Epilogue

17 3 3
                                    

Makulimlim ang kalangitan, walang tigil sa pagbabagsakan ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa salaming bintana na nasa labas. Kitang-kita kung paano nagsidaliang sumilong ang mga estudyante sa waiting shed at ang iba naman ay kinuha ang kanilang mga payong.

Malamyos na napangiti ang isang matanda na nakatayo sa harapan ng bintana at nakatitig lamang sa mga tao. Hindi nito maiwasan ang pag-usbong ng kasiyahan sapagkat ang dami nitong naaalalang mga pangyayari.

Mga pangyayari kung saan masaya.

"Granny..." A seven years old girl came over and held her hand. Nagbaba ito ng tingin sa bata at kaagad na kumawala ang matamis na ngiti nito sa labi.

"Dia," usal nito at tinapik nang bahagya ang ulo. "Anong kailangan mo?"

The girl looked down at the frame she was holding, lips were protruding. "Ikaw po ito, hindi ba? Noong kabataan po ninyo. Sino po itong kasama ninyong babae?"

Nagbaba ang matanda ng tingin sa hawak nito at ganoon na lang ang paglalam ng kaniyang mga mata. Tinitigan nito ang dalawang babaeng nasa litrato. Ang isa'y mukha niya noong kabataan, ang kasama naman nito ay isang kaibigan at kasintahan.

Everything seemed to flashback just by seeing her face.

"Amanda..." naiusal nito sa isipan at inabot ang litrato. Bahagya nitong hinaplos ang mukha ng babae kasabay ng pagbigat ng kaniyang dibdib.

"Granny," tawag ng batang si Dia nang mapansin kung gaano natigilan ang matanda. Tumingin ito sa bata at pilit na ngumiti. Umupo ito sa kawayan na upuan kung saan tumabi ang bata sa kaniya. "Granny, ayos lang po ba kayo?" tanong nito, nag-aalala.

Tumango ito. "Ayos lang ako, apo."

Ngumiti si Dia at itinuro ang larawan. "Sino nga po siya? Ang ganda niya po katulad ninyo..."

Mapakla itong tumawa. "Ang babaeng ito," mahina niyang usal at bumuntong hininga. "Ito ang siyang nagpatibok ng puso ko, Dia."

Napakurap ang bata, hindi kaagad nakuha ang sinabi ng lola.

"Po?"

Naiiling itong humalakhak. "This... This is Amanda," bulong nito. "She died."

"B-Bakit po?"

Para bang bumalik ang nakaraan sa isipan niya. Kahit ang mga masasakit na alaala, pilit niyang binabalikan upang hindi makalimutan ang babae.

"Baby, come on. I have a game!"

I groaned and covered my face using my pillow. Ngunit pilit na hinihila 'yon ni Amanda. She even jumped over me and kissed all over my face. I ended up getting up, annoyed and yet she just laughed at me.

"Mamaya pa 'yon," sabi ko at padabog na pumasok sa banyo upang maligo. Nakaiinis kasi, e. Mamaya pa naman ang laro niya tapos gusto na niyang maghanda na kami. E, ang aga pa kaya!

Matapos kong magbihis ay bumaba na ako. I saw Amanda in the kitchen area, cooking. I wanted to get annoyed because she ruined my good sleep, but seeing her innocently cooking in the counter makes me flatter. Lumapit ako sa kaniya at nakabusangot ang mukhang umupo sa high chair.

"Gusto mo ng gatas?" tanong niya sa akin. I didn't answer her. "Huy, Nirene. Gusto mo nga?"

I rolled my eyes. "Hindi."

"Kape?"

"Oo."

"Nah ah, you're done with coffees," iling niya at ngumiwi. Sumandal siya sa counter habang nilalaro ang sandok. "I'm sorry, okay?"

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon