Twenty- One

237 5 0
                                    

Chapter 21.

Who's The Father?

My daughter really looks like her father. Palaki nang palaki si Maxi ay lumilitaw na ang girl version ni Carson sa kaniya. Aliw na aliw naman si Dianne dahil ang features ni Maxi ang ginagamit niya para pang-asar sa 'kin.

"Hali ka rito, Maxi. Bigyan kita ng maraming okra," masama kong tiningnan si Dianne. "Ay! Joke lang pala 'yon. Galit naman agad ang Mommy mo!"

Binuhat niya si Maxi at pinasok sa kwarto. Abala ako sa pag-aaral para sa midterms namin at itong si Dianne na sobrang bait, todo ang pang-iisturbo. Nag-aalala ako na baka pakainin niya na naman ng okra ang anak ko. Last time ay nagsuka si Maxi dahil sa kaniya kaya pinagalitan ko siya.

Pumasok sa isipan ko na kailangan ko pa palang gumawa ng gatas para kay Maxi para makatulog na ito.

I arranged my books and notebooks before standing up to go to the kitchen. Sakto namang lumabas si Dianne, hawak na sa kamay ang anak ko. Tamad ko siyang tiningnan.

"Wala na naman sa mood Mommy mo, Maxi." bulong niya pa sa bata.

Napasapo ako sa sariling noo. "Come here, baby." I softly said and opened my arms to my daughter.

Agad namang sumunod ang anak ko at naglakad patungo sa akin. I carried her and make a face to Dianne. Bumungisngis lang ang mabait kong kaibigan. Tumungo kami sa kitchen at pinaupo ko siya sa upoan na binili ko sa mall.

"Mam!" pilit niya akong inaabot.

"Wait lang, Maxi. Gagawan pa kita ng gatas." I smiled at her and pinched her nose.

Masama niya akong tiningnan. Tama nga si Dianne, nakuha ni Maxi ang pagiging masungit ko. 'Yung masamang tingin. Napapabuntong-hininga nalang ako kapag nakikita ko siyang ganoon.

After making a milk for her, nilagay ko ito sa harapan niya. "Drink it." marahang sambit ko. "Para makatulog ka na, Maxi."

Binuhat ko ang anak ko at nilagay sa bibig niya ang baby bottle. She slightly closed her eyes and even made a sound. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatitig sa freckles na nasa magkabilang pisngi niya. She got it from her father obviously.

Mabilis siyang nakatulog sa bisig ko kaya pinasok ko na siya sa kwarto at nilapag sa kama. I put pillows in her corners and when I finished, lumabas ako ulit. Nasaan na si Dianne?

Hinanap ko siya sa banyo pero wala namang tao roon.

Where did that woman go?

"Char! Hinanap mo 'ko ano?" tinaasan ko siya ng kilay nang makapasok siya sa apartment. May hawak siyang supot. "Bumili ako ng milkshake!" tuwang-tuwa na saad niya at pinakita pa sa akin ang plastic kahit nakikita ko na.

"Akala ko napano ka na," tamad na tugon ko at tinanggap ang milkshake na binili niya.

"Worried ka na niyan?" nakangising tanong niya at nakipag-cheers sa milkshake. "Ang bilis ng panahon, Savannah 'noh?"

"Sinabi mo pa..."

"Ang bilis lumaki ni Maxi. Noon, para pa siyang bean dahil sa liit niya pero ngayon? Marunong na siyang maglakad at magsuot ng tsinelas!" I chuckled. "At ikaw, malapit ka nang magfourth year college tapos ako naman ay graduating na."

I smiled and think of the moment where we baked alot of cookies and cooked lasagna. "Yeah... parang kahapon lang nangyari lahat ng mga bagay." mahinang ani ko.

"Pasensiya na kung ibabanggit ko pangalan niya ah?" kumunot saglit ang noo ko. "Ang bilis nakaahon ng kompanya ni Carson, magdadalawang taon pa lang simula noong makabalik siya pero napakabilis umangat ng kompanya niya."

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now