33

5 0 0
                                    

"Oh, bakit kayo nandito?"

I forced a smile to Mama Beth when she saw me getting out of Amara's car. Nilabas namin ang mga gamit ko at nilagay iyon sa loob ng bahay. Tinignan ako ni Mama Beth ng isang nagtatakang tingin. Amara just smiled and motioned me that she will already leave.

Pilit akong tumango. "Bye."

Lumapit muna siya sa akin bago ako mahigpit na niyakap. "Take care, Nirene. I love you."

I tapped her back. "I love you."

Hinalikan niya ang noo ko bago niya mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Rest well, hmm? If you ever need someone to lean on, someone to talk to, I am just a chat away. We're not breaking up and we're not also together at the same time. We're just cool."

I chuckled. "Yeah. Maybe we're just a cool best of friends but lovers at the same time."

"Dang it. I am confused. But anyway, I love you."

Lumayo na siya sa akin matapos 'yon. I waved my hands a little as she went inside her car. Nagpaalam na rin siya kay Mama Beth bago siya umalis. Napabuntong hininga naman ako saka bumaling kay Mama na kanina pa naguguluhan.

"Anong nangyari? Hindi naman yata kayo nag-away?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mahinang nagpakawala ng mahinang tawa. "Hindi po, Ma."

"Oh, ano ngang nangyari? Bakit ka umuwi rito? Bakit parang kagagaling n'yo lang dalawang umiyak? Anong problema n'yo? Nag-aalala na ako, ah."

I chuckled once again and shook my head. "We just need space but we're cool."

Napamaang siya. "Space? Bakit? Anong nangyari?"

Pumasok na kami sa loob at inayos ang mga gamit ko. Sinabi ko kay Mama Beth ang lahat nang nangyari at humantong kami ni Amara sa ganito. Of course, I didn't tell her that Amara is a bad person. Pero nagulat na lang ako nang siya na mismo ang nag-open up ng bagay na iyon sa akin.

"Alam ko na noon pa man ang negosyo ng pamilya nila," aniya habang nagtutupi kaming dalawa sa mga damit ko. "Wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya dahil nabuhay na siya sa ganoon. They normalize killings in their organization."

My mouth formed an "o" in awe. "Really? That's kinda cool."

Natawa siya. "Cool? Medyo nakatatakot pa rin, Niae. Noong nag-t-trabaho pa ako sa Matteo's Hospital, naranasan kong makakita ng mga taong duguan at nag-aagaw buhay na. I am into medical, pero ang anak ko?" Napailing siya. "Ewan ko na lang."

Kahit nakalulungkot iyong sinabi ni Mama ay hindi ko maiwasan ang hindi matawa. Napailing na lang din ako at nagpatuloy na sa pag-aayos ng aking mga gamit. Well, I am already fine. Knowing that I am not hiding anything for Mama Beth, but anyway, she knows everything.

I sighed and smiled to myself. I find this setup healthy, though.

Mas mabuti ngang malayo muna kami ni Amara sa isa't isa dahil nabibigla pa ako. I can't grasp everything in mind and I have to distant myself for the meantime. This is for good. Amara knows what's best for us. Tiwala lang. Magtitiwala kami sa isa't isa.

I just hope that she will not fall for somebody else.

The hell. Tiwala nga, e. Bakit na naman nag-o-overthink ako? Kahit kailan talaga, hindi ko na-a-apply ang mga salita ko sa sariling ganap ko sa buhay. This is kind of frustrating. Pero maayos naman namin 'to, e. Bahala na nga si Batman. Bahala na ang tadhana.

"Niae!" Habang nagluluto ako sa kusina ay narinig kong may tumawag sa akin. Obviously, that's Chq. Umuwi siya rito? I mean, obviously. Pero napadadalas siya, ah? May study life kaya siya. And oh, how is her band?

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon