24

9 1 0
                                    

"Salamat sa paghatid."

Hinubad ni Amanda ang helmet sa akin nang makababa na ako. Ngumiti naman siya. She was about to give me a kiss but then, she realized that I am still not in the mood to get along with her. I really want to play with her. Kahit na gusto ko siyang yakapin ay hindi ko na muna gagawin. Pareho kaming nagtitiis dito.

"I will go back here when your class ends. May lakad kasi ako kaya diretso ako rito mamaya. I have your schedule, tho. You can't get away from me."

Kumunot ang noo ko at inayos ang aking knapsack. Alam niya ang schedule ko? At may lakad siya? Saan? I want to ask her that but she might say that I am too nosy. Malamya na lamang akong tumango at akma nang tatalikod nang pigilan niya ako, hinawakan ang aking kamay.

"Wouldn't you ask where?"

"Huh?"

"May lakad nga ako."

I bit the insides of my cheeks. This woman. "Saan?"

Napabuntong hininga siya, medyo naiinis na dahil sa inaakto ko. Well, not that she is annoyed. She just can't get through this well. "Nirene, pumasok ka na lang doon. Susunduin kita mamaya, ha? Hintayin mo ako."

I nodded my head. Bago niya bitawan ang kamay ko ay marahan muna niyang hinalikan ang likod ng aking palad. I almost lost my mind but I just stayed still. She smiled once again and let me go.

"Bye. Pasok na ako."

"Yeah, good luck."

Hindi ko siya nilingon habang papasok na ako sa loob. Ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin kaya binilisan ko ang aking lakad. I felt awkward especially that most of the students who saw us in the parking lot were observing me. I won't deny, the way they look at me, it was something that kills someone.

"Niae!" Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Riley. Lumingon ako kung nasaan siya. Kapapasok niya lang sa campus at tumatakbong lumapit sa akin. "Hi, good morning! Sino 'yong kausap mo kanina?"

"Morning," bati ko pabalik bago sagutin ang tanong niya, "Kaibigan ko, si Amanda."

Humihingal muna siyang yumuko, ang dalawang kamay ay nakatukod sa tuhod. Kinuha ko naman ang water bottle niya sa kaniyang bag at inabot iyon sa kaniya. Grabe. Alam naman niyang may asthma siya, e. Tumakbo pa talaga nang mabilis para mahabol ako.

"Sorry. Pero kaibigan mo lang ba 'yon?"

Tumango ako at pinanood siyang inaayos ang kaniyang sarili. Huminga muna siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Once she calmed herself, we started to walk together.

"Kaibigan mo lang? E, bakit hinalikan niya ang kamay mo?"

Ngumuso ako at hinawakan ang strap ng aking bag. "Gano'n lang kami. Sweet kasi siya, e." I am not denying Amanda to her. Magkaibigan lang naman talaga kami, ah? We act like we were lovers but there is no assurance.

"Wow," tumawa siya. "Alam ko namang bisexual ka. So, ano nga? Anong mero'n sa inyo?"

"Wala naman. We just love each other as a friend."

"Ah, 'yon lang? Grabe. Naiintindihan ko namang ayaw mong sabihin ang totoo kasi ayaw mong pangunahan ang panahon. Pero alam mo, sobrang ganda niya. Ano nga ang pangalan no'n, Amanda?"

"Oo, Amanda."

Napatango-tango siya at ngumiti sa akin. The way she talk to me, it was like she is already comfortable having conversation with me. Mabuti nga 'yon. Kesyo naman sa magsasalita siyang nagkandauutal-utal. I am also a shy type of person but not worse as her. Some people think that I am an angel but a demon is lurking inside me.

Unify Series #3: Verdicts of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon