Kabanata 9

17 0 0
                                    

Agad kong inilapag ang walis at saka naghilamos ng mukha. Halos nakaramdam lang ako ng ginhawa sa mukha nang mabuhusan ko iyon ng tubig. Tanghaling tapat ngayon kaya napakainit, ang ibang floor kasi ay hindi bukas ang aircon dahil wala namang tao. Sobrang kaunti lang.

Sobrang bilis ng panahon, puro half day na lang kami at mas lalong naghigpit dahil sa pagnanakaw na nangyari sa loob ng kumpanya, isa lang daw sa mga staff dito ang nagnakaw dahil kabisado ang mga lalagyan, e, hindi ko nga alam kung saan nangyari ang nakawan dahil nandito ako sa parking lot noon, nadamay pa kami dahil may mop doon sa gilid ng cabinet kung saan may nawalang importanteng papeles at pera.

Kaya mas lalong naghigpit at mababa ang suweldo.

Napangiti pa ako nang maalala ko na pinagtanggol ako nila Sir Valera dahil isa ako sa tinuro ni Ma'am Sunny. Mabuti na lang at dumating si Ma'am Alora para sabihin na buong araw ko siyang kasama noong mangyari iyon, hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang ulo niya sa akin. Dahil siguro iyon sa nadulas si Sir Andrada na kaniyang nobyo o asawa... ay ewan ba, ayokong mangi-alam.

Dahil mamaya pa ang balik ko sa trabaho ay nanatili na lang ako sa loon ng quarter namin. Tatlo lang kaming naka-assign ngayong araw dahil ang iba ay hindi na pumapasok dahil sa sinusweldo naming hindi na tama. Hindi ko rin naman masisisi ang iba na may pamilyang pinapakain... parang ako. Pero hindi ko kayang lunukin ang pride ko. Naghahanap naman ako ng trabaho pero sinasabi nilang tatawagan na lang ako, kagaya nang sinabi sa akin nang nauna pero walang isang tawag akong natanggap.

"Ay, oo nga pala! Si Adrian," bulong ko saka kinuha ang bag para hanapin ang aking selpon.
Bago kasi ako umalis ay makailang beses na tumunog ang ringtone na iyon pero hindi ko pinansin dahil baka mapagalitan ako. Naupo ako sa sahig bago basahin ang tatlo na mensahe galing sa aking kapatid.

Adrian:
Ate? Sorry kung nag-text ako na nasa trabaho ka, a. Pero kasi itatanong ko lang kung kailan ka magpapadala, para sana sa mga gastusin dito. 'yong sweldo ko kasi naubos na sa mga project nila Abi at Allen. Nakabili na rin ako ng gamot ni mama, kaso naubos naman sa pambili ng bigas.

Adrian:
Pati pala ate sa mga tuition fee ko, kalahati lang naman dahil 50% ang scholarship ko, kahit dalawang libo lang ate sa tuition ko, ako ng bahala sa iba. Pasensya na ate, ah? Kung puwede lang kitang sundan diyan para magtrabaho rin.

Adrian:
Mawawalan na ako ng load ate, baka hindi kami makatawag. Ingat lagi ate, maayos naman kami rito.

Napabuntonghininga na lang ako roon. Hindi naman ako puwedeng magreklamo dahil kailangan naman talaga. Si papa dapat ang gumagawa nito kaso hindi, hindi ko na alam kung nasaan siya at ayoko siyang hanapin pa. Ilang taon din naman na nakayanan namin na wala siya, e.

Tatlong libo na lang ang natitirang pera ko, ni hindi ko magawang mag-ipon dahil may binabayaran din akong utang. Naikagat ko na lang ang aking labi nang pumasok ang isa kong natrabahong lalaki na mukhang pagod na pagod, napatingin pa ito sa akin at saka kumunot.

"May problema ba, Ada?"

"Wala naman po. Sige po balik na ako sa trabaho—"

"Ay, Ada? Puwede bang ikaw muna ang maglinis sa conference room? Wala ng tao roon," utos nito sa akin kaya ngumiti na lang ako.

Nagsimula na akong kumilos, ala-una na at alam kong darating na ang iba. Sa 17th floor pa naman iyon kaya maingat kong dinala ang mga gamit ko. Pagkarating ko ay bumungad agad sa akin ang floor kung saan unang na-assign sa akin. Binuksan ko agad ang sliding door na iyon at agad na nakapasok sa maluwang na conference room. Sobrang ganda at pakiramdam ko ay sobrang taas ko na.

Kaya ba ganito umasta ang mga mayayaman o matataas ang posisyon sa buhay? Na akala nila ay mananatili lang silang nasa itaas.
Umiling na lang ako at nagsimulang magtrabaho, nilinis ko na muna ang malaking mesa gamit ang tuyong malinis na basahan. Pinasadahan ko ang iba roon at inaayos ang mga upuan.

An Innocent Courtesan | CompletedWhere stories live. Discover now