48

2 0 0
                                    

"Oh, may multo na naman ba? Aligaga ka."

I looked at Riley. "What a perfect ghost it is, Riley. Help me get out of here! Aalis tayo!"

"What? Why? Nasisiraan ka ba ng bait?"

Huminga ako nang malalim at inis na pumikit. Paano 'to? Nasa kabilang bahay lang si Amara! Sabing hindi ko na siya makikita, e. Ang alam ko, huli na 'yong kanina. Hindi ko naman alam na may second batch pala. Gusto ko mang umalis dito ay mukhang ang babaw lamang ng dahilan ko. Buti na lang talaga at hindi niya ako nakita kanina na mukhang nakakita ng multo. Hindi yata niya alam na magkapitbahay kami, e. Bakit kasi kina Chq siya tumira?

"Oh, anong mero'n?" Dumating si Wax na nagtataka. Nagkatinginan kami ni Riley, kaagad naman akong umiwas ng tingin. I know what she is thinking, it's about the conversation we had earlier.

"Hindi ko alam, ewan ko ba kay Niae. Aalis daw tayo, tanga lang?" sarkastikong aniya. Alam kong naiinis na siya sa akin dahil ang weird ko. Paano ba kasi, si Amara 'yong nakita ko, e. Nababaliw na yata ako.

"Aalis tayo? E'di tara," turan ni Wax, walang halong biro.

I hissed and rolled my eyes. "Biro lang. Huwag n'yo na akong pansinin. Nagpaprank kasi ako," palusot ko pa. Buti at hindi ako nagkandautal-utal. Ang galing ko nang magsinungaling sa totoo lang.

They stared at my red face. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.

"Ganda mo namang mangprank," ngiwing sabi ni Riley. Bahagya akong ngumuso. Kinuha ko na lang ang ibang gamit ni Wax at tinulungan siyang iakyat ito sa kaniyang silid. He doesn't want me to carry his things but I insisted, arte pa siya.

Sa tingin ko ay natapos ang araw ko nang si Amara ang iniisip. Gusto kong magreklamo dahil nawawala ako sa sarili kong katinuan, pero may kaiibang pakiramdam akong nararamdaman pagdating sa kaniya. I was on the verge of hating myself because I can't get enough.

"Good morning," bati ni Wax pagbaba ko sa sala. Nabigla pa ako dahil bihis na bihis na sila. Ang aga pa para pumunta sa school, ah? "Breakfast," he offered.

Umupo ako sa tabi niya, katapat si Riley. "Salamat. Si Dad ba? Hindi ko yata siya nakita."

Riley answered, "Ah, maagang umalis. May kikitain daw na kumpare. Gustong magpaalam sa 'yo kaso tulog ka pa."

Napatango-tango ako at nagsimula nang kumain kasabay nila. Since we had our schedule already, we don't have to get in rush. Sa 8 pa naman ang klase namin. Boring din kapag nandoon na kami sa school nang sobrang aga.

"May event pala bukas," ani Riley. "Sakto, walang klase. Sport fest. Nood tayo, ah? Masaya siguro."

"Tulungan ka rin namin maghanap ng jowa," ngisi ko sa kaniya dahilan upang mapairap siya.

"Requirement ba ang jowa? Kayo nga, e. Stay single na tayo. Anong ligaw-ligaw? Uso ba 'yan?"

"Inggit ka lang," asar ni Wax sa babae.

"Saka ka na magyabang kapag sinagot ka na, Wax," balik niya. I then chuckled because Wax seemed like he didn't like what she said.

After taking breakfast, I prepared myself. I just wore fitted jean and a white loose hoodie. Simple lang dahil ito naman ang usual style ko. Hoodie lang, sapat na. Para na rin maka-exercise kami, nilakad lang namin ang campus.

Nasa gilid lang kami ng kalsada, nag-uusap at nagtatawanan. May napatitingin tuloy sa amin dahil ang ingay naming tatlo. We were just having fun. We didn't mean to bother them anyway.

"Gusto ko nang makita sina Mama," buntong hiningang ani Riley matapos ang malakas naming tawanan. Tanaw na namin ang paaralan. Mabagal lang kaming naglalakad, walang dapat madaliin. Maaga pa naman masyado.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now