49

2 1 0
                                    

"Two minutes to go, hold on tight."

Nanginginig ang mga kamay, hinawakan ko ang dalawang gilid ng jacket niya. I heard her sigh before she grabbed my wrist to wrap my arms around her waist. Nabigla pa ako roon ngunit kaagad na niyang pinaandar ang motor. We are losing time. I don't want to be late on my first day in the university.

As what I expected, she drove fast but carefully. Humigpit ang kapit ko sa kaniya nang humampas ang hangin sa pwesto namin. Pumikit na lang ako at nanalangin na sana ay hindi kami mabangga. But this is Amara, she never crash amidst having fun. Kapag talaga binangga niya ako, hindi ko na lang alam.

Napamaang ang labi ko nang pagbukas ko sa mga mata ko ay nasa parking lot na kami. Napakurap ako nang tinigil niya ang makina. Inalis ko naman kaagad ang pagkayayapos sa kaniya at nauna nang bumaba. I think she drove in just a minute, or maybe seconds.

Kinakabahan man ay hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. Hinubad ko ang helmet at inabot 'yon pabalik kay Amara. She looked at me and accepted what I am handing to her.

"Thanks," nasabi ko na lang. Since I have nothing to say anymore, I started to walk pass through her and headed to the gate. Pinakita ko lang ang ID ko bago ako pinalampas ng guard. Buti na lang at hindi malayo ang room ko sa gate. It was just on the left side building in the first row. Kaagad na akong nagtungo roon at nakitang wala pa namang lecturer kasi ang gulo-gulo ng mga upuan at nagkakalat ang mga classmates ko. Napanguso ako. Kung alam ko lang na late pala ang lec namin, e'di hindi na sana ako nakisabay kay Amara!

Nilibot ko muna ang paningin ko at nakita sina Riley at Wax sa bandang dulo, may bakanteng isa sa may bintana, siguro nilaan nila sa akin. They were talking to someone I am not familiar to, I guess they are making friends, Wax I mean. Riley hated the thought befriending with anyone.

"Naks, Nirene!" Rinig kong may bumanggit sa pangalan ko habang nasa pinto pa lang ako. Nahihiya akong pumasok kasi! It was a guy grinning looking at me, it was like he was glad to see me again. "Dito ba ang room mo?"

I nodded my head. "Yeah..."

Napatango-tango siya. "Buti naman. Pasok ka. Wala pa naman ang lec, e."

Tumayo naman si Wax para lapitan ako. He grabbed my hand and was about to drag me to my seat when he stopped, looking at my back. He was blinking like he didn't expect to see someone.

"Excuse me," sabi ni Amara at sumingit sa pinto. Mahina kong pinatabi si Wax nang hindi man lang siya gumalaw. I then shook my head and I dragged him instead back to his seat. Hindi pa man nakauupo ay mas umingay ang room nang pumasok si Amara. She then sat in front of us, umupo siya sa mesa at tinukod ang kamay sa malamig na glass.

"Amanda! Saan si Miss?" tanong ng isang kaklase namin.

"Kasama ko ba?" pasiring niyang ani sa babae kaya nagtawanan sila. Tapos ay humarap siya sa lahat, huminto pa ang mga mata niya sa akin ngunit kaagad naman umiwas ng tingin. "Binilin ni Tita na magbigay lang ako ng lessons sa inyo. Tomorrow, may test."

"Ha? E, may event nga!" reklamo pa nila.

"Hindi ko na problema 'yon."

My lips parted and sighed subtly. Tumingin ako sa labas ng bintana at nilaro ang pen sa baba ko. Her Tita? Tita niya ang lec namin ngayon? I never heard any of her relatives other than her parents. She didn't tell me about it.

Ano naman? Pake ko ba?

Nagsend si Amara ng file sa gc. I wasn't added yet. Magpapa-add na sana ako kina Riley since na-add naman na sila ng Pres kanina bago pa ako makarating. Pero natikom ko ang bibig ko nang makita ang notification.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon