13

6 3 0
                                    

"Hoy."

"Ha?" Aligaga akong nag-angat ng tingin kay Wax nang pitikin niya ang noo ko. Even if I am clueless, I still shot him a glare. Bigla-bigla na lang sumusulpot ang lalaking 'to. And oh, he is with Riley. Seems like they get along, huh?

"Kanina pa kita tinatawag."

Napaawang ang labi ko. "Ha? Hindi naman?"

"Sus, kanina pa. Tanungin mo pa si Riley." Riley just nodded her head to agree to him. Nahihiya pa rin siya sa amin. Napailing naman ako.

"Bakit ba?"

"Tara na kasi sa field."

My mouth formed an "o" in realization. I almost forgot. Sa field pala kami for PE. Tumayo na lang ako at sumabay sa kanila ni Wax. Kami na ni Wax ang kadalasang nakasasama ni Riley dahil nakaaawa talaga siya, wala siyang kaibigan. Masaya naman siya kahit tahimik lang. It was her humor when she talk to the person she is close with.

It has been weeks. Yeah, weeks. When Chq left the place, we never heard anything from her. Also Dad. Tahimik lang ang dalawa. Bahala na sila sa buhay nila. Hindi naman na kasi dapat pa naming pakialaman ang isa't isa kasi ayos na kami, e. Maayos akong wala sila sa buhay ko at alam kong ganoon din sila sa akin. More like we aren't a loss to each other.

"Nakatanga na naman siya," pang-eepal ni Wax habang nanonood kami sa mga kaklase naming nag-p-perform sa harap ng section kasama ang lecturer namin. We just finished our turn and I can say that I didn't do well. I can't focus and I miss four to five steps. Pa'no ba kasi, ang dami kong iniisip.

"Just shut up and do your thing."

Pabiro siyang napahawak sa kaniyang dibdib at umakto pang nasasaktan. "Grabe, Niae. Ano ba kasi ang iniisip mo? O, sino?"

Napabuntong hininga ako at napatingin sa malayo. I don't have to ignore his question, tho. Alam naman na niya ako. "Naisip ko lang si Dad at uh, Chq."

"Oh." Napatango siya. "Bakit?"

"Wala lang. It has been weeks, you know. They just came up my mind."

"Pero hindi naman p'wedeng wala kang iniisip ukol sa kanila?" Ramdam ko ang pagtataka sa tono ng kaniyang boses. Mahina na lamang akong umirap sa kaniya. He is being nosy. Hindi bagay sa kaniya ang pagiging marites. Tsk.

After our subject, the class continued inside our room. And when lunch came, I was about to refuse Wax's offer to me to go down to the cafeteria and have a snack but I remembered, wala siyang kasama. Ayaw ko iyong nag-iisa siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at sa mga kaibigan niya pero sabi niya lang sa akin ay nawawalan siya ng oras na makipagbardagulan sa mga tropa.

As we started to eat, he didn't utter a word. Pati nang dumating ang mga grupo niya na naupo sa upuang malayo sa amin ay hindi ko napigilan ang mapangiwi. Ano ba ang mayroon talaga sa kanila? "Wax?" mahinang tawag ko rito na kasalukuyang kumakain.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin, inosente ang mukha. "Bakit?"

"What is really up with you and your friends?" I asked, confused. Napailing naman siya at napalunok.

"Ayaw kong sabihin."

"Bakit?"

"Kasi madadamay ka lang."

"Oh, come on. I have to know since I am your friend. At sabi mo, madadawit ang pangalan ko kung sasabihin mo sa akin. Dawit na nga ang pangalan ko. Tell me about it, please?" I showed him my puppy eye. Napailing naman siya at kagat labing umiwas ng tingin.

He was like telling himself mentally "I guess I have no choice" and I think that's right for him to think. Uminom muna siya sa bote ng kaniyang tubig at nagpunas ng bibig. He was hesitant at first but when he saw me waiting, he clicked his tongue against the insides of his cheeks harshly.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now