Kabanata 7

24 0 0
                                    

Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga kuwento ni Jona sa akin tungkol kay Emy, na buntis nga ito dahil sa kung sinong lalaking nakasama niya. Walang ideya si Emy dahil marami siyang lalaking nakakasama at aminadong lasing minsan sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang maawa kay Emy, normal na pala iyon sa kanila na may nabubuntis at kung minsan ay winawakasan nila ang buhay ng bata.

Hindi ko alam kung may buhay na ba ang dugo. Kaya ipinaglalaban nilang ayos lang sa kanila na ipalaglag iyon, dahil wala pa namang muwang at alam.

Ang hirap malaman kung ano nga ba ang totoo. Hindi ko alam kung saan makikinig dahil parehas na mayroong dahilan.

"Basta, huwag na tayo mangi-alam, okay naman na, e. Nakapagdesisyon na siya, malalaki na tayo Ada, e, kaya alam na natin ang tama sa mali. Alam na natin kung anong pipiliin natin, kung mangyari man ang bagay na hindi naman sinasadya, pananagutan pa rin natin iyon, kasi involve tayo, e," mahabang litanya nito kaya ako ngumiti nang kaunti.

May punto naman talaga siya, sana gano'n na lang ako ka-open sa mga bagay bagay. Para akong mangmang, o baka talagang hindi lang ako sanay sa gano'ng klaseng sitwasyon.

"Papahiramin kita ng kailangan mo, tutal sarili ko na lang naman ang iniisip ko dahil matagal na akong walang kamag-anak. Pero galing 'yon sa pagsasayaw, ah, baka isipin mo galing sa mga extra services chuchu," depensa niya agad na ikinatawa ko.

Ayon kasi lagi ang pumapasok sa utak ko kaya maagap siyang nagpapaliwanag. Buti na lang matyaga siyang tao para ipaintindi sa akin iyon.

"Pero sabi mo noon naranasan mo na 'di ba?" tanong ko nang matanaw ko na ang bahay na tinutuluyan namin.

"Oo, ayon 'yong sobrang dami kong utang dito, kaya kailangan kong gawin iyon. Tatlong beses lang naman iyon sa buong apat na taong pag-ta-trabaho ko, more on sayaw lang talaga ako. Nakakatakot kasi minsan, e, ayoko sa mga bata. Naiirita ako kaya ayokong mabuntis," blangkong sabi nitong tumingin sa akin. "Gusto talaga kitang ipasok doon kahit bilang waitress lang, pero hindi maiiwasan na mabastos ka kahit ayon ang trabaho mo. Pero kasi ang hinhin mo, e, nakakatakot kang ipasok sa gano'n, baka mamaya makita ka nalang namin na nakabulagta na," natatawang sabi nito sa huli kaya hindi ko napigilang ihampas ang kamay ko sa balikat niya.

Tama naman siya, e. Baka mamaya bigla akong makapatay doon dahil mabilis akong mablangko at mawala sa sarili.

"Magkano ba 'yong nakukuha ninyong sweldo roon?" tanong ko.

"Depende, sa pagsasayaw ko, siguro kinse ang nakukuha ko sa kinsenas, malaki na rin iyon, tapos may mga tip pa sa ibang costumer, sa pagiging call girl kasi, ikaw ang magdidikta kung magkano ang gusto mo," sagot nito sa akin habang nakatingin ito sa daanan.

Dalawang araw ang lumipas at balik trabaho na naman, medyo nawalan ako ng iisipin dahil pinahiram ako ni Jona ng sampung libo, medyo malaki na rin iyon kahit papaano, nakakahiya nga lang dahil hindi ako nangako sa kaniyang mababayaran ko ngayong buwan kaya hulug-hulogan ko muna siya kahit dalawang libo.

Nang maisuot ko na ang uniporme kong kulay abo ay binitbit ko na rin ang mga gagamitin ko, nasa isang lalagyan na siya at kumpleto na. May mga walis, dustpan, mop, basurahan at kung ano-ano pa. Dahan-dahan ko lang na inilabas ito papunta sa parking lot. Isang oras na akong nandito pero hindi pa rin dumarating si Ally, kadalasan kasi ay siya ang nauuna.

Nagpasiya na lang akong pumasok sa loob upang maumpisahan ang trabaho, kailangan ay madiin ang pagkakapunas para naman mawala ang dumi. Panay ang ngiti ko sa mga dumaraan na ngumingiti rin sa akin. Ang ilang mga kasamahan ko ay seryosong-seryoso sa kanilang mga ginagawa, habang ako ay iniisip pa rin kung nasaan si Ally dahil baka pagalitan siya ng mas nakataas sa kanila.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now