Thirty

242 5 1
                                    

Chapter 30.

I Want.

Agad kong hinabol sina Papa pero si Papa ang nilapitan ko. I held his arm and he seriously looked at me. "What?" he asked.

"Please don't hurt him..." mahinang sabi ko.

Tinitigan niya ako. "Why would I hurt him?" I slightly gasped and bit my lower lip. "May rason bah para saktan ko siya, Ellie?" sinulyapan ko si Carson na nanonood na sa amin ngayon. "Sinaktan ka bah niya? Sabihin mo ang totoo."

Kaagad akong umiling at niluwagan ang paghawak sa kaniyang braso. He gently pushed my hand and gave me a meaningful look. Nilagpasan niya ako at nang si Carson na ang dumaan sa harapan ko ay nginitian niya ako.

"I'll tell him the truth," he said.

My mouth dropped on what I heard. Gusto ko pa silang habulin pero tinawag na ako ni Sebastian. Kinakabahan ako at hindi mapakali.

Masama kung magalit si Papa... Hindi ko pa man nakita kung paano siya magalit, naririnig ko lang kay Sebastian. Hindi ko mahawakan nang maayos si Maxi sa kaba.

"Ellie?" napalingon ako kay Tita Mina. "Are you okay?"

"Kinakabahan po ako para kay... Carson," pagsasabi ko ng totoo. "Ngayon ko lang kasi nakita si Papa na naging ganoon kaseryuso..."

Nilapit niya ang kaniyang upoan sa akin. "Don't worry. Nothing is gonna happen bad to him," she gave me an assuring smile and even held my hand. "Trust me, Ellie. Kakausapin lang ng Papa mo si Carson."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. She slightly squeezed my hand and smiled wider. Gutom na si Papa, kanina niya pa iyon sinasabi pero dahil sa kaniyang nalaman ay halatang nawalan siya ng gana. What will he do to Carson? Kakausapin niya bah ito? Papagalitan?

Hindi talaga ako mapakali. Si Shealtiel na mismo ang nagpakain sa anak ko na tawa lang nang tawa sa tabi ko.

My brothers were quiet and their silence is making me more nervous.

"Kumain ka pa nang marami, Ellie." 'di ko napansin na nilagyan na pala ni Tita Mina ng pagkain ang pinggan ko. "Oh! Your bestfriend is already here!"

Namilog ang mata ko at napatingin sa kaibigan ko na cool na cool lang na naglalakad patungo sa kung saan kami nakapuwesto. She was even smiling and when she saw my expression, napawi ito.

Tinanong niya ang dalawa kong kapatid na tahimik.

"Anyare dito uy?" nagtatakang tanong niya. "Tita, napa'no itong mga anak mo?" si Tita Mina naman ang tinanong niya.

"Dianne..." tawag ko sa kaniya at nabaling nga ang atensyon niya sa akin. 

I stood up to pull her. "May problema, Savannah? At nasa'n si Tito--"

"Alam niya na ang tungkol kay Carson..." putol ko sa sasabihin niya. Her eyes widened in fraction, nalaglag din ang kaniyang labi. "Natatakot ako sa magiging usapan nila. Alam mo na hindi ko pa nakitang nagalit si Papa dahil ayaw niya itong ipakita sa 'kin... at kanina... kanina, nakita kong galit siya no'ng sabihin ko na si Carson ang ama ni Maxi-- hindi ko na alam ang iisipin ko ngayon, Dianne. Napapraning ako."

She tapped my shoulder. "Relax ka nga," aniya. "Hindi naman titigain ng Papa mo si Carson. Kakausapin niya lang." umiling ako.

"Pero feeling ko hindi ganoon ang mangyayari..."

"Ano tingin mo sa Papa mo? Basagulero? Bubugbogin si Carson?" napanguso ako. "Karapatan niya naman talagang magalit kay Carson dahil wala siya no'ng pinagbubuntis mo ang apo niya. At kung ano man ang magiging usapan nila, makakabuti iyon para sa inyo ni Maxi."

I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon