03

51 8 0
                                    

I don't even know why fate loves to play with me. Am I even a good player? Nah, ah.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. I can't even act normal as what I used to. Palagi na lamang akong nagagalit at madaling mag-init ang dugo.

"Niae."

That fucking voice! Kanina pa ako naiinis sa boses na 'yan!

"Niae?"

Ano ba? Bakit panay tawag ang isang 'to sa akin? Anong kailangan niya?

"Ni —" Chqianne stopped from calling my name for the nth time as I looked at her. Naglapat ang mga labi niya dahil sa tingin ko. She was like feeling uneasy the way I look at her. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Ano?" I asked her in monotone. Keep your voice calm, Nirene. Wala kang mapapala kung magagalit ka lang ulit. Walang patutunguhan kung magtatanim ka lang ng galit sa kaniya.

"Sorry, but..." she sighed. "Dinner?"

Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya. "Busog pa po."

Hindi siya nagsalita kaagad. Inusog niya iyong mesa na nasa loob ng kwarto ko at nilagay iyon sa aking harapan. I just watched her do such a thing. She then put the tray of the food on top. "Kailangan mong kumain, Niae. Gusto mong gumaling, 'di ba? Huwag nang matigas ang ulo."

Hindi ako nagsalita. 'Yong niluto niyang pagkain, hindi ko nga gusto. Hindi niya pa naluto nang maayos. I bet she doesn't cook. Bakit pa niya pinipilit ang sarili niya sa akin? Pinahihirapan lang niya ang sarili niya. Wala naman siyang makukuha mula sa akin.

"Gusto mo bang subuan pa kita?" she suggested and acted like feeding me. Kinuha niya pa ang mga kubyertos at bahagyang binaba ang katawan upang magpantay kami. "Ah," she motioned me to open my mouth, yet, I refused to.

"Chi," I called her. Napatingin siya sa mukha ko. "You... y-you don't have to do this." I looked away as pool of tears started to form in my eyes. Fuck. Do I have to weep from time to time? "Iwan mo na ako... Kaya ko ang sarili ko."

Umayos siya ng tayo. "Ayan na naman tayo, e."

"S-Sorry."

"Isipin mo na lang na kailangan mong gumaling, Niae."

I nodded my head. Hindi ko siya matignan. Nagagalit, naiinis, nahihiya. Halo-halo. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangingibabaw. Pero iyong sakit, sakit dito sa puso ko. Sa rami kong nararamdaman, hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

"Don't make anger wins, hmm?" She hover down and held my chin, she then made me look at her. "You will heal," she trailed off, "With me. Heal with me."

I bit my lower lip and nodded my head. I will try. Kinabukasan, niyaya niya ako sa labas kung nasaan ang park. Hindi ako umangal. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Umupo ako sa swing habang siya naman ay bumili muna ng ice cream. I stared at her back. She really looks like a man, the way she stands, seems like she is superior that can make everyone kneel in front of her.

"Here." Nilahad niya sa akin ang binili niya. Kumunot naman ang noo ko. Isa lang? Wala siyang binili para sa kaniya?

"What about yours?" I asked her. Nagkibit balikat lamang siya at umupo sa bench na dipa lamang ang layo sa swing kung saan ako nakaupo. Hindi ko alam kung sisimulan ko na ba itong kainin. I felt awkward. Pa'no, nakatingin siya sa akin.

Umiwas na lamang ako ng tingin. Ano ba ang gagawin namin dito? Wala namang naglalaro na mga bata para panoorin namin. Gusto lang niya akong ilabas?

"Do you want to hear me sing?"

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now