34

3 0 0
                                    

"Ang daya!"

"Oh, bakit? Halika na! Tara! Tara!" Wax dragged me off while I am trying my very best to get off from his grip on my pulse. Hinawakan ko pa talaga si Riley para magpatulong. Tanginang Joaquin kasi 'to! Ayaw ko ngang sumama, e! Si Riley naman, imbes na tulungan akong kumawala ay nagpadala siya sa hila ko.

"Wax naman! Saan ba kasi tayo?!" inis kong tanong at nagpapadyak pa. Patuloy siya sa pagkaladkad sa akin. This guy!

"Basta. Sumunod ka na lang," ngiwi niyang sabi.

I tsked. "Bitawan mo na ako."

"Baka tumakas ka pa, e."

"Hindi."

Tumaas ang kilay niya sa akin at sinuri ako nang panandalian. When he saw that I am serious, he let go of my hand. Nanlaki naman ang mga mata ko bago ako tumakbo palayo sa kaniya ngunit bago pa ako makalayo ay nahabol niya ako at bahagyang hinuli ang magkabila kong braso.

"Ano ba! Gusto ko nang umuwi, e!" Halos maiyak na ako dahil sa inis. Ayaw ko ngang sumama sa kaniya dahil baka pagtripan ako nito! Gago. Kainis.

He sighed. "May surprise ako, okay?"

Napakunot ang noo ko at inis na nagkamot batok. "Anong surprise?"

"'Wag kang paspoil. Basta, surprise."

"Ano nga?"

"Niae naman," naiinis na rin siya. "Surprise nga, okay? Hindi ka na ma-s-surprise kasi sinabi ko na sa 'yong may surpresa. Basta, just act like you really are surprised when we got to go there."

"Huy, tagal n'yo naman," asik ni Riley at lumapit sa akin. "Tara na, Niae."

"Tara." I held her hand. "Uwi na tayo."

"Niae! Hindi nga. May surpresa nga ako, e!" Pigil ni Wax at pinaghiwalay ang kamay namin ni Riley. "Hindi 'to masama. Sumama na kayo sa akin. Madali lang, promise."

"Saan ba kasi 'yan?" tanong ko.

"Sa field lang."

I sighed. "Madali lang ba? Kailangan ko na kasing umuwi. Dapat maaga ako ngayon, e. May okasyon sa amin."

"Oh, anong okasyon?"

Ngumuso ako at hindi sumagot. Sa huli ay sumama na kami ni Riley kay Wax doon sa field tulad no'ng sabi niya. I am eager to go home because Amara will be there, it's a special day for me. Gusto ko na siyang makita, e. It has been two weeks.

"Bakit ang daming tao?" takang tanong ko nang makita ang kabuuan ng field. Ang dami talagang taong nagkakalat. Lahat sila ay abala pero nang matunugan kami ay napabaling ang lahat sa amin. Napalunok naman ako.

"Anong mero'n —"

"Happy birthday!"

Napatalon ako sa matinding gulat nang sabay-sabay iyong iusal ng lahat. Napatakip pa ako sa tainga ko dahil ang lakas. I almost found myself dead in horror, lalo na nang magpaputok bigla si Wax ng confetti at nagtatalon-talon pa sa sobrang saya.

What the fucking hell is happening?

"Niae!" May malakas na tumawag sa akin mula sa dagat ng tao. All of them were smiling at me, making me feel awkward and flattered at the same time. Sumulpot naman si Chq na siyang tumawag sa akin. She is holding a cake and is smiling at me. "Make a wish."

I gulped. "Seryoso ba 'to?" pabulong kong tanong sa kaniya nang makalapit siya sa akin. Natutuwa naman siyang tumango bilang sagot. "How did you know that today's my birthday?"

"Who wouldn't know?" she hissed. "Make a wish."

Nilibot ko muna ang mata ko sa buong paligid. Ang dami talaga nila. Hindi ko inaasahan 'to. Really? Just for my fucking birthday? I want to celebrate my special day simply with my loved ones and to those pips that are important to me. Hindi ko naman inaasahang halos buong school namin ay babati sa akin.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon