26

5 1 0
                                    

"Time for dinner."

Kumatok ng tatlong beses si Amanda sa pinto bago niya iyon buksan. I just forced a smile at her. I know I look so dumb right now. Wala ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi ni Chq. Kahit na ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin iyon nag-s-sink in sa akin. I can't grasp everything.

"Yeah," nasabi ko na lang. Amanda then sat on the edge of the bed and stared at me afterward. Nasa sahig lang ako, kaharap ang maliit na mesa at umuupo sa unan. I am more comfortable with this set up.

"You fine?" mahina niyang tanong, nakatitig pa rin sa dalawang pares na mga mata ko. Malamya naman akong tumango at nagbaba ng tingin sa studies ko. I can't last long to stare through her eyes. "You really are?"

"Oo nga."

"Nah, I don't see it. Last question, are you fine?"

I bit my lower lip. "I am."

"You are not."

"I am."

"You are not."

"Ayos nga lang ako! 'Wag mo ngang ipilit." I already get annoyed the way she insists it. Oo, hindi ako maayos kasi nawawala ako sa sarili ko. Kinakain ako ng konsensya ko at hindi ko alam kung paano ako mamumuhay nang payapa kung alam ko namang may nasaktan ako.

"See? You aren't. Don't worry about Chq. She can get through it."

Kunot noo ko siyang tinignan. "You..."

"Yeah, I heard it. She is strong, you know. Nagmana siya sa akin. Don't think of her too much, it might affect the us."

I gulped. "We haven't have the us."

"Yet. Hawak ko na, Nirene. Nasa kamay ko na. Kailangan lang natin ng sapat na panahon. Hindi naman tayo nagmamadali."

Mahina akong natawa at pinilig ang ulo. "Masaya ka ba?"

"Yes?"

"Hindi ka nagsisisi?"

"Saan?"

"Kasi dumating ka?"

Natigilan siya. Mahina ko siyang nginitian, tila ba nauubusan na ako ng lakas. "Hindi ako nagsisisi. Masaya ako na bumalik ako. Pero ikaw, ikaw ba? Masaya ka?"

I don't know why she asked that question. "Oo."

"Then why do you look like you aren't?"

"The guilt, Amanda."

She then chuckled and squinted her eyes on me. "Guilt, huh? Kay Chq? Anong klaseng guilt ba?"

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang tignan siya nang matagal. "Kasi noon, noong sinamahan niya ako, ginusto ko siya, e. Naparamdam ko 'yon sa kaniya. Siguro umasa siya. Pareho naman kaming umasa. Pero alam mo 'yon, parang nawala lahat nang dumating ka. Kasi, nang makita kita, handa kong isuko ang lahat-lahat ko. Handa kong ibigay ang sarili ko sa 'yo kasi alam kong aalagaan mo ako at hindi mo ako pababayaan."

She shut herself as I continued.

"Masaya ako. Masaya akong nandito ka. Pero may isa kasing nasasaktan, e. May isang lumuluha. Madaling sabihing kaya lang niya kasi malakas siya, pero hindi ko alam. Ewan ko ba. Kinakain ako ng konsensya ko."

She sighed and went near me. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ang kapit doon. "Sa puntong 'yan, para ka lang nagsisi dahil ginusto mo siya."

I bit my lower lip and stopped myself from shedding tears. "Parang gano'n na nga. That guilts me even more. Handa naman akong masaktan. Handa kong saluin ang lahat ng sakit. Ayaw ko lang 'yong makasakit sa ibang tao. Hindi ko kaya 'yon. Knowing that I hurt someone, it will not make me sleep at night."

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon