10

12 3 0
                                    

"Ayos ka lang ba?"

Tinignan ko si Wax nang mapansin niya ang reaksyon ko. He was raising his left brows, and the side of his lips were arched. Para niya akong kinikilatis nang dahil sa ekspresyon ko. Bakit kasi roon pa naupo si Chq kung p'wede namang sa tabi ko na lang? Tsk. Malamang, ayaw na niya sa akin. Alam ko namang madali akong pagsawahan.

Malamya akong tumango. "Oo."

I once again glanced at Chq and she was busy having a conversation with her other friends. She was even laughing. Looking so happy, huh? Edi wow sa kaniya. Riyan na siya kung ayaw niya sa akin.

After we took our snack, we went out of the cafeteria. Sumunod sa amin sina Chq. Nauna naman kami ni Wax sa kanila. Babalik daw sila sa gym, e. Ang iba ay hindi na babalik kasi boring daw. Pero si Chq, babalik daw kasi may target na babae roon.

Tangina niya.

I was expecting her to look at me before she will go back to the gymnasium, pero hindi pa rin niya ako tinitignan. Gusto ko siyang tawagin at kuhanin ang atensyon niya pero para ano pa?

Well, I shouldn't give a fuck.

"Wala lang siguro sa hulog 'yon," said Wax as they left us in the quadrangle again. 'Yong iba, lumabas na sa campus para tumambay sa kalapit na tindahan.

"Kita ko nga," I agreed to what Wax said. Bakit ako maapektuhan doon? Wala lang naman 'yon. Hindi niya responsibilidad na pansinin ako ano mang oras na gusto ko. Attention seeker lang ako. Wala nang ibang ibig sabihin no'n. Gusto ko lang ng atensyon, kahit man lang galing sa kaniya.

"Masakit?" tanong niya na hindi ko inaasahan. Umiling lang ako bilang pagtanggi. Hindi naman. Bakit ako masasaktan? Nakawawala lang ng gana.

Matapos ang isang oras ay hindi ko nakita si Chq na lumabas man lang. Hindi ko siya nakikita. I roamed my eyes around just in case to see her, but then again, she cannot be seen. Saan na ba ang babaeng 'yon?

Time passes by, wala pa rin siya. Hanggang sa matapos ang event, alas singko sa hapon. Saka ko lang nakita si Chq na lumabas mag-isa. May kausap siya sa phone niya at kasalukuyang naglalakad patungo sa kung saan. I wasn't able to call her because she seemed in a hurry.

"Susundan mo ba?" tanong ni Wax nang akma na akong tatayo. Natigilan naman ako at hindi nakasagot nang agad-agaran. "Samahan kita. Baka mapaano ka pa riyan."

I snorted. "'Wag na."

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Malay mo, jowa niya 'yong katawagan niya."

Bahagya akong natigilan. "Jowa?" May jowa siya? Bakit hindi ko alam 'yon? Taena, seryoso nga?

He smiled bitterly. "Hindi mo alam? They've been together for months already. 2 months to be exact."

Naglapat ang mga labi ko, hindi maiwasan ang gulat. Umayos ako ng upo sa upuan ko at hindi magawang tignan si Wax. 2 months? Matagal-tagal na. Wow, ah. Wow sa kaniya. Wow kay Chq.

"I thought she told you about that," bumuntong hininga siya. "Hindi naman siguro 'yon sikreto, 'di ba?"

I chuckled. "Bakit naman 'yon magiging sikreto?"

"I don't know? I thought you knew about it. You seemed hurt, Niae. Pasensya na," he sounded apologetic. Tinignan ko siya nang may ngiting nakapaskil sa labi ko. Bakit ako masasaktan? Nabigla lang ako. Hindi ko inaasahan 'yon.

"I don't like her that much, tho." Nagkibit balikat ako.

"I don't believe you," he then shook his head. "But don't worry about it. Chq don't stay long in a relationship. Hindi siya nagtatagal ng tatlong buwan. I can help you with her."

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now