Kabanata 35

14 0 0
                                    

Isang linggong walang pasok. Kaya gano'n na lang ang tuwa ko dahil binigyan kami ng suweldo na halos doble sa pinakamalaking suweldo ko noon. Nagdadalawang-isip pa nga ako pero buo na rin ang desisyon ko na bisitahin sina mama sa probinsya, sobrang kabado ako dahil ngayon ko na lang ulit sila makikita sa halos isang taong pag-ta-trabaho ko rito.

Inayos ko na agad ang maleta ko, naroon ang mga pasalubong kina mama at sa mga kapatid kong maliliit, paniguradong magugustuhan nila iyon, paborito pa naman nila ang mga laruang barbie, dahil hindi sila nakaranas nito.

"Grabe, dinaig ang OFW," anas ni Maylene kaya ako napatawa.

"Ngayon ko lang naman ulit sila makikita, e. At saka okay na rin ito, may kikitain pa naman ako. At saka babalik din ako rito sa linggo ng gabi," sabi ko saka tumayo. "Pakisabi kay Jona na mauuna na ako, ah?"

"Keri lang, at saka siya nagsabi na gisingin ka ng maaga para makapag-asikaso ng sarili. Anyway, nandiyan na ang boyfie mo, punta ka na," ngiting sabi niya at tinulungan ako sa gamit.

Nakasimpleng pantalon lang ako at saka long sleeve, hindi na ako masiyadong nag-ayos dahil na rin baka mahuli ako flight, mabuti na lang at sinamahan ako ni Gab at siya ang umalalay sa akin sa lahat. Nakita ko na si Gab sa sala na nakapatong ang mga siko sa tuhod na napatingin sa akin, agad siyang tumayo at kinuha ang dala namin ni Maylene.

"Dalian ninyo na kasi baka mahuli 'yang si Ada," sambit ni Annie.

"Sure. Mauuna na kami," pagpapaalam ni Gab at kumaway na ako.

Nang mailagay na ni Gab ang gamit sa likuran ay nagpasiya na siyang magmaneho. Halos makabisado ko na ang amoy ng kaniyang cologne at kung paano siya pumorma, bagsak ang buhok nito na halatang hindi masiyadong nag-ayos dahil kaninang madaling araw ko lang siya t-in-ext na aalis ako para umuwi.

"I deserve your lips Ada," bulong nito habang nagmamaneho kaya ako nangunot at natawang tiningnan siya.

"Gabriel?" buong tawag ko sa pangalan niya ngunit natawa lang siya.

"Why? Isang linggo tayong hindi magkikita."

"Mag-uusap pa rin naman tayo kahit na wala ako rito. Isang linggo lang 'yon Gab," sabi ko saka siya ngumuso.

Hindi ko alam kung kailan pa siyang natutong ngumuso ng gano'n. Inilingan ko na lang siya at saka tinuon ang atensyon sa daan. Napangiti ako nang maalala ko ang huling pag-uusap namin. Okay na raw sila at itabi na lang ang mga perang kinita ko, halos dalawang buwan din silang hindi nanghingi sa akin kaya natuwa ako dahil mukhang kumikita ang tindahan. Hindi ko na rin natawagan sila mama noon at tanging text na lang. Ayoko rin naman silang magulo dahil alam kong inaasikaso ni mama ang lahat ngayong nakakalakad na siya.

Nahinto kami ngunit imbes na lumabas ay siniil agad ni Gab ng halik ang aking labi, sinabayan ko ito at mas lalo pa niyang nilaliman iyon kaya ako napatawa. Pinilit ko itong itulak at pinisil ang pisngi niya.

"Next week na lang kasi, okay?" nakangiting sabi ko saka niya kinagat ang labi niya.

"H-Hindi 'yon!"

"Wala naman akong sinasabi," natatawang sabi niya saka inalis ang seatbelt ko at ang kaniya.

Parehas kaming natawa at lumabas na lang ng kotse, siya na ang umalalay sa dalawang gamit ko hanggang sa makapasok ako sa loob. Halos napirmi lang ako sa tabi niya habang mahigpit niyang Hawks ang kamay ko. Pero dahil oras na ng flight ko ay tanging paghalik na lang sa noo ang nagawa niya at ang isang yakap.

Hindi ko inisip na aabot kami sa ganito, dati lang iniiwasan at nilalayuan ko pa siya dahil sa rami ng bawal. Pero minsan, 'yong mga bawal pala na 'yon ang pumipigil para laging masaya ako. Ramdam ko naman ang kasiyahan kay Gab, naiintindihan ako ni Jona at sobrang saya ko dahil hindi na niya kami tinutulan.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon