Four

209 6 0
                                    

Chapter 4.

Gusto Kita.


"Ano?! Nabagok bah 'yang ulo mo, Savannah? Anong 'may nagugustohan'?! Eh ang bata-bata mo pa!" niyugyog niya ako at nakangiwi akong tinitigan. Patuloy lang ako sa pag-iyak. "Huy! Baka nakakalimutan mong 12 years old ka pa lang at magti-trese pa sa susunod na taon! Jusko!"


I covered my whole face using my palms and cried more.


Nagpa-panic na talaga si Dianne at hindi na alam kung ano ang gagawin. She pulled me inside to our house. Naghanap siya ng tubig sa kusina saka ibinigay sa akin.


"Sino bah kasi iyang nagugustohan mo?" tanong niya. "Si Aaron bah? 'Yung nerdy na kaklase natin?" umiling ako at napasinghap naman siya. "Don't tell me si Justin?! 'Yung mataba na medyo gwapo?"


Mas lalo akong napailing. Kumakalma na ako. "Ayaw kong sabihin... n-nahihiya ako," sambit ko at inubos ang tubig sa baso.


"Baliw ka talaga! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo! Pinakaba mo akong gagi ka!" hinampas niya ang braso ko. "Lalaki lang pala ang problema. Alam mo? Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganoon! Ano naman kung may ibang gusto ang gusto mo? Eh ang dami pa namang lalaki diyan na pwede mong magustohan. Ikaw talaga! Ang dapat mong iyakan ngayon ay kung mami-maintain mo bah ang grades mo sa second year!"


She got the point but still, nasasaktan pa rin ako sa nakita kanina. Masasabi kong bagay na bagay sila ng babaeng iyon... pero kung mas matanda lang ako ng limang taon... siguro ay bagay din ako para kay Kuya Carson.


Tuluyan akong kumalma at napatitig kay Dianne na nagsasalita na ng kung anu-ano para hindi na ako umiyak.


Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang araw ng recognition ko sa grade 7. As expected, no one came for me at sina Lolo at Lola na naman ang dumalo. Ang dami kong natanggap na awards at kahit isang ngiti man lang sa kanila ay hindi ko nakita.


"Congratulations sa iyo, hija!" ang Mama ni Dianne ang bumati at napangiti naman ako. "Naku! Ang ganda-ganda mo talaga ngayon! Pwede bah kitang maimbita sa bahay namin?"


Napatingin ako kay Lola. "Ayos lang sa akin basta't mahahatid ka sa bahay," striktang aniya.


My smile widened at sumama na kila Dianne. She looked so happy while clinging her arms to mine. May kaunting salu-salo sa kanilang bahay at mukhang sinabihan niya ang kaniyang Mama na imbitahin ako.


When we reached to their house, parang may fiesta dahil sa mga banderitas sa buong lugar. Graduation din kasi ng kaniyang pinsan at hindi ko inaasahan na ang dami nilang bisita. Akala ko bah kaunting salu-salo lang? Parang pambuong bayan ang mga nakahain na pagkain sa mahabang lamesa.


I'm wearing a white dress at nakalugay ang maikli kong buhok.


"Ganda naman ng kaibigan mo, Ruth! Pakilala mo naman kami!" napalingon ako sa tatlong pinsan na lalaki ni Dianne na nakangisi na sa akin.


Bigla akong nailang.


"Sapak gusto n'yo makilala?" pambabara ni Dianne. "Twelve years old pa lang iyan kaya hindi pwede! Magsialis na kayo! Ang babaho ninyo!" dagdag niya.


Patago akong natawa. Nang makalapit siya ay inakbayan niya ako. "Kuha ka lang ng pagkain, alam kong gutom ka. Ang mga asungot kong pinsan, gusto ka makilala pero ayaw ko." bulong niya. "'Yung may mahabang buhok, si Kuya Terrence iyon at ang kambal niya na si Kuya Tristan. Tapos 'yung isa ay kaedad ko lang, si Jacob."


"A-ayaw ko ring magpakilala... natatakot ako sa kanila," pag-amin ko.


"Sino bah naman kasi ang hindi matatakot sa mukha nilang adik?" sarkastikong sabi niya.


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now