Kabanata 24

21 0 0
                                    

Mabilis kong naitulak ang lalaking ramdam na ramdam ko ang likidong kaniyang inilabas. Parehas kaming hinihingal, kahit na hindi ko maigalaw ang aking katawan ay pinilit kong ibaba nang kaunti ang aking maskara dahil sa pagtaas nito kanina. Kinuha ko agad ang kumot na ipinangtakip sa aking katawan habang ang lalaking hindi ko kilala ay dumiretso sa banyo.

"Aww!" Naikagat ko ang aking labi dahil sa pagkirot ng aking hita na sobrang tagal ding nasa iisang posisyon.

Gusto ko nang ipikit ang mata ko dahil sa sobrang pagod at antok, pero hindi ko magawa dahil hindi pa umaalis ang lalaki at hindi pa ako nababayaran. Halos tatlong oras kaming nasa kwartong ito at hindi ko Alam kung bakit mabilis na akong mapagod ngayon. Dati naman ay kinakaya ko.

"Puwede na ba 'yan?" tanong nito nang may kunin sa wallet nitong tig-iisang libo.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

Nailing ito saka tumitig sa akin. "Dagdagan ko ng lima." Inilapag niya sa kama ang may kakapalan na perang iyon at saka nilagay sa tiyan ko ang kaniyang card.

Alam kong numero niya iyon. Pero hindi ako nag-abalang pansinin iyon dahil ayoko nang maulit ito sa kaniya. Ayokong mangyari na naman sa akin ang mga nangyari noon na isa kong kliyente na halos hindi siya humiwalay sa akin at ngayon ay hinahabol pa rin siguro ako ng asawa.

Kitang-kita ko kung paano niya sinara ang sinturon niya at kinuha ang wallet, hindi na ako nilingon nito at saka lumabas ng kwarto. Gano'n lang. Pagkatapos gawin ang bagay na 'yon ay aabutan lang ako ng pera at saka aalis na parang walang nangyari. Nakuha ko naman na ang gusto ko, kaya minabuti ko na lang na linisin ang aking katawan at saka matulog muli rito sa kama.

Alas-onse na nang makalabas ako ng kwarto, dumiretso ako sa club na katabi ng motel na ito para naman matulungan ko kahit papaano si Tonet. Medyo kaunti na lang ang mga taong umiinom kaya inilingan na lang ako ni Tonet at sinabing magpahinga na.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at saka nagpalit na ng damit. Pajama at makapal na damit ang sinuot ko saka itinali ang mahabang buhok. Matapos hilamusan ang sarili ay nagpaalam na ako sa kanila.

"Ingat ka, okay? Baka wala ka nang masakyan niyan papunta sa bahay mo," sabi ni Jona na pinupunasan ang aking mukha.

Ngumiti lang ako saka tinuro ang bintana. "Maliwanag pa naman, oh. Text na lang kita kapag nasa bahay na ako," ngiting sabi ko na ikinatango niya.

"Sige. Lakad na."

Kumaway na ako at nagsimula nang maglakad. Muntik pa akong masagasaan dahil sa isang kotse na biglang huminto sa aking harapan, pero lumiko agad ako at hindi na pinansin iyon.

Kinabukasan ay pinilit kong hilain ang aking sarili sa kama at mag-ayos, ala-sais pa lang ay gising na ako dahil wala akong tiwala sa sarili ko, tulala pa ako at matagal akong magkape. Hinanda ko na ang mga gamit ko, ang mga susuotin at ang mga dapat labhan. Baka bukas pa ako makapaglinis ng kwarto dahil linggo naman bukas.

Pagkalabas ko sa bahay ay bumungad agad sa akin ang isang lalaking nakangiti nang kaunti habang pinapaikot sa kaniyang kamay ang susi ng kotse.

"G-Gab?" Pinilit kong ngumiti kahit na hiyang-hiya pa rin ako sa kaniya.

"Work na? Tara na," alok nito sa akin at saka binuksan ang pinto ng kotse.

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok pero kanina pa niya ako tinititigan. Hindi pa saka ako gagalaw nang marinig ko na ang mga estudyante sa likuran ko na nagtitilian nang kaunti. Agad akong gumalaw at saka pumasok doon.

"Don't mind them," bulong nito saka sinara ang pinto.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin o ngitian na lang. Pero kasi parang wala lang naman sa kaniya iyon kahapon, snaa lang talaga nakalimutan na lang siya o 'di kaya hindi na lang niya pinansin.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon