PROLOGUE

818 12 3
                                    

PROLOGUE.

The Start.

After months that I thought it's years for me. I am finally back in my place.

"Savannah!" napatalon ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko. And there I saw my bestfriend, waving her hand to me. "Oh my God! Oh my God! Nakabalik ka na talaga!" sigaw niya habang tumatakbo patungo sa akin.

Binuksan ko ang magkabila kong braso para salubongin siya ng napakainit na yakap. "Dianne! I missed you!" I said and hugged her so tight.

"Namiss ka rin namin!" we faced at each other. Kinurot niya ang pisngi ko. "Kamusta ka na? Ano bah 'yan. Grabe! Mas lalo ka yatang gumanda! Nagdala ka man lang sana ng isang balde ng tubig dito para naman magamit ko at gumanda ako lalo!" barumbadong aniya.

Marahan akong natawa. "Baliw ka talaga," sabi ko. "Ikaw lang bah? Akala ko bah sasama sila Mama sa 'yo?" kumukurap-kurap na tanong ko.

Umasim ang ekspresyon ng kaibigan ko. "Inakala ko nga rin eh pero inuna pa yata ng Mama mo ang birthday ng echosera mong kapatid," siniko ko siya para pigilan. "Ano? Totoo naman ah! Halos isang taon kang nawala para magtrabaho sa ibang bansa tapos hindi ka man lang sasalubongin pagbalik mo! Aba! Kung ako sa iyo, pagsusuntokin ko talaga sila!" umakto pa siyang manuntok.

"Dianne..." saway ko. Malungkot akong ngumiti. "Hayaan mo na. Isusurpresa ko na lang--"

"Ay naku! Bakit susurpresahin mo pa? Alam na nila na nakauwi ka na!" napanguso ako. "Kung ako na naman sa 'yo! Tayo nalang ang magcelebrate. Pagkatapos mo silang padalhan ng pera kada buwan, wala man lang ni isa sa kanila na sumama sa 'kin dito para salubongin ka kaya sa condo nalang tayo dumiretso." hinila niya ang isa sa mga luggage ko at tinawag na ang taxi na nirentahan.

Bumuga ako ng hangin at pinilit ang sarili na ngumiti. Habang papasakay sa sasakyan ay napalingon ako sa airport. I bit my lower lip as I remember how I worked hard in Spain to earn some money.

While in the middle of road, siniko ako ni Dianne para kunin ang atensyon ko.

"Palagi kang hinahanap ni Maxi sa akin," imporma niya. "Palaki nang palaki ang anak mo, gumaganda lalo kagaya mo! Hay naku! Sana all nalang talaga ako 'noh?"

I laughed. "You are still young, Dianne so take your time finding the right guy for you." sabi ko at tiningnan ang mga pictures na nakuha niya sa anak ko.

Maxi looks like me when I was a kid but we have different shade of eyes. Kulay itim kasi ang sa akin samantalang sa kaniya ay light brown. She looked like an American because of her natural freckles. May freckles din naman ako pero mas nakuha niya ang ganitong features sa side ng ama niya.

'Di nagtagal ay nakarating kami sa condo ni Dianne. My baby angel immediately ran towards me. She really missed me. Umiyak pa nga siya nang mayakap niya ang tuhod ko. Muntik na rin tuloy akong mapaiyak.

I carried her. "Mommy is already home, baby. Kamusta ka? Ha?" bulong ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Ah! Sav, mag-oorder ako ng dinner natin. Ikaw magbayad ah?" tamad kong tiningnan si Dianne at kinindatan niya lang ako.

Binaba ko ang anak ko para ipakita sa kaniya ang mga laruan na nabili ko. Her eyes twinkled when she saw alot of toys. She's turning 4... Ang bilis ng paglaki niya pero sa sobrang bilis ay nangangamba ako na baka hanap-hanapin niya ang kalinga ng isang ama.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan na lamang si Maxi na tuwang-tuwa na sa paglalaro sa mga laruan na dala ko galing Espanya. I caressed her curly brownish hair and thought if Mama visits her here oftenly.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now