05

38 7 0
                                    

To live, not to give up.

Bahagya akong pumikit at dinamdam ang marahang pagtama ng hangin sa aking balat. Ang ganda sa pakiramdam na sumimot ang simoy ng hangin. Para akong nahihimasmasan at nakararamdam ng gaan sa pakiramdam.

I remembered Chq... Kumusta na kaya siya?

The last time we talked was... Wait, it's been a week! Nagtagal siya ng isang buwan sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako natiis, pero siya, hindi ko siya natitiis. Kumukulo ang dugo ko. The time she left, that was when I felt like I have nothing anymore.

Buti na lang at bumalik si Yaya Beth. Dahil kung hindi, walang wala na ako. Siya lang ang nakakapitan ko sa tuwing wala na akong lakas upang bumangon pa sa sarili kong paa. I have to gather all of my strength through them — through the person I love.

"Ate, ayos ka lang ba?"

Marahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang boses ni Indi sa tabi ko. She looked so guilty for making me feel upset lately. Pa'no, tinakot niya ako! May paturo-turo pa siya sa kung saan! Ang dami niyang alam, ah.

I sighed. "Just don't do it again, Indi."

"Opo..."

"Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto ng ginawa mo sa ibang tao. Paano kung bigla na lang akong mahihimatay? Ano ang magagawa mo?"

She pouted. "Sorry po, ate..."

Ginulo ko ang buhok niya. "Ayos na 'yon. 'Wag mo lang uulitin."

Nakanguso siyang tumango sa akin. I couldn't help but to smile. That's so cute of her. Hindi rin naman yata niya minamasama ang pangaral ko dahil para naman 'yon sa ikabubuti. It's a new lesson for her to remember.

"Nag-aaral ka na?" tanong ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa buhanginan, kaharap ang payapang alon ng karagatan. What a view. Kung dito lang ako nakatira, paniguradong sisimulan ko ang araw ko nang nakangiti.

"Hindi po. Pero nagbabasa kami ng libro."

"Hmm, kayo lang magkapapatid?"

"Opo."

"Galing n'yo naman. Alam mo na paano bumilang, magbasa, magsalita nang maayos, at kung ano pa?"

"Yes naman!" she proudly said. "Kahit isang beses lang kaming tinuruan ni ate, naaalala pa rin namin ang mga tinuro niya sa amin!"

My brows creased. Kanina pa ako nagtataka sa pagbanggit nila ng ate. Sinong ate ba ang tinutukoy nila? Kapatid na babae na umalis mula rito sa isla? Saan nagpunta? "Sinong ate, Indi?"

Kagat labi niya akong tinignan. "Ate ko po. Anak ni Inay, kapatid namin."

Oo nga. Ate nila. Kapatid nilang babae at anak ng Inay nila. Bobo mo naman, Niae. Halata namang hindi nila gustong sabihin sa 'yo kung sinong ate. Bakit pa ba ako nagtatanong? Pero sino ba kasing ate? Bakit hindi nila masabi kung sino siya? May course ba?

Ewan ko sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito sa isla upang mas lalong ilibang ang sarili. Wala naman akong nakikitang bangka o kung ano pa para libutin itong isla. It seems like there is a boundary.

"Saan ka po galing, ate?"

Napatingin ako kay Indi dahil sa biglaan nitong tanong. "Ha?"

"Saan ka galing kako?"

"Sa sinapupunan ni mama."

She stomped her feet. "Ate naman!"

I chuckled. "Sa probinsya."

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon