22

8 1 0
                                    

"Wax!"

Malakas kong tinawag si Wax nang makita ko siya sa labas ng mansion. He was looking around, parang inaalam kung tamang lugar ba ang pinuntahan niya dahil wala namang makikitang tao sa paligid. Wala kasing masyadong kapitbahay dito at kung mayroon man, nasa kalayuan pa ang mga iyon.

Mabilis akong lumabas ng gate para salubungin siya. He seemed shock to see me, napaatras pa talaga. Nakangiti ko siyang sinalubong. I then raised my right arm for a high five. "Musta?"

Wala sa sarili niyang pinaglapat ang kamay namin saka ko binaba ang aking kamay. He was like lost to his senses. Kagat labi muna siyang tumingin sa likuran ko at muli akong tinignan. What's wrong with him?

"Gago, rito ka na nakatira?" he asked in monotone, nanlalaki pa rin ang mga mata. "Hindi mo naman nasabing lumipat ka na pala."

I hissed. "Bahay 'to ni Amanda."

"Oh? You mean, bahay n'yo?"

Ngumuso na lang ako at hinila na siya papasok sa loob. Pinaupo ko siya sa sofa sa may living room at kumuha ng snacks sa kusina. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin.

"Grabe, Niae. Ang gara, ah."

"Alin?" I looked at him and get some snacks inside the refrigerator. Kumuha ako ng cake at soft drinks. Since sabi ni Amanda na sa 8 pa kami aalis, pakakainin ko muna si Wax. 7 pa naman, e. Nakahanda na rin naman na kami, handa nang umalis.

"Ng mansion? Hindi talaga kayo maabot dalawa."

I just rolled my eyes and handed him the plate of cake. He was about to refuse but I warned him with a look. "Alam kong busog ka, pero try mong tikman. Ako yata nagbake niyan kagabi."

"Ow," natawa siya at tinanggap na iyong nilahad ko. "Magaling ka magbake?"

"Hindi ako magaling, marunong lang. Third attempt ko nga 'yan, e. Hindi masarap 'yong nagawa ko no'ng una."

"Sayang ingredients."

"Oo nga. Buti 'di nagalit si Amara."

"Bakit naman siya magagalit? You know that she understands you always." He started to eat the cake. Napatango-tango siya at nagthumbs-up sa akin. "Nice. Masarap."

I smiled. "Patayo akong bakery."

"Seryoso ka?"

"Biro lang, e. Nga pala, nasa taas pa si Amanda, may kausap. Paalis na rin tayo makalipas ang ilang minuto. May dala ka bang sasakyan?" Umupo ako sa high chair sa counter at ganoon din siya. Magkaharap kaming dalawa.

"Dala ko motor ko. I can't imagine myself riding in her motorcycle with you. Parang ang awkward, 'di ba?"

Malakas akong natawa. "Oo nga. Buti naman may dala ka. Paniguradong hindi ka niya papayagang umangkas."

Nag-usap-usap lang kami at mayamaya lang ay natunugan namin si Amanda na nagmamadali sa pagbaba at may kausap pa rin sa phone. She look annoyed.

"Yeah, I know. I told you, Mom. I can do my work here. Hindi naman kailangang — I mean, there's no need for a personal, yes, alright. I'll hang up. Bye. Love you."

Pinanood namin siya ni Wax na bumuntong hininga. Medyo nagulat pa si Amanda na makita kami sa kitchen at nakatingin sa kaniya. She then smiled at Wax when she saw him. Kaagad namang umiwas si Wax ng tingin, halatang kinakabahan. Nasabi niya yata na medyo takot siya kay Amara? Intimidating daw kuno.

"Hey, kanina pa kayo?" she asked and went near us. Suot na niya ang leather jacket niya at sando sa loob, tapos ay fitted jean. "Why you guys are looking at me like that? Do I look bad?"

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now