07

14 3 0
                                    

"Salamat po, manong."

Nauna na akong bumaba sa tricycle at sumunod naman si Chq. Nagbayad muna siya bago siya lumapit sa akin. I looked away from her and just roamed my eyes around. Ang ganda ng lugar. Maraming puno ng niyog at ang mga bahay ay gawa sa nipa't kawayan. Ang simple ng buhay ng mga tao rito at nakikita kong masaya ang mga ito. Kuntento sa kasalukuyang sitwasyon.

"Where would you like to go first?" Chq asked as seconds pass. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta. Hindi ko naman kasi alam ang mga lugar dito.

"Ano... Uh, hindi ko alam."

"Alright. I will just tour you around."

I nodded my head and let her lead the way. Nang magpahuli ako sa kaniya nang lakad ay bahagya niyang binagalan ang mga hakbang niya upang magsabay kaming dalawa.

"May plaza, may mini-resort, garden, mall, at iba pa rito. You feel like going to where?"

I bit my lower lip. "Saan ba ang magandang unang puntahan?" I answered her question with a question too. Napangiwi naman siya.

"Sa plaza. Baka may palaro rin doon."

Pumunta kami sa plaza na sinasabi niya. I can't help but to express my amazement as we arrived there. Sakto lang ang dami ng mga tao at may pinagtitipukan ang mga ito. May mga naglalaro; basketball, badminton, volleyball at iba pang hindi ko alam. May mga nagtitinda ng pagkain sa gilid at maraming bumibili rito.

"Wow..." I muttered under my breathe as the fresh air invaded the whole plaza. Ang dami ng mga naghihiyawang mga tao. Kung noon ay ayaw na ayaw ko sa maingay dahil mabilis akong marindi, ngayon naman ay gustong-gusto kong makisali sa ingay. I just find their chants healthy.

"I will buy finger foods first," Chq told me before heading near a stall. Hinintay ko lang siyang bumalik. Pero nang makabalik siya ay may mga kasama na siyang grupo ng kalalakihan at kababaihan.

I felt awkward all of a sudden. Ang dami nila.

"Mga kaibigan ko pala rito, Niae." They introduced themselves to me but I was not able to remember their names since they are many and I am not good in memorizing. Sabay kaming pumasok sa court kung saan may naglalaro ng basketball.

We sat on the bleachers. Ang daming taong nagsisigawan at kasalukuyang nag-c-cheer sa mga players. Tumingin na lamang ako sa mga naglalaro upang ilibang ang sarili. Buti na lang at nalibang ako kahit papaano. Hindi ko naiintindihan ang laro pero masaya naman panoorin.

"Ang ganda ng laro," usal ng lalaking nasa tabi ko. Bahagya akong umusog dahil ang lapit niya sa akin. Hindi ako komportable. "Niae, 'di ba? Wax nga pala ulit."

I forced a smile, an awkward one. "Oo, Niae. Nice to know you, Wax."

"Ngayon lang kita nakita rito, ah? Dumalaw ka lang? O, may kapamilya ka rito?" sunod-sunod nitong tanong. Well, the way he talk. He is gentle and friendly.

I looked away. "Bumisita lang po."

"Why so formal though?" he chuckled. "I wanna befriend with you. Mabait naman ako. Wala akong bad record sa tanang buhay ko."

"Yeah..." Mahina na lamang akong tumango. "Wala akong kaibigan na lalaki, e."

"Woah! How come?"

"Not fond of men."

"Well, p'wede mo naman akong maging first boy friend. It will be my pleasure."

"Huh?"

"Lalaki na kaibigan, Niae."

"Ah." I laughed nervously and looked at Chq. Nakatingin na pala siya sa amin ni Wax at nakataas na ang kanang kilay sa akin. Naglapat naman ang mga labi ko at inalis ang tingin sa kaniya. Bakit gano'n siya makatingin? Anong problema niya sa 'kin?

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now