Prologue

124 10 31
                                    

Trigger Warning: Suicide.

Humugot ako ng hininga at inis na pinunit ang papel na sinasagutan ko. This is frustrating! I don't even know how to answer these shits! Ang hirap ng subject namin. Ilang beses na akong pabalik-balik sa pag-r-review pero wala pa ring pumapasok sa utak ko.

"Ayos ka lang?" My eyes dilated upon hearing that. Realization hit me. Hindi ko alam na nasa room pala ako. I thought I was inside my room! Napatingin ako sa paligid at napalunok nang makitang lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Worry crept their eyes. Pero hindi ko na iyon napansin dahil napagtanto kong nasa kalagitnaan pala kami ng exam. Our lecturer even raised a brow at me.

"Are you fine, Miss Briones?" Our lecturer leaned against her seat and stared at me. Bahagya akong lumunok at nagbaba ng tingin.

"Y-Yes, Miss..." malumanay at nauutal na usal ko. Nakahihiya. Hindi ko naman kasi alam na nasa room pala ako! Our lecturer gave me another sheet because I just tore the first one. Nagsagot ulit ako nang may pagmamadali. Baka mahuli pa ako, e.

Nang matapos na ang exam namin ay lumabas na ako habang kumakabog ang dibdib. "Niae, ayos ka lang ba talaga?" Humabol sa akin ang kaklase ko. She is my seatmate who woke me up earlier from the reality.

I forced a smile. "Oo naman. Okay lang ako." No, I am not. How can I be fine when everything in my existence are sort of a mess? When you just wish to have a normal life, but it all ended up in cruelty.

Pumunta ako sa music room at doon nagmukmok. Gusto kong mapag-isa. Nagiging blanko ang isip ko. Ayaw ko munang magpakita sa mga tao sa oras na ito. Whenever I pass through everyone, there is no absence of judgement. Wala akong ginawang masama, hindi ko alam kung bakit humantong ang buhay ko sa ganito.

Bahagya akong sumandal sa pader at pumikit. Nakaupo lang ako sa sahig na nasa stage area. Rito kasi ang lugar kung saan masikip, hindi ako madaling makikita. I just stayed there for like minutes, trying to seek for myself through the darkness.

"Miss?" Naramdaman kong may presensya sa tabi ko. Natigilan ako at bahagya munang kinusot ang mga mata. Bakit may ibang tao pa rito? Kagat labi akong nag-angat ng ulo mula sa pagkatutuklob at nahihiyang tinignan ang tao kung sino man iyon.

My throat felt dry when my eyes darted to her. Mas lalo lang akong nilamon ng hiya. Aligaga akong tumayo at kinuha ang bag ko na nasa sahig. I was about to ran away from her when she stopped me.

"Teka." She held my arms that made something, more like an electricity, pass through my being. Kinakabahan ko siyang tinignan. Pinilit kong marahan siyang taasan ng kilay.

"B-Bakit?" I asked. Bahagya niyang inayos ang guitar bag niya mula sa kaniyang balikat at pinasadahan ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. I closed my eyes. I just want to escape from her this time. It's not good for me to get around my crush.

She stared at me for a moment. Mas lalo lang akong nailang dahil doon. Ano? Riyan lang ba siya at titignan lang ako hanggang sa matunaw ako? "Wala." She ended up shaking her head.

Mahina akong napairap. Wala lang naman pala, e. "S-Sige. Una na ako, ah? Wala lang naman pala," I said with an awkward laugh. Binitawan na niya ang braso ko kaya mabilis na akong humirit palabas ng music room. Gago 'yon, ah. Ano ba kasing ginagawa niya sa 'kin?

I won't lie. She is my girl crush since first year. She is Chqianne Baltazár; a guitarist from their band. Siya lang ang babae sa banda nila. She is a bisexual and has been in many relationship. Not serious relationship at all, flings lang. I don't know but I get jealous whenever I hear that she has a new and another fling.

Hindi pa kami nakapag-uusap, ngayon lang. Hindi ko alam kung kilala niya ba ako. Not that I assume, pero sa tingin ko kilala niya nga ako. I am the governor's daughter and most of the students in this university knows me. Nakaiinis! I admire her from afar for already four years. They say, crushes that lasts long (for years) is what we call love. Sa tingin ko naman, hindi. Crush ko lang siya.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now