04

37 8 0
                                    

"Kumusta ka na?"

Napatitig ako sa kawalan habang ramdam ko ang titig niya mula sa likuran ko. I couldn't help but to smile faintly. Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Wala akong naiintindihan. Naguguluhan ako.

"Bakit mo 'ko iniwan, Yaya Beth?" mapait na tanong ko. Rinig ko naman ang kaniyang buntong hininga.

"Alam mo namang —"

I cut her off. "Alam mo namang kailangan kita. Alam mong ikaw lang ang nasasandalan ko. Bakit? Bakit gano'n?"

"Niae, anak." Naramdaman ko siyang naglakad patungo sa akin. She held my shoulders and hover down. "'Yon ang makabubuti sa 'yo. Hindi ako ang pinakakailangan mo."

"Who knows?" I laughed sarcastically and looked at her. "Hindi n'yo naman alam kung sino ang gusto kong makasama. You didn't even bother to ask me."

"Niae..."

I sighed. "Pagod na po ako, Ya."

Hindi siya nakapagsalita nang makita ang luha kong dumadausdos pababa sa aking pisngi. I wiped my tears using the back of my palm and looked up.

"Nakapapagod."

She stared at me.

"Ayaw ko na." Umiling ako. "Nakapapagod ang mundong 'to... Simula noon pa man, wala ng magagandang nangyayari sa akin. Nang lumabas ako sa sinapupunan ni Mama, bitbit ko na ang pait ng katotohanan. Gusto... G-Gusto ko nang sumuko. Pagod na ako..."

I sobbed when she embraced me. Narinig ko ang singhap niya kaya bahagya akong kumapit sa kaniyang balikat.

"Niae, gusto mo na bang lumayo sa lugar na ito?"

I nodded my head, tears flowing down my cheeks. "O-Opo... Kung sana... Kung sana hindi na lang ako nabuhay," my voice cracked. "A-Ayaw ko na rito..."

She caress my back. "Halika. Sumama ka sa 'kin. Ilalayo kita rito."

Natitigilan akong pumikit. "S-Saan?"

"Malayo," she whispered and kissed the top of my head. "Tara na, Niae."

I didn't know what happened next, but I just found myself in a peaceful place where I am far from everything that has cause me agony. Far from everything — from the worries, from the judgements.

It was like I am in a different parallel where the verdicts was from yesterday.

I roamed my eyes around the place. I am in an island.

"Yaya Beth," I uttered her name. Nasa tabi ko lang siya at bahagyang nakangiti sa akin. "Totoo po ba 'to?"

She nodded her head, tapos ay tumingin siya sa kalawakan. "Ito ang lugar kung saan mahahanap mo ang iyong sarili, Niae."

Napalunok ako. Ang laki ng islang ito. Ngunit bakit wala akong makitang ibang tao? "Tayo lang ba ang nandito?"

Tumango siyang muli. "Maliban sa pamilya ko. Rito kami nakatira."

Nabigla ako. Rito sila nakatira? Ng pamilya ni Yaya Beth? Bakit hindi ko alam 'yan? Sa ilang taon niyang pagsisilbi sa pamilya ko ay ni hindi man lang niya nasabi sa akin kung taga saan siya't saan sila nakatira.

"Sa inyo po ito?" I asked.

Ngumiti siya. "Sa aking mga magulang, pinamana sa akin."

My mouth formed an "o" in surprise. I can't believe it. Why does she have to work for us when she has a better life here, then? Maayos naman pala ang buhay niya at ng pamilya niya, ngunit bakit nagtitiis siya sa amin? Sa akin? Sa kalupitan ng ama ko?

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon