28

4 1 0
                                    

"Good morning!"

Nagulat kami sa malakas na boses na iyon galing sa may hagdanan. Mabilis na bumaba si Amara, she even slide herself beside the ladder and jumped over before she stepped against the floor. Ang laki ng ngiti niya sa amin habang nakasuot pa rin ng pajamas.

"You seemed so happy," Vlianca said and sipped on her tea cup with arrogance.

Natahimik ako. Si Amara ay lumapit sa amin at hinalikan sa pisngi sina Vlianca at George. Sa huli ay tumabi siya sa akin at hinalikan din ako, sa sintido. I felt awkward because they were looking at us, suspicious.

"Wanna know about it?" Amara grinned. Tumingin siya sa dalawa habang hinawakan niya ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa, pinisil pa talaga nito ang palad ko at nagsulat doon ng kung anong hindi ko naman makuha.

"Mind to share it?"

"Well," mas lalong napangisi si Amara. Hindi ko rin talaga alam kung bakit mukhang ang saya niya. Kagigising lang nito pero ano bang nakain niya habang natutulog? She might have dreamt of herself in a weird restaurant. O, 'di kaya ay nakapasok siya sa mundo ng Throlls at nakain niya si Princess Poppy.

"Ano nga?" si George na hindi rin makahintay.

"Well, Nirene is already my girlfriend."

Kaming tatlo, sabay na nagulat. My eyes widened and my lips parted, I even gripped on her hand tightly. What the hell? Pinagsasabi niya? "Excuse me? Who says?"

Napatingin naman ang tatlo sa akin. "Don't tell me you didn't remember it? Anyway, can I have a tea also?"

"Here." Binigay ko sa kaniya ang akin. "Pero gago? I mean, sorry for the cuss, Vlianca and George. But where did you get that news from? I wasn't informed."

She tsked. "Sabi mo kagabi, Nirene. You said "court me while I am already yours, babe". Don't you remember?" Ginaya pa talaga niya ang paraan ng pagkasasabi ko ng salitang 'yon kagabi. Natawa naman ako.

"What is it really?" Vlianca creased her brows. Kagat labi akong naiiling, pinipigilan ang sariling matawa nang malakas. "Are you awake dreaming, little dear Amanda?"

"No, Vlianca. She really meant it," asar na asar na ani Amara at uminom sa tea ko.

"Now you call me Vlianca."

"I am pissed! Nirene told me about it last night! Sabi niya, kami na. Pero bakit parang hindi naman?" parang batang ani Amanda at palihim na ngumuso sa akin. Pinigilan ko naman ang pagngiti ko.

"Uso kasi ang biro, Amara."

"Wow, nice joke. Natawa ako, sobra. Mga 1 percent."

"Oh, joke lang pala, e," si Vlianca. "Ngayon ka lang nauto. How's your ego?"

Hindi pinansin ni Amanda si Vlianca at tinignan ako ng kaiiba. "That thing has never been a joke, Nirene. Biro lang talaga 'yon? You were serious about that, I know. Do you want me to propose right now? Here?"

Nabigla ako. "S-Sorry. I wasn't expecting you to believe that."

She sighed. "Kainis naman!"

"Hey, don't be like that to your baby Niae," asar na naman ni Vlianca. "She will go to school later at 7, bring her there."

"No."

"Ha? Bakit? Sige, mag-j-jeep na lang ako," wika ko at nagkibit balikat. "You seemed tired. Magpahinga ka na lang dito."

"Nirene naman! Tinatanong ko kasi kung biro lang ba talaga 'yon? Kasi kung oo, hindi magandang biro kasi napaniwala mo ako. Nakangiti pa akong natutulog, tapos gano'n lang? Naks, galing mo naman."

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now