One

520 11 0
                                    

Chapter 1.

Totoo.


"Tara na!" sigaw ng kaibigan ko habang hinihila ako pabalik sa building namin. "Ano bah iyan! Bakit bah ang tagal mong makalakad?!" napatalon ako sa biglang pagtaas ng boses niya na animo'y nagagalit.


She let me go. "Teka... 'yung sapatos ko--" bago ko pa matapos ang sasabihin ay iniwan na nila ako.


Napabuga ako ng hangin at napatingin sa sapatos kong nasira. Hindi ko alam kung bakit nasira. Ang alam ko ay iniwan ko ito sa locker habang sinasagawa ang P.E. subject namin. Gusto kong umiyak dahil paniguradong papagalitan na naman ako nila Lolo at Lola. School shoes ko ito na bigay ni Papa noong Pasko kaya hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung bakit ito nasira.


Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumalik na sa locker room para 'yung rubber shoes nalang ang susuotin ko. Kaysa naman magtiis ako sa sirang sapatos?


Bahala na kung papagalitan na naman ako. Kahit wala naman akong ginagawa ay pinapagalitan pa din nila ako kaya ano pa ang gamit kung matatakot ako? Pero mabuti na at hindi sila masyadong marahas sa akin. May natatamo nga akong sugat minsan pero ayos lang.


"'Yung mga kaibigan mo ang gumawa niyan," ilang beses akong napakurap sa sumulpot na babae sa harapan ko.


I looked up to her and I find her familiar. Kaklase ko siya! 'Di pa nga siya nakapagbihis ng uniform dahil naka-P.E. pa siya.


Tumayo ako nang maayos. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.


Umirap siya at tinuro ang sirang sapatos ko na nasa loob na ng locker. "Ang mga peke mong kaibigan ang sumira nito," muli siyang umirap bago pinagkrus ang dalawang braso. "Nakita ko sila."


Marahan akong natawa. "Wala ka namang ebidensiya--" marahas niyang binato ang kaniyang cellphone sa akin na nasalo ko kaagad.


"Try mo tingnan 'yan at sabihin mo sa pagmumukha ko na hindi pa rin sila iyan," napakurap-kurap na naman ako.


Sumikip ang dibdib ko nang makitang sila Trisha nga ang nasa video. They are laughing while breaking my school shoes. May sinasabi pa sila na wala silang pakialam kung iiyak bah ako o hindi dahil alam nilang hindi ko ito malalaman.


While watching the video, a lone tear slid down to my cheek. Pinunasan ko ito at nakayukong sinauli ang cellphone kay Dianne. Kahit ilang beses man akong makipagkaibigan, ayaw pa rin nila sa akin.


Hindi ko napansin na bina-backstab na pala ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. And that's my big mistake. Napakabilis kong magtiwala.


"Umiiyak ka na naman," matabang na komento ni Dianne matapos makapagbihis. "'Di ko alam kung ilang beses na kitang nahuli na umiiyak pero tingin ko, hindi mo dapat iyakan ang mga ganoong tao. Wala ka namang mapapala kung iiyak ka. Iyak ka nang iyak pero sila, tuwang-tuwa sa sinapit mo." dugtong niya.


First time that someone tapped my back gently.


"Tahan na woi... baka isipin ng mga taong dumadaan na ako ang nagpaiyak sa 'yo," asik niya sabay tapik ulit sa likod ko.


Suminghot ako at sinabayan na siya sa paglalakad. "Salamat..." bulong ko sa kaniya na ikinatawa niya lang.


"Ba't ka nagpapasalamat? Wala naman akong ginawa, ah? Pinakita ko lang sa iyo kung gaano katraydor ang mga inakala mong kaibigan," ngumisi siya. "Sa susunod kasi, pumili ka para naman hindi ka na masaktan."


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now