Kabanata 54

23 1 0
                                    

Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa.

"Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin.

Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin.

"Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin.

Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin.

"Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?"

"Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."

Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga gamit namin, hindi naman naging mahirap ang pakikisama ko sa kanila dahil maayos naman silang makitungo, sila pa ang nauunang makipag-usap sa akin lalo na't panay nag tanong at payo tungkol sa pag-aalaga ng bata.

"Ang pagiging ina ang pinaka mahirap sa lahat, wala kang makukuhang sweldo, wala kang day off. Kailangan mo laging siguradong maayos ang lahat. Kahit na hindi mo na kaya, hindi mo puwedeng sukuan iyan dahil ang pagiging ina, habambuhay na iyan," pangangaral ni Nanay Lita habang tinuturuan ako magpaligo ng bata.

Medyo marunong naman na ako noong nasa La Union kami, pero iba rin na may nanonood sa aming matanda para malaman ko kung tama ba ako o mali.

Hindi kasi namin naasikaso si Jace kaya ngayon lang namin siya napaliguan, si Gab naman ay may pinuntahan agad para makapagpaalam muna sa trabaho dahil wala pa akong dalawang buwan. Ang usapan kasi naman ay kapag dalawang buwan na ay saka lang siya papasok dahil kaya ko naman nang kumilos.

"Nasaan na po ang mga anak ninyo?" tanong ko nang maihiga ko na si Jace at si nanay ay nililigpit ang ibang gamit.

"May kaniya-kaniya ng pamilya, hindi na rin ako nanggulo pa dahil kuntento na ako rito. Hindi naman mabigat ang gawain ko kina ma'am at sir dahil wala ng alagain. Kaya sina ma'am at sir na ang nagsabing sumama ako kay Gabriel dito para matulungan kayo," anas nito kaya ako napatingin sa kaniya.

Hanggang ngayon hindi pa rin namin napag-usapan nang maayos ang tungkol sa magulang ni Gab. Basta raw ay sinigurado ni Gab na hindi kami makukuha at mahihiwalay ang bata sa akin, pero iyon lang.

"Nay? May nasabi po ba sa inyo ang parents ni Gab tungkol sa akin?" tanong ko.

Nangunot ito at saka binuhat ang maliit na tub. "Wala naman ija. Pero noon madalas silang mag-away ni sir. Si Sir pa nga ang nagsabi kay Gabriel na sunduin kayo sa La Union at panagutan ka. Ito lang talagang si Ma'am ang  may ayaw dahil nga raw baka nagkamali lang. At isa pa, nag-iisang anak lang kasi nila si Gabriel kaya gano'n."

Natahimik ako dahil doon. Kahit na maliit na detalye lang iyon ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba at matakot dahil tanging tatay lang pala ni Gab ang nakumbinsi.

"Alam mo ija, huwag mo nang alalahanin ang ilang bagay. Mas gusto pa kita kumpara kay Ma'am Sunny, sus! Ang babaeng iyon ay napakasama ng ugali, kung ano-ano ang idinidemand kay Gabriel. Kaya sige na, bilisan mo na riyan para makakain na kayo at dahil alam kong pagod kayo galing byahe." Mahina ako nitong tinapik at saka iniwan kami sa aming kwarto.

Napangiti na lang ako nang makita ko si Jace na tahimik lang na tumitingin sa paligid at ginagalaw-galaw ang mga paa at kamay. Ang mata niya ang nakuha niya sa akin pero halos lahat ay sa tatay na niya.

"Baka mamaya pa umuwi ang batang 'yon, akin na muna si Jace para makakain ka nang maayos," nakangiting sabi nito saka kinuha sa akin si Jacen napangiti.

"Kain na rin po kayo, busog pa naman po 'yan si Jace," alok ko at nagturuan pa kung saan uupo.

Hindi ko naman ugaling tinginan sila bilang kasambahay dahil malaki ang parte nila sa buhay ni Gab. At isa pa, para ko na rin silang magulang kung sakali, baka nga lola ko na sila, e. At least kahit wala si mama ritonay may gumagabay sa akin na may alam sa pag-aalaga ng bata.

Gabi na nang maka-uwi si Gab, tulog na rin si Jace samatanla ako ay inabangan siya. Nakangiting lumapit ito sa akin sa kama at hinalikan ako sa noo.

"Pinayagan ako ng Head namin, kaya puwede na akong mag-stay ng isang buwan," nakangiting bungad niya at inayos ang kumot namin.

Kusa nitong inilagay ang bisig sa unan ko kaya roon ako nahiga, dahil iyon naman ang ibig sabihin no'n dahil ginawa na rin namin ito noon.

"Buti pinayagan ka? Isang buwan pa naman 'yon, masyadong matagal."

"Okay lang naman kay sir, since alam mahirap daw talaga kapag bagong panganak ang asawa. May apat na anak na iyon kaya naiintindihan niya. Hmm, how's your day here?"

Bahagya akong umayos ng higa at saka ngumiti. "Ayos lang naman. Tinuturuan naman nila ako kapag hindi ko alam ang gagawin, madaldal din pala sila ako? Masaya naman silang kasama kaya okay lang kung pumasok ka na sa trabaho mo."

Tumingin ito sa akin at bahagyang natawa. "Ayaw mo bang nandito ako? Nagtatampo ka pa rin?"

"Hindi naman sa gano'n. Siyempre may trabaho ka, at saka tinutulungan naman nila ako kaya okay na."

Imbes na sumagot ay kusang yumakap sa akin si Gab at saka ako hinalikan sa noo. "Sabi ko sa 'yo 'di ba babawi ako? Ang dami kong kasalanan sa 'yo kaya dapat lang na bumawi. Kulang pa nga ang isang buwan, e."

"Araw-araw ka naman uuwi rito, e," bulong ko dahilan para magtawanan kami.

Halos no'ng oras na iyon ay buong araw lang kaming nagkuwentuhan tungkol sa ilang mga bagay. Hindi namin maiwasang matawa nang balikan namin ang nagdaang taon mula sa kung paano siya madulas dahil sa basang sahig na nililinis ko noon at kung paano kami nagsimula. Hindi man prepekto pero patuloy naman naming susubukang maayos para sa bata at para sa pamilya.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon