23

11 1 0
                                    

"Tangina mo kasi!"

This is so annoying! When you worry about someone because you overthink too much but they will just make fun of you because you care about them. Nakaiinis lang kasi pinagtatawanan niya ako habang ako ay halos hindi na makahinga dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi nga ako magkandaugaga tapos tatawa lang siya riyan?

"Shush, watch your words," Amanda said and catched my hands that is keeping to punch her shoulders. Natatawa siyang umiiwas at pinipigilan ako kaya mas lalo akong nainis. I beg not to make fun of me. Nag-aalala lang talaga ako. "Buhay pa naman ako, Nirene. Tara na nga, kain na tayo para mahimasmasan ka."

Wax then cleared his throat. Nasa tabi lang namin siya, pinapanood kami. "You guys should get informed that this is awkward. Grabe. Pinagmumukha ninyo sa akin na single ako."

I hissed. "Single rin naman kami."

"I mean, kalandian."

I rolled my eyes and turned my back against them. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila. Natatawa pa rin si Amanda na humabol sa akin. Si Wax, paniguradong nagtitimpi na 'yon dahil parang kami lang ni Amanda ang magkasama. I felt bad for inviting him, though. Hindi ko naman expect na ma-o-out of place siya. I tried to make up conversation with him but I am not just good to start one.

Hindi ko naman pinairal ang kadramahan ko at pumayag na sa pag-aaya ni Amanda sa resto kung saan kami kakain ng tanghalian. Wax just went to a different table with Billy. Sumabay kasi ang lalaking 'yon dahil gustong magpalibre kay Amara.

"Nagtatampo ka pa rin ba?" mahinang tanong niya sa akin habang kumakain na kami. I didn't look at her to answer her obviously. Sino ba naman kasi ang magugustuhan 'yong ginawa niya? She just simply crashed against that car. Nasira 'yong kotse, buti na lang at matibay 'yong nakasakay. At siya naman, bago pa mawalan ng balanse ay mabilis siyang lumabas sa kotse. May maliit siyang sugat sa siko at tuhod pero parang wala lamang iyon sa kaniya.

I chewed the food slowly and didn't throw her a glance.

"Ako dapat magtatampo sa 'yo, e. Pero sige, reschedule ko 'yong akin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman siya magtatampo? I mean, did I do something wrong? "What about it?" hindi napigilang tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya, napangingiwi.

"Pagtatampo mo ang aatupagin natin ngayon at hindi ang sa akin."

"Sabihin mo na bago pa kita huwag papansinin."

She bit her lower lip and shook her head. "When I asked you about that, uh, courtship. Hindi mo ako sinagot."

Natigilan ako roon at mahinang napairap. Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko na siya kinausap pa dahil inalala ko iyong usapan namin kahapon. Oo nga, hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin.

"What are your thoughts about courtship? I might court you."

I froze to what she said. Parang may malaking bato na humarang sa aking lalamunan na kahit anong pilit kong magsalita ay walang salitang lumalabas sa aking bibig. I just didn't expect her to ask that.

"Nirene?" She looked at me when I still shut my mouth. Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya at akma nang kakalas sa yakap, pero hinigpitan niya lang ang pagkahahawak sa akin. "I am asking you."

I gulped. "H-Huh? What is it?"

"Oh, come on, babe."

"Ano nga?"

She hissed and diverted her look away. "Wala. 'Wag na lang."

Uminom ako sa tubig ko at muntik nang mabulunan. Nag-alalang napatingin si Amanda sa akin at handa nang abutan ako ng table napkin.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now