46

0 0 0
                                    

"Sabay na tayong babalik?"

Chq wanted to go with me back inside the hospital. We did not have that much talk. Ayaw ko rin naman siyang kausap kasi sa tuwing nagsasalita ako ay ngumingisi siya. Posible bang may grinning disorder?

"Up to you. Una na ako," paalam ko at nauna nang lumabas sa café. Walang kwenta lang naman 'yong paalam niya kasi kaagad siyang sumunod sa akin. Sabay kaming tumawid at mahina niya pa akong hinila palapit sa kaniya kasi biglang may humarurot na motor, isang lalaking siga ang nagmamaneho. We even heard group of men laughing as a tease because I was almost hit by their goddamned mini-boss.

"Masasapak ko talaga sila," mahinang bulong ni Chq. Napailing na lang ako. Kung hindi ko lang alam ang kalalabasan, malamang sa malamang ay pinagsalitaan ko na ang mga 'yon. Wala naman akong laban sa kanila.

Tahimik akong pumasok sa loob ng hospital. I could feel her side glance at me but I did not mind her anymore. Hindi ko na siya kinausap hanggang sa makarating kami pabalik sa kwarto ni Dad. Wax's left eyebrow even raised when he saw me with Chq.

"Medyo matagal-tagal kayo," sabi ni Wax. "Naghihintay ang Dad mo, Niae."

I cleared my throat. "Yeah, sorry. I just had a coffee outside. Gutom ka na ba Dad? Uh, I will feed you -"

"Ah, ako na po," sabi ni Leah, mukhang nahihiya. Umiling naman ako. Why her? I am here. Anak niya ako. Nandito na ako kaya pwede ko nang alagaan ang ama ko.

"I can eat alone," sabi ni Dad. "But I want to have a time with my daughter."

That's their cue already. Nagpaalam muna ang tatlo na lalabas. Nang kami nang dalawa ang naiwan ay napalunok ako. I feel quite awkward. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Lumapit na lang ako sa side table kung nasaan ang mga prutas at pagkain. I peel fruits and put it in the clean plate.

"Ah, Dad..." tawag ko sa kaniya. Pinaayos ko siya ng upo at hindi naman siya nahirapan. He could really eat with himself alone. Kinuha niya ang plato mula sa akin at siya na ang sumubo ng pagkain. I bet he just really want to talk to me.

"Pwede ba akong humingi ng pabor?" aniya sa kalagitnaan ng katahimikan. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at walang alinlangang itinango ang ulo. "Gusto ko sanang bumalik ka sa bahay, kasama ako."

Naglapat ang labi ko, nagpipigil ng ngiti. "Plano ko rin po 'yon."

Napatitig siya sa akin at mahinang binaba ang plato. "At narinig ko ang usapan ninyo ni Joaquin kanina. Ano ang mayroon sa inyo, Nirene?"

Madness was not even evident in his voice. It was just that he asked out of curiosity. Nasanay na siguro ako noon na kapag may tanong siya, tungkol iyon sa kapalyahan ko sa school. Mahina akong umiling at umupo sa upuan na katabi ng kama niya.

"Kaibigan ko lang po, pero nanliligaw siya sa akin," simpleng saad ko.

Umangat naman ang gilid ng labi niya. "May pag-asa ba?"

I bit my lower lip. Are we seriously talking about this? This is my first time opening up to him, tapos tungkol sa isang lalaki pa talaga na kaibigan ko? "Siguro?" patanong kong sagot. "Hindi ko alam. Gusto kong magkaibigan lang kami."

"May iba kang gusto?" tanong ulit niya, dahilan para matigil ako.

Damn it. How can I answer that? But I just have to be honest. "Yeah..."

"Sino naman?"

And that is when I lost it. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa pang-apat niyang katanungan. Kung hindi si Wax, sino ba ang gusto ko? Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi alam ng isip ko, ngunit alam na alam ng puso ko.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon