisyon para sa aking sarili. Baka mali na naman.

"Tang*na talaga ng Gab na 'yan, e. Tapos bida rin ang parents niya, kakapal ng mukha sabihin na kukunin kay Ada ang bata pagkapanganak," paghihimutok ni Annie.

"Actually, puwedeng mangyari iyon kung walang kakayahan si Ada na buhayin ang anak niya, let's say na panig ang korte sa isang ina, pero talo kayo kung hindi talaga kaya ni Ada—"

"Kaya nga kami pupunta ng La Union, at saka wala namang kaming pang-korte, palibhasa kasi sila nagtatae ng pera," sabi pa ni Annie.

Nanatili lang among nakayuko, nakikinig sa usapan nilang dalawa at hindi ko itatanggi na totoo ang sinasabi ni Rafael, na makukuha talaga ang bata sa akin kung wala akong pangbuhay sa kaniya. Kung wala akong pera at trabaho.

"Ito lang talaga ang maitutulong ko Ada, ang ihatid kayo, at mananahimik ako. Basta kung may iba kayong kailangan, sabihan ninyo lang ako," sabi ni Rafael.

"Keri na namin. Basta shut up ka lang, okay naman sa probinsya Ada, madali lang buhay doon basta marunong ko lang gumawa ng paraan. Basta nandito lang kami, huwag kang mahihiya sa akin, wala ka namang ginagawang masama, e. Isipin mo na blessing ang bata na tinanggihan ng isang taong hindi grateful."

Tumango ako at ngumiti, walang pumapasok sa utak ko pero sapat na 'yong nandito sila sa tabi ko kahit hindi ko pa tuluyang nasisiksik kung ano ang nangyayari.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon