09

11 3 0
                                    

"Tayo lang dalawa."

Inis kong sinara ang bintana ng bahay at hindi tinapunan ng tingin si Chq. Ang kulit naman kasi niya! Naglakad ako patungo sa kusina ngunit sinundan niya pa rin ako. Saan man ako pupunta ay susundan niya talaga ako dahil hindi siya papayag na hindi lang ang isasagot ko sa anyaya niya.

Sunod kong pinuntahan ay ang restroom. "Oh, pati rito?" Tinignan ko siya. "Sasama ka ba sa loob? Tigilan mo nga ako."

She tsked and scratched her nape. "Last month ko pa 'tong plano," sabi niya at umiwas ng tingin. Tapos ay nagkibit balikat siya. "Pero sige, kung ayaw mo naman. Ayaw kitang pilitin."

I laughed mentally. She doesn't want to force me? E, kagabi niya pa nga ako kinukulit, e! Gusto niyang sumama ako sa outing nila ng mga kaibigan niya. She then changed her mind when I told her that I don't want to go with anyone. Sabi niya, kami na lang dalawa. E, mas lalo akong tatanggi niyan. Nakaiilang kung siya lang ang kasama ko. Mabuting manatili na lang sa bahay.

I bit my lower lip. "Ayaw ko nga sabi," I said in conviction and went inside the restroom. I am not going to use the CR so I just washed my face. Wala naman kasi akong gagawin dito, gusto ko lang na huwag na akong sundan ni Chq.

Sumilip muna ako sa awang ng pinto upang tignan kung nasa labas pa ba si Chq at buti naman ay hindi ko siya nakita maski anino niya. Dahil kung nandiyan pa siya at hinihintay akong lumabas, hindi ako magdadalawang isip na sakalin siya.

I sighed in relief when I get out from the restroom. Pero napatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng yabag palapit sa akin. I held my chest to calm myself down. Good thing it was Jax with his usual poker face. Sungit ng batang 'to. Isang beses lang yata niya akong kinausap sa loob ng isang buwan at linggong pananatili ko rito. I just remembered him greet me with a simple hi.

"Hi?" I waved my hands at him. Kunot noo niya akong nilingon at pilit na ngumiti.

"Hi," bati niya pabalik. Sobrang peke ng ngiti niya. Nilampasan na niya ako kaya napangiwi ako. Bumalik na ako sa k'warto ko at nagpahinga. Tomorrow will be a tiring day since there is an event in the school.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa bahagyang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad akong nagdilat ng mga mata at napatitig sa kawalan. Wala pa akong gana na bumangon. Para nga akong tinamad na pumasok sa school ngayong araw.

"Niae." Nakarinig ako ng isang katok mula sa labas ng kwarto ko. I looked at the door and saw it close. Hindi binuksan ni Chq. "Niae, gising ka na ba?"

Hindi ako sumagot at nagtuklob na lang ng unan sa mukha. I closed my eyes again and tried to take a nap for five minutes. Pero wala pa mang limang segundo ay muling kumatok si Chq.

"Niae, balik ako rito mamaya. Maghahanda lang ng almusal."

I sighed and put the pillow off. Pinakinggan ko lang ang yabag niyang papalayo sa k'warto. Muli ay tumitig ako sa kawalan. Babangon na ba ako o hihilata muna rito? Nah, it's already six in the morning. Class starts at seven.

I decided to get up and prepare myself. Naligo na ako at bumaba nang nakasuot na ng uniform. I also wore a hoodie because it is cold, maaga pa kasi. "Oh, kanina ka pa pala gising?"

I looked at Yaya Beth. "Opo. Magandang umaga."

"Ganda mo raw sa umaga, Ate Niae!" humirit bigla si Indi. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napangunguso siyang tumingin kay Chq na nasa tabi niya lang at nakasandal sa sink, umiinom ng kape. "Sabi niya."

My cheeks heated and looked at Chq. The side of her lips were rose, looking away from me. Bahagya niya pang sinaway si Indi na para bang sikreto lang sana nila 'yon pero sobrang talas ng bibig ng bata. She even kicked Indi's foot lightly!

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now