50

6 1 0
                                    

Tumitig ako sa bawat patak ng ulan na bumabagsak sa labas. Through the glass window, I could feel my chest heaving. Bawat bagsak ng butil ng ulan, bumibigat ang nararamdaman ko. It was just that rain is too open to let me feel down when they are around. Para bang gusto nitong pagmasdan ko at alalahanin ang mga pangyayari ng nakaraan.

I bit my lower lip and leaned my chin over my knuckles, elbow in the table. Tahimik akong bumuntong hininga. Kailan kaya titila ang ulan? Gusto ko nang makauwi, e.

I heard my phone vibrated. Tinignan ko 'yon at nakita ang text ni Riley.

Riley:
Gago huhu ba't kasi di ka na lang sumama

Napanguso ako. Nang uwian kasi, nauna sila sa labas dahil may tinapos pa akong essay. Kailangan kong ipasa 'yon kay Miss Hernandez bago pa mag-uwian dahil nakatulog ako kanina. Buti na lang at hindi ito nagalit sa akin. Grabe, unang araw ko rito tapos tutulugan ko lang ang klase? Ayos din, e.

I typed a reply to her.

Nirene:
Una na kayo, may payong naman ako rito e

Riley:
Babalikan ka namin

I hissed. I told her that there is no need. Medyo lumalakas na rin ang ulan at kumukulog. I insisted that they should go home and I will follow immediately. Wala silang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin, pero ewan ko kay Wax, papunta raw dito para sunduin ako.

"Ako na magbibigay." Nabigla ako nang may boses na sumulpot. Akala ko ako lang mag-isa sa loob ng room, e! Lumabas naman na kasi ang lahat lalo na at madilim na.

It was Amara.

"Huh?" I asked innocently.

"Ako na magpapasa kay Miss Hernandez," aniya, mas klaro ngayon. Kaagad naman akong umiling at umiwas ng tingin sa kaniya. Bakit siya? Paper ko naman 'to, e. At saka, bakit hindi pa siya umuuwi?

"Ako na," I said. "Ano, uh, hihintayin ko lang ang pagtila ng ulan..."

"Bukas pa 'to titila," kontra niya at sumandal sa pader. Pinasadahan niya pa ng daliri ang blonde niyang buhok. "You stay here waiting for nothing? Let me."

Tigas talaga ng ulo. Tumayo na lang ako at inayos ang nga gamit ko. I also get my umbrella. Buti na lang talaga at naka-hoodie ako, saktong maulan. Naglakad ako patungo sa pinto at bago lumabas, binalingan ko siya na nakasunod lang ang tingin sa akin.

"This is my paper, not yours," sabi ko at naglakad na palabas. Ngunit natigilan ako nang may pahabol siyang sigaw.

"Can I go with you?!"

I felt my throat dry. Tinignan ko siya at wala sa sariling tumango. She licked her lower lip upon seeing my approval, then she started to walk fast towards my area. Hindi ko na siya hinintay pa at nagsimula na ulit maglakad. I don't know what came up her mind and she walked with me. It felt awkward.

Bumaba kami ng building nang walang nagsasalita pareho. Binuklat ko naman ang payong ko nang oras na para sumulong kami sa ulan na nagbabagsakan. Hindi naman kalayuan ang office ni Miss Hernandez pero paniguradong mababasa kami.

Dahil hanggang balikat lang niya ako, tumama ang ulo niya sa payong. I looked up at her to apologize but I was mesmerized as she was lowering her gaze down at me.

"Ako na," sabi niya at kinuha ang payong sa akin. With just the little touch of our skin, I felt electricity gushed my system. Umiwas na lang ako ng tingin an hinayaan na siya sa gusto niyang gawin.

Akma na akong maglalakad nang hawakan niya ang kamay ko. I was about to ask but she just dragged me next to her, then she snaked her left arm in my shoulders so I could get in under the umbrella. 'Yong masisilungan ako at hindi mahihipuhan ng ulan.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayWhere stories live. Discover now