38

4 0 0
                                    

"Anong nangyari sa inyo?"

"Ha?" Nag-angat ako ng tingin kay Wax. "Inyo? Sa amin ni?"

"Amara," aniya at umupo na sa tabi ko. Ngumuso lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Ang aga-aga, e. 'Yan talaga ang bungad niya? Nakawawalang gana naman 'to. "Hoy?"

"Wala naman. Pumunta lang ng Canada."

"Oh," napatango siya. "So, kailan babalik?"

"Ewan."

"Anong ewan?"

"Hindi ko alam."

"Sarap mo naman kausap, Niae," sarkastikong sabi niya kaya natawa ako.

"Hindi ko nga kasi alam. She will stay there for almost a year."

"Ha?" Nagulat siya at nanlaki pa talaga ang mga mata. "Taon? Halos isang taon? Ang tagal naman. Pero may social media naman, e."

I tsked. "She's not even updating me. What's the use of that now?"

Dahan-dahan siyang nagkibit balikat. "Siguro unahan mo ng chat."

"Ayo'ko nga."

"Ah, bahala ka."

Since the lecturer hasn't arrive yet, I and Wax had a little chit-chat. Dumating din si Riley na siyang mabilis na nagtanong kung ano raw ang chismis. Napailing na lang ako sa dalawa nang asarin ako ng mga ito. Their teases means nothing but to bother me from sadness, though. Thanks to them.

"Ayaw mo talagang unahan?" pangungulit ni Wax habang gumagawa kami ng project. "Uso kaya first move."

"E, baka ayaw niya pa akong makausap, e."

"Bakit ayaw?" si Riley. "Baka nga naghihintay lang 'yon."

Ngumiwi lang ako at hindi na sila pinansin. I just focused on my stuff and made them shut when they were about to open up again about Amara. Tama na muna ngayon. Medyo pagod na ang isip ko kaiisip sa kaniya, e. Pahinga muna, balik lang mamaya.

"Alak lang kapalit niyan!" malakas na tumawa si Wax nang makita akong naluluha. I am currently eating my food in the cafeteria then Amara came across my mind again! Naiiyak tuloy akong kumain at bahagya pang yumuko dahil napatitingin ang ibang estudyante sa amin! Hayop na Wax kasi, ang lakas ng topak.

"Tumahimik ka, ah," banta ko. Ngunit natawa lang siya lalo na sinabayan naman ni Riley. Sila lang ang natutuwa, oo. "Bahala nga kayo riyan."

"Niae!" malakas nila akong tinawag nang tumayo ako at naglakad palabas. I ran away from the cafeteria and went to a semi-private area, sa likod ng isang building. Umupo ako roon at niyakap ang tuhod, saka ako yumuko at humagulgol.

Kainis naman 'to!

Gusto ko na siyang makita, e. Hindi ko alam ang nangyayari sa amin. We did not fight. I just told her that she has to go back in Canada. Bakit ba parang wala na siyang pakialam sa akin? Why can't she check on me even just once? I am hesitating to reach through her so I will just wait for her update.

"Tara, shat!"

"Bili kang alak," sabi ko kay Wax. "Dito lang ako sa bahay. Ayaw ko sa bar."

"Woah!" Napaatras siya sa gulat. "Sige, lods. Pera?"

Naglapat ang mga labi ko. "Akala ko ba libre mo?"

Napangiwi siya. "Sinabi ko ba?"

I hissed. "Nasa wallet ko. Kumuha ka na lang doon."

I just did my homeworks and waited for Wax to come back. Nasa mansion kami. Uuwi si Chq dito mamaya tapos isasabay niya si Riley since may group project kami. Kami lang ulit tatlo. Hindi na yata kami mabubuwag lalo na pagdating sa projects, e.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now