42

16 0 0
                                    

"Sabi na nga ba, e!"

Sabay kaming napalingon kay Riley nang masaya siyang lumakad takbo patungo sa amin dito sa sala. I bit my lower lip and glanced at Wax. He caught me and he just smiled back, an awkward one. Umayos kaming dalawa ng upo at parehong natahimik.

"Pashare naman diyan. Para namang others neto. So, ano na?" usisa ni Riley at tumayo pa sa harapan namin. Sinuri pa kami nito na animo'y may ginawa kaming kasalanan na hindi namin alam. "Narinig ko kayo, ah. Sabihin n'yo na."

I hissed. "Dinig mo naman pala, e."

"Oo nga, pero alam mo 'yon? Gusto ko 'yong sinabi mo talaga mismo sa akin, hindi 'yong cause of me being marites. Sige na! Para may pakinabang naman ako bilang kaibigan. Tapos alam n'yo, may nagtatanong kung single raw ba si Wax kasi may planong -"

I cut her off. "Nah ah, liligawan na ako ni Wax."

Nanlaki ang mga mata niya at napatakip bibig. I didn't know how Wax reacted to my remarks since I did not look at him. "May ligawan stage pa? Almost two years na kayong magkakilala mga beh. Need pa ba 'yon? Parang ang lame, ah. P'wede nga diretso kasalanan na kaagad kayo, e."

My cheeks heated. "Tumahimik ka."

"Pero bakit nga kailangan pa niyang manligaw?" seryoso niyang tanong at umupo sa harapan namin. Tinignan ko si Wax na nakatitig lang sa akin. Umiwas siya ng tingin at umaktong may hinahanap sa paligid. I shook my head and chuckled a little. Nahihiya pa siya, ah.

"For me to fall for him," I simply said that made her caught off guard. "Don't get me wrong. I love him as my friend. But you know, he stood a chance. He is patient and understanding."

Napatango-tango si Riley. "Sabagay. Ang tapang ni Wax, ah. Almost two years ka niyang tiniis. You've been with Amara. Pero syempre, masakit din para sa kaniya 'yong sa inyo ni Chq kahit hindi man naging kayo."

Napalunok ako at wala sa sariling tinignan muli si Wax. He wasn't looking at us anymore. Naglalaro lang siya sa darili niya at tinapik-tapik ang tsinelas sa sahig. Saglit ko siyang tinitigan at hindi na niya natiis na tignan ako pabalik.

"Why?" He raised his brows when he met my eyes.

"Wala naman," iling kong sabi kaya tumaas ang kaliwa niyang kilay.

"Sure ka?"

"Yep."

"Masaya na kayo niyan?" asar ni Riley. "Ang awkward n'yo tignan mga tol. Ayos-ayusin ninyo naman para naman nakakikilig. Ilang masyado, e."

We both laughed. "Ikaw kasi ang epal, e," Wax fired her. Napailing na lang ako dahil mukhang mag-aaway na ang dalawa. Tumayo na lang ako at lumapit sa ref. Kumuha ako ng pineapple juice at umupo sa high chair sa counter. I could hear their arguments in the living room, making me smile.

Wax deserves better. I don't deserve a perfect man like him, and Riley do.

Maybe I will be a matchmaker of these two. I want to be the bridge for them to realize who they really want and who is meant for them. Hindi sa nagmamagaling ako kaysa sa tadhana, pero ramdam ko, e. Parang silang dalawa ang para sa isa't isa.

And that means I have no endgame. It's fine, though. As long as I am happy and contented.

"Pineapple juice?" Lumapit si Wax sa akin sa counter at kumuha rin ng juice para sa kaniya. "Are you good, Niae? Gusto mo ba munang mapag-isa?"

Tinignan ko siya at mahinang ngumuso. "Hindi naman. Napaiisip lang ako, e."

Tumaas ang kilay niya at umupo sa harapan ko. "Tungkol saan ba?"

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon