25

6 1 0
                                    

"Are you guys just fine?"

Napatingin kaming lahat na tulala pa rin sa nangyayari sa aming likuran. Mas lalo naman akong natigilan nang makita si Amanda na kunot ang noo sa amin. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero ni hindi man lang ako makagalaw. Gulat pa rin ako.

The man, Kianna's ex-boyfriend kept on crying silently while Wax is holding him in place. Kapwa hindi namin alam ni Riley kung paano patigilin at paamuhin si Wax dahil galit na galit talaga siya na parang gustong manakit ng maraming tao.

"Nirene, come here. Let's go home."

Lumapit si Amanda sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napalunok naman ako at tinignan sina Wax. Natigilan din sila sa ginagawa dahil lang sa pagdating nitong babaeng 'to. Kaagad na napabitaw si Wax sa lalaki at igting ang mga pangang umiwas ng tingin sa amin.

"Joaquin, uiwi ko na si Nirene. Una na kami."

"Sige —"

"I can't leave them here like this," bulong ko kay Amanda. Hawak na niya ang kamay ko at handa na akong hihilahin. Napailing naman siya. By the way, she is wearing a polo shirt and a pricey pants. Sabi nga niya, galing siya sa meeting.

"You can, Nirene. Magkagugulo lang sila."

I could feel Riley gripping on my other hand. Takot din siya at hindi alam kung aalis na rin ba o hindi. I bit my lower lip and looked at them. Nagpunas naman ng luha ang lalaki at walang pasabing umalis. Sinundan namin ito ng tingin at nang maglaho ito sa aming pananaw, nagkatinginan kami at napabuntong hininga.

"Sorry sa nasaksihan n'yo," mahinang ani Wax, pulang-pula ang mukha. "Nawala lang ako sa sarili ko."

"You... you just really care for Kia," I uttered and looked at Riley inwardly. "Hatid ka na namin sa inyo, Riley. Saan ba ang bahay n'yo?"

"Hindi. Ako na maghahatid sa kaniya," singit ni Wax na umiling pa.

"U-Uh, 'wag na... Malapit lang naman ang b-bahay namin, e. Bahala na ako sa sarili ko." Hindi kami nakinig sa sinabi niya. Hindi siya nararapat na umuwing mag-isa dahil baka kung ano pa ang mangyari. Ang hinhin pa naman nito.

"Saan ba ang bahay n'yo?" I asked her. Nag-aalinlangan niyang sinabi ang address niya sa akin. Madadaanan naman namin ang bahay nila kaya sinabi kong sumabay na siya sa amin ni Amanda. Nagpaalam kami kina Wax at Kia bago kami lumabas sa bahay nila.

"Niae, ayos lang talaga ako," nahihiyang usal ni Riley at hindi makatingin sa akin. Si Amanda ay tahimik lang na sinusundan kami, hawak ang susi na nilalaro sa kaniyang mga daliri. "Nakahihiya talaga... Sa tricycle na lang ako, kay manong suki."

I shook my head. "Sumabay ka na lang. Madadaanan naman namin ang bahay n'yo, e."

"E, baka hindi ayos sa kaibigan mo..."

"Nah, it's just fine. Let's just not waste our time here." Nauna na si Amanda na sumakay sa motor at binigay sa amin ang helmet. Dalawa lang ang helmet niya at pinahiram niya ang sa kaniya kay Riley. Mas lalo tuloy natikom si Riley.

Tahimik kaming bumyahe. Yakap ako ni Riley mula sa likuran dahil natatakot siya. Paano, ang bilis ng takbo ni Amanda. She can't even slow down, kahit na takot na 'yong kasama niya ay wala siyang pake. Kulang na lang ay ibangga niya ang motor sa puno, e. O, 'di kaya'y ipalipad niya ito.

"Salamat po," 'yon lang ang nasabi ni Riley nang makababa matapos mahubad ang helmet niya. Pilit siyang ngumiti sa amin. I didn't have time to talk to her even just for a second because Amanda started the engine already. I just waved my hands to Riley apologetically. Nang makalayo na kami ay mahina kong kinatok ang suot na ngayong helmet ni Amanda.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora