Thirty- Five

227 5 2
                                    

Chapter 35.

Pool.

Tahimik kami habang nasa byahe. Nawala na ang kaba ko dahil sa nangyari kanina pero panibagong kaba naman ang nararamdaman ko sa pananahimik ni Carson na nagmamaneho.

Binigyan ko ng oras ang sarili na tingnan ang cellphone. I saw 5 unread messages and 2 missed calls. Lahat ng iyon ay galing sa kaniya.

"You'll be staying with me for the rest of the day," pinatay ko ang cellphone at tiningnan siya.

"Ano? Hindi ako pwedeng umabsent--"

"Puwes pwede sa akin," my eyes widened a bit by his firm statements. Saglit na nagsalubong ang dalawang kilay ko at napansin niya iyon. "I'll call your Boss if that will make you fine."

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong maiinis lang siya kung magmamaktol pa ako. Ini-imagine ko na kung magtatrabaho ako ay paniguradong may nag-aabang na mga reporters sa labas ng agency namin. Mukhang sasang-ayon nalang yata ako sa naging desisyon ni Carson. He's just thinking for my safety.

Nakarating kami sa kompanya niya. Diniretso niya ang kaniyang kotse sa madilim na bahagi ng parking lot. Pagbaba niya ay bumaba rin ako. I gripped a hold on my bag as I watched him getting his things.

At nagtama ang mata namin nang sinarado niya ang pinto.

Umiwas ako ng tingin, kunwari may tinitingnan sa kung saan. I heard him sighed heavily.

"Are you mad?" he asked and I immediately shook my head. "Then why are you rolling your eyes at me?" marahan akong napasinghap.

"Hindi ako umiirap," depensa ko.

Naglakad siya palapit sa akin kaya bahagya akong napaatras. I looked at him and my heart raced when he stared at me. Inagaw niya ang dala kong bag at hinawakan ako sa kamay.

Para akong nakuryente sa biglaang paghawak niya sa 'kin. I feel like I am going to lose my balance because my knees went weak.

I let him pull me towards to the elevator.

Akala ko ay bibitawan niya na ako pagpasok namin pero mas lalong naghuramentado ang aking puso nang hindi niya ako binitawan.

"P-pwede namang... ako na ang magdala ng gamit ko," I really stuttered as I said it.

"Nah, it's fine."

"At a-ano... 'yung kamay k-ko," gusto kong magpalamon sa elevator nang mas lalo akong mautal.

He cleared his throat. "You should be use to this," bakit ang kalma niya kung magsabi ng ganito?! Samantalang ako ay parang kukonin na ni Lord sa pagiging abnormal ng puso ko!

I tried to catch my breathe but when he tightened his hold to my hand, I couldn't make it!

Magpapasalamat na sana ako nang makarating kami sa floor ng office niya pero dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, hindi na talaga ako mapakali. Hindi ko naman magawang hawiin ang kamay ko lalo na't gusto ko rin na hinahawakan niya ako.

"Sir, may pinadalang email si Mr. Chin sa inyo..." naputol sa pagsasalita ang secretary ni Carson nang makita ako. "Good morning, Ma'am." she formally greeted while bowing her head and stood up properly.

"G-good morning..." naiilang na tugon ko.

"I'll check his email later, Trina. Any other appointments for today?" Carson asked.

Ngumiti ang sekretarya niya at umiling. "Wala na po, Sir." aniya saka binaling ang tingin sa akin. "Congratulations po ulit sa inyo, Ma'am." my cheeks burned when she smiled at me.

I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon