Kabanata 25

15 0 0
                                    

"Ngayon ka na lang ba ulit nakapunta sa simbahan?" tanong sa akin ng isang lalaking ngiting-ngiti sa pagtingin sa paligid at saka sa akin tumitig.

Hindi ko maiwasang malungkot. Dati kasi, lagi kaming nagsisimba, naalala ko noon na kasama pa namin si papa, pupunta kami ng simbahan tuwing linggo at pagkatapos no'n kakain kami ng mainit na bulalo. Sobrang saya noon, kumpleto pa kami. Tapos ngayon paggising na lang ni mama, wala na si papa, hinintay niyang umuwi, pero hindi na siya nagpakita.

Ngumiti lang ako kay Gab na hinihintay ang sagot ko. "Oo, eh. Tara na?" pang-aalok ko at saka kami nagpasiyang pumasok sa simbahan.

Hindi ko alam kung anong meron at bakit napakasaya ko, sanay naman akong magsimba noon pero ibang-iba kasi ang ngayon. Ngayon lang ako sumama sa isang lalaki para lang makapagsimba.

Tahimik lang kaming pumasok sa simbahan, magkatabi kaming dalawa sa isang bakanteng upuan. Titig na titig lamang ako sa harapan kung nasaan nakaukit sa perpektong kahoy ang perpektong Diyos. Sa kaniya ako lumalapit noon, siya lang ang nakaka-usap ko sa tuwing pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako. Sa kaniya ako nagdarasal kahit hindi ko alam kung nakikinig ba siya.

Pero nagpapasalamat ako kahit papaano dahil hindi niya kami pinapabayaan. Kahit papaano ay ligtas ako kahit hindi ko alam kung hanggang kailan. Alam kong may limitasyon lahat. Malalaman at malalaman ang mga sikreto ko at dito ko makikita ang mga taong mananatili sa akin. Na maiintindihan ako kahit pa gaano karumi ang mga nagawa ko.

"Here." Naramdaman ko ang isang tela sa aking palad.

Nagmulat ako ng mata at nakangiti itong bumungad sa akin at nginuso ang aking mukha. Mabilis akong napahawak sa aking pisngi at doon ko lang napansin na halos namamasa na ang aking mga pisngi. Nakakahiyaan ay agad ko iyon kinuha at pinunas sa aking mukha.

"You okay? Mali atang niyaya kita rito," bulong niya at saka nag sign of the cross.

Umiling lang ako at iyon din ang ginawa ko. Inayos ko ang aking pagkakaupo mula sa upuan at saka tumawa nang kaunti.

"Nakakahiya, huwag mo na lang siguro pansinin," bulong ko saka niya ako nginitian.

Hindi ba siya napapagod ngumiti?

"That's alright. Let's go?" Tumayo na kaming dalawa at tahimik na nakalabas ng simbahan.

Hindi masyadong mainit pero hindi rin naman kadiliman ang paligid. Banayad lang ang katamtamang init ng hangin na sumasampal sa amin, manipis na damit pang-itaas lang ang sinuot ko dahil kanina ay sobrang init. Hindi rin ako masyadong nag-ayos dahil sa biglaang pagyaya niya sa akin na ayoko ring tanggihan.

"Marunong ka kumain niyan?" tanong ko kay Gab dahil sa biglaang pagtitig niya sa balut na nasa harapan namin.

Kitang-kita ko kung paanong mandiri ang mukha niya kaya ako literal na napatawa. At siya naman ang napakunot.

"Kuya, dalawa nga pong balut at isang penoy." Iniabot ko ang pera at saka kinuha agad ng sawsawan.

Nakakunot lang si Gab sa harapan ko habang hinihintay ko ang hinahanda ni kuya. Hindi ako masyadong nagpahalata na excited na ipatikim sa kaniya ito. Halatang mayaman talaga siya, ni hindi niya alam kung paano kumain ng ganito.

"Tikman mo," sabi ko na inilapit ang isang balut sa kaniya.

"I-I can't," bulong niya at napapikit pa.

"Hindi naman ito nanunuklaw," bulong ko na ikinalaki ng kaniyang mata.

"Just a bit—"

"Dali, sipsipin mo na," utos ko na kunwari ay nataranta kaya ito natarantang lunukin ang sabaw sa loob.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon